Mafia's Doctor: Ambushed

575 19 0
                                    

Pagkalabas ko sa opisina nito ay dumiretso muna ako sa room 37. Isa sa pasyente ko na nagpapagaling matapos kong tanggalin ang bukol sa ulo nito. Pagkarating ko sa harap ng pinto nito ay huminga ako ng malalim at hinanda ang ngiti ko bago ito binuksan at pumasok.

Nakita ko naman ang isang ginang na nakayuko at nakahawak sa isang kamay ng pasyente ko. Ito siguro ang Ina ng dalaga. Tumikhim naman ako para makuha ang atensyon nito kaya lumingin ito sa pwesto at napatayo.

“Doctora.” mahinhin nitong saad at sinulyapan ang anak. Ngumiti naman ako at lumapit sa dalagang pasyente na bumabalik na ang dating kulay ng balat. Nang inooperahan ko itong dalaga ay halos mag 50/50 na ito dahil late naoperahan at late nakabayad ang ama ng dalaga.

Ayon ang nakakainis sa hospital na pinag t-trabahuan ko. Mas pinaprioritize ang mga nakabayad na kaysa sa mga nangangailangan. Tiningnan ko ang makina na nasa tabi ng kama at mabuti na lang maayos ang heartbeat nito. Nilingon ko ang Ina nito at nagtanong.

“Pasensya na po kung hindi ako ang nakapag round ng ilang araw. Kamusta naman po ang anak niyo?” kita ko namang nanubig ang mga mata kaya nataranta ako kaya tinapik ko na lang ang likod nito.

“Ang… ang sarap sa pakiramdam.” patuloy ko lang na hinagod ang likod niya kahit kating kati na ako magtanong kung ano nangyayare sa kaniya. Pinunasan naman na nito ang mga luha at kumalma. Ginabayan ko naman siyang umupo at umalis na sa tabi niya.

“Anak ko. Ang ganda sa pandinig.” Nakangiti nitong saad at hinawakan muli ang kamay ng dalaga. Pinagpatuloy ko na lang ang pagcheck ng vital signs nito nang magsalita muli ito.

“Magana na siyang kumain at hindi na siya ’yung laging nakahawak sa ulo tuwing sumasakit ito.” nakangiti nitong saad at pinagmasdan ang anak.

“Matagal niya na akong itinakwil na Ina niya kaya pasensiya na sa pagiging emosyonal ko kanina.” ngumiti naman ako at tumango.

“Ayos lang po. Mukhang kailangan na lang siyang bantayan at icheck ang improvements. Simula bukas kasi wala na ako dito, Ma'am. Alis na po ako.” nilingon naman ako nito at nginitian. Halata sa mata nito na kanina pa umiiyak.

Naglakad na ako papuntang pinto at handa na sanang lumabas nang may maalala ako, “Patatawarin ka din po ng anak mo, Ma'am. Hindi man ngayon pero balang araw. Walang nakakatiis na anak sa kaniyang Ina.” dagdag ko at tuluyan ng lumabas.

Pinahid ko naman ang tumakas na luha sa mata ko at huminga ng malalim. Napahigpit ang hawak ko sa doorknob. Nawala ang pagmumuni ko ng magtanong ang isa sa tatlong bodyguards na pinasama sa akin. Hanggang dito ba naman sinundan ako?

“Punta muna tayo sa bahay ko.” Umayos naman sila ng tayo at nanguna ulit maglakad si Russian guy. Hindi ko pa alam ang pangalan nila. Tatanungin ko mamaya sa kotse para naman mabawas bawasan ang katahimikan doon.

Paglabas ko ng hospital ay nakita ko si Russian guy na hinahanda na ang sasakyan kaya naman sumakay na ako at hindi na hinintay pang pagbuksan. May sarili akong kamay at hindi ako sanay na pinagsisilbihan.

Katulad kanina, tumabi sa akin si Chinito guy at nasa harapan naman si Russian guy kasama ang isa pang lalaki na parang Amerikano sa features nito. Inistart na ni Russian guy ang makina at sinimulan ng magmaneho. Sinabi ko naman ang address ng bahay ko sa kaniya at nakita ko namang tumango ito sa rearview mirror.

Tumingin naman ako sa bintana na nasa gilid ko at pinagmasdan ang paligid. Mga batang namumulubi, mga taong tumatawa't ineenjoy ang buhay, at ang mga tinderang nasa gilid ng kalsada.

