Mafia's Doctor: Painting

813 26 0
                                    

Pagkatapos kong tahiin ang sugat niya at lagyan ng gauze ay inayos ko na ang emergency kit at inayos ang pagkakahiga nito. Inalis ko na din ang gloves and mask ko at naghugas sa banyo. Tinapon ko ’yon sa malapit na trashbin dito sa banyo.

Kinuha ko na ang emergency kit at lumabas na ng kwarto. Pagkalabas na pagkalabas ko ay nagulat ako sa aking nakita. Nandito pa silang lahat at nang makita akong lumabas ay nagsitayuan sila at kaniya kaniyang tanong.

“Kamusta na po si Erman?”
“Maayos na ba ang kalagayan niya?”
“Ayos lang ba siya, Ma'am?”

Napangiti naman ako dahil sa inakto at mga tanong nila. Tumango ako sa kanila at nag-thumbs up na naging dahilan para mapangiti din sila at umaliwalas ang kanilang mukha.

“Okay na siya. Hindi ganon kalalim ang sugat niya pero madaming dugo ang nawala sa kaniya. Magigising din siya ng ilang araw at kailangan niyang mabawi ang lakas niya kaya kailangan ng katawan niya ng pahinga.” Tumango naman sila at sumilip sa pinto ng kwarto bago sila nagsi-alisan. Nilagay ko naman ang emergency kit sa nakita kong lamesa at naglakad lakad sa loob ng bahay.

Malaki at malawak ang bahay na pwede ng tawaging mansion. Nakarating ako sa pinakadulo ng bahay at may nakita akong nakasiwang na pinto kaya pumunta ako doon para masilip kung ano ’yon. Nakita ko doon si Jake na nakaupo at tila may malalim na iniisip.

Kumatok naman ako para makuha ang atensyon niya pero hindi niya ako nilingon kaya kumatok uli ako ng tatlong beses na ikinalingon niya sa akin. Mukhang may malalim nga itong iniisip dahil nilingon niya lang ako.

May ganon ba? Kinidnap ako tapos walang gagawin sa akin. Hindi naman sa gusto kong may gawin sa akin pero ang weird lang kaya. Pumasok ako at tumabi ng upo sa kaniya.

Doon ko napansin na may hawak itong baso at sa tapat nito ay isang mamahaling alak. Kumunot ang noo ko at tumingin sa nakasaradong bintana at may kurtina pang nakatakip. Tumayo ako at naglakad papunta doon para buksan ang bintana. Hinawi ko ang kurtina nito at binuksan ang bintana para makapasok ang preskong hangin.

Tanghali pa lang pero umiinom na siya. Nilingon ko ito at nakitang nakatitig ito sa akin ng mariin habang sumisimsim sa kaniyang alak. Naglakad ako palapit dito at tumabi sa kaniya habang nakatingin sa bintana.

Katahimikan ang bumabalot sa buong silid at ramdam ko ang tingin nito sa akin. Gusto kong itanong kung ano pa ba ang kailangan nito sa akin dahil masyadong mababaw ang kinidnap lang ako para maging doktor ng Mafia nila.

Tiningnan ko ito at nagtama ang aming mga mata pero hindi ako umiwas at mas lalo siyang tinitigan. Umiwas naman ito ng tingin kaya tumingin ako sa ubos niya ng alak at nag umpisa ng topic para naman mawala ang katahimikan. Nakakabingi jusme.

“Tungkol nga pala sa kanina…” Napalingon ito sa akin at hinihintay na dugtongan ang sinabi ko. Nang makitang wala akong balak dugtungan ay siya na ang nagsalita.

“I won't take no as answer.” Pinal na sabi nito. Tumango ako at hinarap siya.

“I was about to say “Okay, I agree” pero sabi mo hindi ka tumatanggap ng no eh.” Kibit balikat kong saad at tumingin uli sa bintana.

“Really?” Tumango ako. Tumahimik naman siya pero ramdam ko ang titig nito sa akin. Kanina pa siya tumititig alam ko namang maganda ako.

Bigla namang kumulo ang tiyan ko at ngayon ko lang naalala na hindi pala ako nakakain ng umagahan at tanghalian. Napayuko ako sa hiya at ngumuso. Nakita ko pa na nilapag nito ang baso sa mesa at tumayo.

“Let's go to the dining room.” Mabilis pa sa alas kwatrong tumingin ako sa kaniya na nakatingin sa habang may sinusupil na ngiti sa labi.

Tumayo naman ako agad at nauna ng lumabas. Hinintay ko siya sa labas dahil hindi ko naman kung saan ang dining room nila dito sa napakalawak na bahay niya. Nang makalabas siya ay dire-diretso itong naglakad kaya sinundan ko na lang ito.

May nalampasan kaming mga nakasabit na paintings sa wall at iisang painting lang ang nakakuha ng attention ko dahilan din ng pagtigil ko. Naglakad ako papunta doon at napaawang ang aking bibig.

Itong larawan na ito. Batang babaeng tumatakbo habang may humahabol naman dito na isang matandang babae at isang matandang lalaki. Papalubog ang araw at ang hubog ng buong larawan ay isang babae. Hinaplos ko ito at nilingon si Jake na alam kong kanina pa nakamasid sa akin.

“Paano?” Sa dami kong gustong itanong iyan na lamang nasambit ko. Itong larawan na ito ay nilikha ko noong nasa dagat ako kasama ang pamilya ko. Nasa dagat ang pamilya ko at tinuturuang lumangoy ang bunso namin at ako naman ay umahon na dahil namumula na ang balat ko kaya para hindi mabagot ay nagpinta ako.

Dumilim naman ang paningin ko at kinuyom ang kamao ko dahil sa ala-alang bumabalik sa akin. Nakatingin pa din ako sa painting nang magsalita si Jake na nanatili sa likuran ko.

“Binili ko ’yan sa isang exhibit and that painting caught my attention.” Nanatiling nasa painting ang tingin ko at hinaplos ito.

“This painting... Ako ang gumawa nito at ito ang matagal ko ng hinahanap.” Totoo ’yon. Matagal ko na itong hinahanap hanap sa dati kong bahay dahil ito ang huli kong pininta at ang pamilya ko pa ang pininta ko. Papaanong napunta ito sa exhibit?

Noong nawala sila Papa, itong painting ang lagi kong tinitingnan sa tuwing nangungulila ako sa kanila. Ang babaeng nalahubog sa larawan ay ako ’yon pero nakatalikod at sideview ang mukha at sa loob ng katawan ay ang ipininta kong pamilya.

Nagulat na lang ako ng may humaplos sa pisngi ko kaya naman napatingin ako dito at nakita ko si Jake iyon na mariing ang tingin sa mga luha kong pilit niyang pinupunasan. Hindi ko napansin na umiiyak na ako. Hinawakan ko ang kamay ni Jake at inalis ito sa mukha at ako na lang ang nagpunas ng luha ko.

Pagkatapos kong magdrama ay lumingon ako kay Jake na nakasandal sa pader at tinititigan ang painting. Sumulyap uli ako doon at napangiti. Atleast nakita ko na at hindi na ako maghahanap pa. Nilingon ko si Jake at nagyaya ng pumunta sa dining room.

“Halika na.” Mula sa painting ay bumaling ito sa akin at tumango. Nagpatuloy uli kami sa paglalakad pero bago iyon ay tumingin muna ako sa painting. Pagkadating namin sa dining room ay may inutusan itong isang katulong na mag-handa ng pagkain.

Umupo na lang ako sa pinaka dulo at siya naman ay sa kabilang dulo. Pang 12 seater itong rectangular table. Nakatunganga lang ako doon at minsan ay sumisinghot sa sipon dahil sa pag-iyak ko kanina.

“Saan ako matutulog mamaya?” Tanong ko dito kahit hindi ako nakatingin at nakahalumbaba na lamang habang nakatingin sa kusina, hinihintay ang pagkain. Kanina pa talaga ako gutom.

“Beside my room.” Tumango na lang ako dahil mas nakakaramdam ako ng gutom kapag nagsasalita ako. Napaupo naman ako ng maayos dahil nakita ko ng lumabas ang isang katulong bitbit ang steak. Ang bango. Yum yum.

Naghanap naman ako ng kanin sa katulong na naglagay ng plato sa harapan ko and buti na lang meron. Mas masarap ang steak pag may kanin. Nang nasa harap ko na ang kanin ay hindi na ako nahiya pa at naglagay na sa plato ko.

Kumain na din ako agad at hindi na nag-abala pang lingunin si Jake at nag umpisa na. Tuloy tuloy lang ang pagsubo ko at salamat na lang na hindi ako nabubulunan.

Patapos na akong kumain ng aksidenteng mapadako ang tingin ko kay Jake na nakatitig sa akin. Kitang kita ang amusement sa mga mata nito. Nilunok ko ang nginunguya ko at tinuro siya gamit ang tinidor.

“Kumain ka na! Huwag mo akong tinitingnan!” Tumango na lang ito at binaba ang tingin sa akin para makakain na din ito. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at nang matapos ay nag burp ako ng malakas habang hinihimas ang tiyan ko.

“Busog!” Dumighay pa ako at tumingin kay Jake na nakahalukipkip at nakatingin nanaman sa akin. Nag peace sign naman ako sa kaniya.

“Ganda ko, ’no?” Umiling lang siya. Kumunot ang noo ko nang tumayo ito at iniwan akong mag-isa dito sa dining room. Tinawag ko naman ang nakita kong katulong dito at sinabing tapos na kami kumain. Hindi ako gagawa ng gawaing bahay dito duh. Ako na nga kinidnap tapos gagawa pa ako ng gawaing bahay? No way.

Umakyat na ako sa taas dahil nakaramdam na ako ng antok. Bahala na kung saang kwarto ako mapunta kasalanan ni Jake na iyon dahil hindi niya ako hinintay. Hindi ko nga alam pasikot sikot nitong bahay niya. Naglakad ako pabalik kung saan ako nagising kanina at nahanap ko naman ito.

Pagpasok ko sa kwarto ay sinarado ko na agad ang pinto at dumiretso sa kama. Ang sarap sa pakiramdam ng kama. Niyakap ko na lang ang isang unan at binaluktot ang katawan ko kasabay ng pagbagsak ng mga mata ko.

Mafia's Doctor Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang