Mafia's Doctor: Reckless move

337 6 0
                                    

Nadia's POV;

Pagkatapos kong marinig ang mga nangyare dito noong nawala ito sa poder namin ay wala akong ginawa kung hindi yakapin ito ng mahigpit at iparamdam na ligtas na siya dahil nandito na ako. Kung sakali man na tama ang kutob ko ay hindi ako magdadalawang-isip na sugurin ang kuta nila.

Nakatulog naman si Adriana dahil na din sa dinalaw ito ng antok at masakit ang mga mata nito kakaiyak. Napabuga na lang ako ng hangin.

“Jade.” mahina lamang ang pagkaka-bigkas ko non pero siniguro kong maririnig nito. Lumabas naman si Jade sa pinagtataguan niya at lumapit sa amin. Nginitian ko ito ng tipid at sinipat ang katawan nito.

Napansin ko naman na iba na ang suot niya. Bago siya makidnap ay naka yellow dress ito na bumagay sa kaniyang maputing balat, ngayon naman ay naka pajama ito. Natawa naman ako ng bahagya, kaya pala familiar sa akin ang pajama na suot niya dahil ayon pala ang favorite na pajama ni Adriana nong bata pa siya.

“Hintayin na lang natin na magising si Adriana and ibabalik na kita sa mansyon.” ani nito at hinaplos ang buhok nito. Sumagot lamang ng tango, matamis na ngiti at yumakap sa kaniya.

Yumakap naman ako dito pabalik habang hinahaplos pa din ang buhok nito.

“Hindi ka ba natakot?” mahinhin kong tanong dito.

“No po. She explained naman po and she did not hurt me po.” tumango naman ako. Mahilig kaming dalawa ni Adriana sa mga bata. Naalala ko noon wala talagang balak sila Mommy na magkaroon ako ng kapatid pero winish ko ’yon sa kanila kaya kami nagkaroon ng Adrian and she's my mini me. Ang pinagkaiba lang mahilig ako sa paintings and siya ay mahilig kumuha ng larawan.

“I eavesdropped po earlier and my heart broke when she told you her past experiences.” mas hinigpitan ko ang pagkakayakap kay Jade dahil sa sinabi nito. Ang bata niya pa para marinig ang mga kwinento ni Adriana.

Mukhang naalimpungatan si Adriana dahil sa boses namin ni Jade kaya naman nang makita niya kami ay ngumiti ito sa akin at sumali sa yakapan namin. Ano ba ’yan. Yakapan portion ba ito?

“Mag-ayos ka na, Adi. Aalis na tayo.” ani ko ng makitang mag ta-tatlong oras na pala kami dito. Baka magtaka sila kung bakit natagalan ako sa pagbalik. Tumango naman ito sa akin at bumangon na para maghilamos.

Nang matapos ito ay bumaba na kami at lumabas na ng mansyon. Pinasadahan ko muna ng tingin ang mansyon bago sumunod sa kanila Jade na nakasakay na sa kotse. Nang ini-start ko na ang engine ay napansin ko ang isang kotse sa garahe namin.

Napansin naman ni Adriana ’yon dahil siya ang nakaupo sa passenger seat.

“Ayan ’yung kotseng ginamit ko, Ate.” tumango na lang ako at pinaharurot papunta sa Montero's mansion. Pinal na ang desisyon ko. Pagkatapos kong ihatid sila Jade sa mansyon nila ay aalis din ako agad para pupunta sa isa sa mga pilit kong tinatakbuhan pero alam ko sa sarili ko na hahabol-habulin ako nito dahil sa responsibilidad ko.

Kanina habang natutulog si Adriana at kausap si Jade ay napag-isip isip kong bumalik sa kung ano ako dati. Sa kung ano ang nabuo ko sa sarili ko noong nawala ang mga magulang ko.

Nang makarating sa mansyon nila ay may guard ng nakabantay sa gate at mukhang nakilala ang kotse ni Jake na kinuha ko lamang sa garahe nila kanina kaya pinag-buksan nila kami ng gate. Speaking of, hala! Napaano na kaya si kuyang na pinatulog ko kanina?