“Ano ano ang mga pangalan niyo?” basag ko sa katahimikan. Kanina pa kami magkasama pero hindi ko man lang alam pangalan nila. Nilingon ko sila at narinig ko namang tumikhim ang katabi ko.

“Ako si Ashton.” ngumiti naman ito sa akin at inabot ang kamay ko sabay halik. Napataas ang kilay ko dahil doon at dahilan na din para bitawan ang kamay ko. Sunod naman na nagpakilala ay ang nasa passenger seat.

“I'm Wayne and this guy, who's riding, is Gael.” ngiting pakilala nito at tinuro pa ang nagmamaneho. Wala bang boses itong isa? Napailing na lang ako. Tumango ako kay Wayne at tumingin muli sa labas.

Malapit na sana kami sa bahay ko nang biglang huminto ang sinasakyan namin. Kumunot naman ang noo ko dahil may humintong motor sa gilid ng sasakyan at may dalang baril pa sa isang kamay at sa isang hita.

Tumingin ako sa harapan namin at merong sasakyan ang hinaharangan ang dinadaraanan namin. Lumingon na din sa ako sa likuran at may dalawang sasakyan na naroroon. Mukhang pinagplanuhan ang pag corner sa amin. Wala naman kaming ginagawa sa kanila.

Lumabas ang apat na nakasakay sa humarang ng kotse at tinutukan kami ng baril. Naramdaman ko namang bumukas ang pinto sa gilid ko at padarang akong nilabas. Ramdam ko din ang metal na nakatutok sa ulo ko na alam kong baril.

Bumaba naman sa kotse sila Gael at tinaas ang kanilang kamay. Inutusan ng isang lalaki ang tatlong kasamahan niya na hawakan sila Gael kaya naman lumapit ang mga ito. May nakita naman akong sinenyas ni Wayne sa kanila Ashton kaya nangunot ang noo dahil hindi ko alam ang ibig sabihin nito.

Tuluyan ng nakalapit sa kanila ang tatlo at nang hahawakan na sila nito ay sabay sabay na sinila nila Wayne ang kayamanan ng mga lumapit sa kanilang lalaki at sabay sabay ding hinampas ang batok kaya nawalan ng malay. Ramdam ko naman ang pagka-alerto ng nasa likuran ko at mas lalong dinikit sa ulo ko ang baril.

Ramdam ko ding nagsilabasan ang kaniya-kaniyang sakay ng dalawang kotse sa likuran namin at pumunta sa harap namin. Kinuha nila Gael ang baril ng napatumba nila at tinutukan ang mga papalapit sa kanila.

Nang makita kong ipuputok na ng natirang lalaki sa harapan ang baril kay Ashton ay siniko ko ang tiyan ng nasa likuran ko at inagaw ang baril na nasa hita nito. Walang pag-aalinlangan kong pinutok ito sa kamay niyang may hawak na baril kaya nabitan nito at kinuha ko.

Hudyat na ang pagputok ko ng baril ang pagpalitan na ng putok sa isa't isa. Pinukpok ko ang baril sa ulo ng nasa harap ko at dumugo naman ito. Napahawak ako sa balikat ko ng maramdamang may tumagos doon at dahil na din sa sakit. May naramdaman akong basa doon kaya tiningnan ko ang kamay ko at nakita ang dugo ko. Nakita kong papalapit na sana sa akin si Ashton pero hindi natuloy dahil may humarang sa kaniya.

Pinutukan ko sa ulo ang may gawa non sa likuran ko. Ang sakit, ywa. Tiningnan ko ang paligid at nakitang may binubugbog si Wayne habang sila Gael at Ashton ay diretso pinapatulog na ang kalaban. Nagulat ako nang may tama ng baril sa gilid ng ulo ang kasalukuyang kalaban ni Gael ngayon. Sinundan ko ng tingin kung saan galing ’yon at sumalubong sa akin ang mainit na yakap.

Inangat ko ang tingin ko at sumalubong sa akin ang nag-aalalang tingin ni Jake. Nakita ko naman sa gilid ko si Wayne na may ngisi sa labi ganon din si Ashton. Nakita ko namang tumango si Gael bilang pasasalamat kay Jake.

Humiwalay na sa yakap si Jake at tiningnan ang kabuohan ko. Napatingin naman ito sa balikat hanggang kamay ko dahil tumutulo na ang dugo ko. Tumalim naman ang tingin niya doon at matalim niya ding tiningnan sila Gael.

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now