Mafia's Doctor: Eagledo

358 7 0
                                    

Nadia's POV;

Pagkarating ko sa HQ ay tiningala ko ito at bumuga ng hangin. Tatlong taon na simula nang nangyari at hindi na ako bumalik pa dito. May pasabi sabi pa ako na hindi na ako tatapak sa kinatatayuan ko pero tingnan mo nga naman, nakatayo at binabalikan ang mga ala-ala namin noon.

Bumuga ulit ako ng hangin at lumabas na ng kotse. Naglakad na ako palapit sa pinto at hinaplos ang simbolo na nasa gitna nito. An eagle with thorns around it and kung titingnan mo ng mabuti may nakasulat na Eagledo. I smirk and pushes the door.

Inilibot ko ang paningin sa kabuohan ng bahay. Hindi ganon kalaki ang bahay pero sapat na para maging HQ at maging tambayan. Sinarado ko na ang pinto at naglakad papunta sa likuran ng pinto.

Ini-on ko muna switch para magka-ilaw at pinindot ang kulay pulang button sa tabi nito. Ang button na ito ay isa sa mga gawa ni Altia para naman kung may emergency meeting and kung gusto namin mag-gala, isahan na lang ang gawin at ayun ay pindutin ang button. Mag no-notify iyon sa relo namin dahil connected ’yon sa dati naming trabaho.

May katabi din itong isang green button, ayon ang ip-press namin kung sakaling kailangan namin ng tauhan katulad namin magn-notify sa kanilay iyon pero hindi sa relo kung hindi ay kwintas. Magfla-flash ’yon para malamang kailangan namin sila.

Malinis pa naman ang HQ at mukhang nililinisan ito ng iba naming tauhan. Naglakad ako patungo sa likuran ng bahagi ng bahay at nakita ang iba't ibang patalim.

Lumapit ako dito at pinasadahan ng tingin ang mga patalim. Kinuha ko ang isang dagger at pinatama sa likuran ko.

“Woah, easy!” ani ng isang pamilyar na boses. I rolled my eyes and throw another one. Narinig ko namang bumaon ito sa pader na katabi nito kaya nilingon ko ito para makasigurado at napangisi na lang dahil hindi pa din pala ako pumapalya sa pag-asinta.

Rinig ko ang pagbusina ng kotse galing sa labas. Nakarating na siguro ang dalawa. Nauna namang lumabas si Marian para salubungin si Nihan and Altia. Mula dito sa labas ay rinig na rinig namin ang pag-tatalo nila.

“Ang bobo mo naman kasi! Sabi ko hakbangan mo hindi tapakan!” boses pa lang halata ng si Nihan. Habang hinihintay silang pumasok ay umupo muna ako sa sofa malapit sa pinto at pinag krus ang mga braso ko.

“Hinakbangan ko nga!” palakas na ang boses nito ibig sabihin naglalakad na sila palapit dito para pumasok.

“Bobo, ang hakbang i-skip mo hindi tapakan!” sigaw ni Nihan kasabay ng pag-pasok nila.

“Malay ko bang ganon pala ’yon!” sigaw nito pabalik kay Nihan at umupo sa tabi ko sabay pulupot ng braso nito sa akin. Tumabi naman si Nihan kay Marian at natawa ako ng makita siyang masama ang tingin kay Altia na nakakunot pa ang noo.

“Ano ba pinag-aawayan niyo?” tanong ni Marian na palipat lipat ang tingin sa dalawang nagpapalipat pa din ng masasamang tingin.

“Ganito kasi ’yon…” umayos muna ng upo si Nihan at kinuha ang pillow sa lap nito.

“Nasa sementeryo kasi kaming dalawa kasi wala kaming duty sa hospital at dumalaw sa puntod ni Avi noong nag-notif ’yung relo namin tapos syempre galing kami sa sementeryo niya edi nilinis at wala ngang basurahan doon, inutusan ko muna si Tia na bumili ng posporo para sunugin ang mga nalinis ko. Syempre kapag nasa sementeryo kapag magsusunog doon dapat hakbangan mo pero ito naman!” sinamaan ulit ng tingin ni Nihan si Altia habang nakaturo ang index finger nito sa kaniya.

“Tinapakan! Ang bobo, amputa. Hakbangan ang sabi ko pero paulit ulit niyang tinatapakan hanggang sa mangalahati ang posporo!”