Nang makarating kami sa harapan ng pinto ng mansyon ay hinintay kong bumaba muna sila Adriana. Nang bumaba si Adriana ay inalalayan nito si Jade na kagigising lang dahil nakatulog ito kanina sa byahe.

Agad kong pinaharurot paalis ng Montero's mansion ang kotse ng sinarado na ni Adriana ang pinto sa backseat. Nakita ko sa rearview mirror na nagulat ito at sinigaw ang pangalan ko. Mukhang narinig hanggang sa loob dahil nakita ko pa na lumabas ang pamilyang Montero kasama si Jake bago sila mawala sa paningin ko.

Jake's POV;

Paalis na sana ako para hanapin ang nakababata kong kapatid at si Nadia because it's been what? It's been 6 hours nang wala na siya and pumunta sa office ko ang nag pupunas ng kotse ko sa garahe na nagising na lang siya na nasa gilid at wala na ang kotseng pinatoka ko sa kaniya.

I frustratedly sighs. I'm holding my motorcycle key when I heard a familiar voice and name outside kaya wala na akong sinayang na oras and I ran as fast as I can. Mukhang narinig din nila Mom ang sigaw dahil nagkasalubong pa kami.

Nang makalabas, I saw my little sister with our maid, shouting while looking from afar and I saw my car. Alam ko na kung sino ang nagmamaneho non and it's Nadia.

I wonder kung saan siya pupunta and my curiosity kills me kaya naman tinakbo ko ang distansya namin ng kapatid ko and hugs her tightly. Mukhang wala namang ginawa sa kaniya ang kidnapper niya dahil wala man kagalos galos ang katawan niya when I checked her body.

I asked her if her kidnapper did something but she just shakes her head. Tumakbo si Jade papunta sa magulang ko at ako naman ay pumunta sa nakahanda kong motor sa gilid para sundan si Nadia.

There's a tracking device sa lahat ng kotse ko kaya walang problema sa akin kahit mawala siya sa paningin ko dahil masu-sundan at susundan ko ito.

I opened my phone and tap the app to know kung nasaan ang mga kotse ko. I saw a red dot moving and agad kong pina-andar ang motor ko. My family asked me kung saan ako pupunta kung nandito naman na si Jade but I ignored them.

Naiwang nakabukas ang gate namin kaya dire-diretso ang pagmamaneho ko sa motor. After a minute, I saw my BMW car kaya naman sinadya kong ilayo ang distansiya at sundan na lang ito sa malayo.

My forehead wrinkled when she entered a fucking forest. What the fuck will she do in there? Maputik ang daanan kaya naman iniwan ko na lang ang motor ko sa gilid dahil masusundan ko naman ito sa bakas ng gulong sa putikan.

Sinundan ko lang ito at paminsan-minsan tinitingnan ang paligid at baka may ahas na pala bigla akong tuklawin.

Tumigil na ako ng makita ang kotse ko malapit sa akin kaya naman nilapitan ko ito. Wala na si Nadia sa loob nito kaya tiningnan ko ang nasa harapan namin na bahay.

I don't know na merong bahay sa loob ng gubat. Aalis na sana sa pag-aakalang isa ito sa bahay niya pero may nahagip akong isang simbolo sa gitna ng pinto. An eagle with thorns around it.

I squinted my eyes, trying to remember where the fuck did I saw that familiar symbol and my lips parted when I remembered it.

I immediately take my phone on my pocket and pinicture-an ang simbolo bago ako nagmamadaling umalis doon.  Pagkarating sa pwesto ng motor ay agad kong tinawagan si Eman, my right hand. Ashton, Gael and Wayne are not a member of my organization. They have their own organization.

When Eman answered my call I immediately said kung ano ang pakay ko, “Investigate Eagledo. Do it. Right now.”

Mafia's Doctor Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang