Mafia's Doctor: Resignation

666 17 2
                                    

Nakita ko siyang nakaupo sa dati niyang pwesto at may hawak na baso na may lamang alak. Nakatingin ito sa kaniyang harapan at sinundan ko ’yon ng tingin. Nakatingin ito sa kaniyang nameplate na nakapatong sa office table niya. Lumapit ako dito at hindi na inabalang isarado ang pinto dahil nasa dulo lang naman ito ng bahay at walang mag t-tangkang pumasok.

Umupo ako sa tabi nito at pinagkrus ang binti ko. Napansin ko namang sumulyap ito sa akin at binalik ang tingin nito sa harapan. Ano bang meron sa nameplate at tinitingnan niya ’yan. Umirap na lang sa hangin at sinabi na ang sadya ko. Inaantok na ako.

“Kailangan kong umalis bukas.” Nagulat ako sa ingay kaya tiningnan ko ’yon at nakirang pabagsak na inilagay ni Jake ang baso sa lamesa. Problema nito?

“No.” Bakas sa boses nito ang pagka seryoso pero hindi ’yon ang kailangan kong sagot. Tumaas ang kilay ko at pinag krus na din ang braso ko. Pinantayan ko din ang pagkaseryoso nito.

“I need to go tomorrow, Jake. I won't escape. I'll just go to the hospital.” He looks more serious now and stares at me intently. I sigh deeply and scrunches my nose. Ano ba naman ’yan!

“Kailangan ko ng mag resign dahil nag t-trabaho na ako sa'yo, okay? Ayaw ko naman na magkaroon ng reklamo tungkol sa akin at may mga pasyente pa ako doon na bibisitahin!” Sigaw ko sa kaniya sa inis. Inaantok na ako! Gusto ko ng damhin ang lambot ng kama at unan ko.

“Okay.” Lumiwanag naman ang mukha ko at tumayo na agad. Aalis na sana ako pero agad na bumusangot dahil sa sinabi niya.

“But three bodyguards will accompany you tomorrow.” Umirap na lang ako at tumango para hindi na humaba pa ang usapan. I saw him nod and that's my cue para lumabas at pumunta na ng kwarto ko.

Ang sabi niya kaharap ng kwarto niya kaya alam ko na ang kwarto ko. Pagkabukas ng kwarto ay namangha ako dahil sakto ito sa panlasa ko. Magaan din sa pakiramdam at maaliwalas tingnan. Napatingin ako sa gilid ko at dumako ang tingin ko sa painting. Ang ipininta ko. Napangiti naman ako dahil talagang sinabit pa nito sa kwarto ko.

Naglakad naman ako papunta sa kama ko at pabagsak na humiga. Nilagay ko ang kaliwang braso ko sa ulo ko at tinitigan ang ceiling. Dapat na akong kumilos dahil kung hindi madaming inosente ang madadamay. Uumpisahan ko ’yon bukas dahil saktong aalis ako.

Inayos ko ang higa ko sa kama at nagtalukbong ng kumot habang yakap ang unan. Mas kumportable akong matulog na ganito.

---

Nag-aayos na ako nang may kumatok sa pinto kaya hininto ko muna ang ginagawa ko at naglakad papalapit sa pinto. Pagbukas ko nito ay tumambad sa akin si Jake na walang emosyon ang mukha't mata. Ano nangyare dito? Parang kahapon ang bait niya pa— oh, I forgot. Ganitong ganito din itsura niya noong una kaming nagkita.

“Be home before 5.” Hindi pa ako nakakapagsalita nang tumalikod na ito at umalis. Sumimangot naman ako at inirapan ang likod niya. Attitude. Sinara ko na lang ang pinto at bumalik sa dating pwesto sa harap ng salamin.

Kanina nagpanic pa ako nang malamang wala akong damit na dala pero nang buksan ko ang isang pinto bukod sa banyo doon ko nakita ang isang walk-in closet na puno ng mga damit, accessories, shoes and etc. Mabuti na din ’yon para naman hindi na ako maghakot sa bahay ko mamaya at ang mga kailangan ko lang kunin ay ang mga importante sa akin.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Wala akong dala kahit ano dahil wala naman akong gamit dito at hindi man lang kinuha ang bag ko noong kinidnap ako. Nandoon kaya ang cellphone ko!

Tumambad sa akin sa labas ang tatlong sinasabi niyang bodyguard na hindi naman mukhang bodyguard. Kung susuriin ng maayos parang mayaman din dito at parang napipilitan lang din na samahan ako. Pwes! Ako din.

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now