“Malay ko bang ganon pala ’yon! Sorry ha sorry!” balik sigaw ni Altia. Nagkatingin na lang kami ni Marian at napa-iling. Akma na sanang mag-sisigawan ulit sila pero nag-tanong na si Marian.

“Nangako ka dati na hindi ka na tatapak dito pero binali mo. Mukhang importante ang pag-uusapan natin ngayon.” seryosong saad ni Marian. Nang marinig ng dalawa ’yon ay sumeryoso na din sila at tiningnan ako.

“Nakita ko na siya.” nangunot naman ang noo nilang tatlo at tinitigan ako ng mariin.

“Sino?” tanong ni Nihan.

“Nakita ko na si Adriana.” their jaw dropped in instant. I smiled bitterly and shakes my head because of disappointment.

“But you don't look happy at all.” maliit na lamang akong ngiti ang sinagot ko sa kanila at nilabas ko na ang kanina ko pang pinipigilang luha. Kailanman hindi ako nag-breakdown sa harapan nila, ngayon lang. Hahayaan kong mag-breakdown ang sarili ko sa harap nila. Kailangan ko lang ng karamay ngayon.

Niyakap naman nila ako agad and I felt comfort. Nihan is rubbing my back while Marian is caressing my hair. Nakayakap naman ako kay Altia at nakasubson ang mukha ko sa balikat nito habang patuloy na umiiyak.

Nang medyo kumalma na ako ay humiwalay ako sa pagkakayakap kay Altia at inayos ang pagkaka-upo ko. Bumalik naman sa dating pagkaka-upo sila Nihan habang inaayos ang nagulo kong buhok at inaalis ang mga natitirang luha sa pisngi ko.

Bumuga muna ako ng hangin at tiningnan sila, alam kong namumugto ang mga mata ko pero wala na akong pake doon.

“She… was raped.” mahina kong saad pero sapat na para marinig nila. Napasinghap naman sila pero naguluhan ako ng makita ang maliit na ngisi sa labi ni Altia. Kumurap ako at nakitang wala na ito at napalitan ng gulat ang ekspresyon nito. Ipinagsawalang bahala ko na lang ’yon.

“Mr. Asta is back.” dagdag ko pa. Their eyes widen, looking at me like I said something horrible. Well, yeah, totoo naman.

“And Mr. Asta abducted Adriana.” muling dagdag ko.

“You mean… that old man raped your sister?” mahinang tanong ni Marian samantalang ang dalawa ay nakatingin sa akin, hinihintay ang sagot ko. I shake my head and sighs heavily.

“He— he trained my sister to be a k-killer and gave her a m-mission and everytime s-she came back to say that her mission accomplished, t-there's a girl na m-may pinapa-amoy daw sa kaniya and mag-iinit na lang daw bigla ang katawan niya then ayun na. T-they'll r-rape her.” nahihirapan kong paliwanag sa kanila.

Nanginginig ang mga kamay ko na nakakuyom na pala. Hindi ako nanginginig dahil sa takot na bumalik na si Mr. Asta, nanginginig ako sa galit. Una, pinatay niya si Avi at ngayon naman ginawa niyang mamamatay tao ang inosente kong kapatid! Hindi lang ’yon! Binenta din nito ang katawan nito. Walang puso.

May naramdaman naman akong humawak sa nanginginig kong kamay at nakita si Nihan na hawak ito samantalang si Altia ay kumuha ng tubig para sa akin.

Ininom ko naman ito at tiningnan silang tatlo. Ang mga tingin nila parang hinihintay ang utos ng amo at handang sundin kahit ano pa man ’yon. Huminga muna ako ng malalim bago sila tiningnan ng matalim. My usual look noong active pa ako sa mga ganitong bagay.

Inisa isa ko silang tiningnan at sinabi na ang pakay ko sa kanila. Ang gusto kong mangyare. Ito na ang oras para naman mag-bayad sila sa mga ginawa nila. Napalayo naman silang tatlo sa akin nong sinabi ko na ang pakay ko kung bakit ko sila pinatawag.

“Ibabalik natin ang samahan. Ibalik natin ang Eagledo.”

Author's Note;

Hi, I know some of you is naguguluhan kasi ang sinabi sa first chapter ay sumama sa ibang lalaki ang Ina ni Nadia and biglang sinabi ko na namatay ang Mama ni Nadia sa chapter 12 pero ma-sasagot din ang katanungan niyo sa upcoming chapters. Malapit na ’yon HAHAHAHA.

Mafia's Doctor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon