Mafia's Doctor: Jade was kidnapped

419 9 0
                                    

Naka-upo kami ngayon ni Mrs. Montero na may namamagang mata nang dumating ang mag-amang Montero. Napansin naman nila ang mata ni Mrs. Montero kaya tumingin ito sa akin kaya napa-tingin din sa pwesto ko ang mag-ama. Sa mga mata ni Mr. Montero ay nang-aakusa at sa mga mata naman ni Jake ay nagta-tanong. Napa-rolyo ang mga mata ko dahil sa tinging ibinibigay sa akin ni Mr. Montero.

“What did you do, woman?” tanong ni Jake. Naunahan nito si Mr. Montero na akma na sanang mag-tatanong pero naka-una si Jake. Hinintay nila ang sagot ko kaya marahas akong huminga at dinilaan ang labi ko.

“Pina-iyak ko siya. May binalita lang naman ako malay ko bang iiyak siya.” I mentally slapped my forehead. Bullshit, malamang iiyak kasi kababata nga. Parang tanga lang, Nadia. Nasa tabi ko pa din si Jade at nakatulog sa lap ko.

Sumama ang tingin sa akin ni Mr. Montero ganon na din si Jake. Tiningnan ko naman si Mrs. Montero na umiling sa inasta ng mag-ama niya.

“Hun, remember Narliah?” agaw pansin ni Mrs. Montero sa asawa nitong nakatingin sa akin na mukhang pinapatay na ako sa isipan nito. Napa-ngiwi naman ako dahil doon. Kahit sa akin nakatingin ay tumango pa din ito.

“She's dead. Someone killed her.” muling umiyak si Mrs. Montero. Binawi naman ni Mr. Montero ang tingin nito sa akin at inalo ang asawa pero hindi si Jake na nakatingin pa din ng mariin sa akin.

“Who told you that? I thought—” hindi naituloy ni Mr. Montero ang sinasabi niya dahil pinutol na ito ni Mrs. Montero.

“Nadia, she's Narliah's daughter.” katulad ng asawa niya ay gulat din itong tumingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Aba, kahit ama ito ni Jake ayaw ko pa din ng tingin niya sa akin kanina ah. Mas lalo naman itong nagulat dahil tinaasan ko ito ng kilay. Mukhang pati si Jake na nananahimik sa gilid ay nagulat sa inasta ko.

Nagulat na lang kami ng makarinig ulit kami ng putok ng baril. Pinakuha ni Jake sa isang maid ang kapatid nitong nakatulog sa kandungan ko at pinalagay sa kwarto. Lumabas silang tatlo at may binigay naman na baril ang isang tauhan kay Mrs. Montero. Ngumiti naman ito at sinabing, “Dito ka lang.”

Sabay sabay naman silang naglakad paalis at ako naman ay nakatingin lang sa likuran nila. Nakakatawa man dahil sa ganitong sitwasyon pa ay hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit. Inggit  kay Jake dahil may buo itong pamilya samantalan ako hinahanap ko pa ang natitirang pamilya ko.

Hindi ako nakinig kay Mrs. Montero at sumunod sa kanila. Nakita ko namang maraming tao ang papunta pa lang sa bahay na mukhang pasugod pa lang habang marami din ang nasa harapan mismo ng mansyon. Parami sila ng parami kaya naman kinuha ko ang nakita kong baril malapit sa akin at tinulungan ang lalaking babarilin na sana sa dibdib pero naunahan ko.

Tumingin naman ito sa akin na may gulat na ekspresyon sa mukha at ngumiti ng pagsasalamat sa akin. Tumango na lang ako at pinagba-baril ang mga nakikita kong malapit sa akin na kaaway. Makikilala ang mga nanugod dahil naka itim silang lahat mula ulo hanggang paa samantalang sa mga tauhan ni Jake ay parehas na itim at puti.

Kapag nawawalan na ako ng bala ay hindi ako nagda-dalawang isip na gamitin ang natutunan ko sa Ama ko na gamit lamang ang kamay at paa. Pupulot ng panibagong baril na mikikita ko at iyon ang gagamitin. Kakaunti na lang ang nasa paligid na kalaban at alam kong nasa akin na ang atensyon ng iba dahil habang nakikipaglaban ako ay nakikita ko sila minsan na nakatingin sa akin lalong lalo na sila Ashton na naguguluhang nakatingin sa akin.

Mukhang naaalala nila ang nangyaring ambush dati dahil tinulungan ko din silang lumaban noon. Pinutok ko sa huling kalaban ang natitirang bala sa baril ko at sinakto ito sa gitna ng noo. Binato ko sa kung saan ang baril at pinagpag ang mga kamay ko at lumingon sa paligid ko.

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now