Mafia's Doctor; Jealous who?

271 17 5
                                    

Nadia's POV;

Mag-iisang buwan na, ganon pa din ang pakikitungo sa akin ni Jake. Madalas din itong wala sa bahay na labis kong ikinataka. Gustohin ko man mag-tanong kung nasaan ang kapatid ko at kung bakit lagi siyang wala ay pinili ko na lang manahimik dahil alam ko namang babalewalain lang ako nito. Ngumuso naman ako at napag-isipang lumabas na din dito.

Hindi naman niya ako pinagbawalan lumabas kaya tumungo na ako sa taas at kumuha ng simpleng puting bistida. Plano kong mag-lakad lakad na muna para mag-pahangin. Simula nang magising ako ay hindi pa ako lumalabas.

Tinali ko lang ang buhok ko sa ponytail at nag-iwan ng ilang hibla ng buhok sa gilid. Kinuha ko naman ang isang white flat shoes sa baba lang ng cabinet. Kinuha ko ang cellphone ko na nakalagay sa side table. Sinulyapan ko muna ang sarili ko sa salamin at nang makitang ready na ako ay napag-pasya ko ng lumabas.

Pagka-bukas ko ng pinto ay ang mainit na sinag ng araw ang unang bumati sa akin sa labas kasabay ng malakas na hangin na sumunod naman sa daloy ay ang buhok ko.

Bumungad sa paningin ko ang mga batang nagla-laro ng taya-tayaan sa gilid ng bahay at ang mga ina nila na binabantayan sila mula sa katabing bahay. May ilan din akong napansin na mga kalalakihan ang nakapalibot sa bahay na tinutuluyan namin ni Jake at nakatingin sa akin ang iba.

Mahahalatang mga tauhan sila ni Jake dahil sa tindig nila. Buti nga hindi sila naka-suot ng attire nila at baka makahakot sila ng atensyon. Nag-lakad lakad lang ako at nanatili sa gilid lamang ng daanan.

Ramdam ko ang mga tingin ng ibang nadadaanan ko pero binalewala ko na lang at nagpatuloy. Napailing na lang ako nang maramdaman ko din ang pag-sunod ng ilang tauhan ni Jake.

Naramdaman ko namang kumulo na ang tyan ko dahil may nakita akong nagbebenta ng turon sa gilid, sa tabi naman nito ay isang makipot na eskinita kaya naman pumasok ako doon at hinintay sila.

Nang nakita ko ng pumasok sa eskinita si Ashton ay nilahad ko na agad ang kamay ko at tila nagulat pa itong hinintay ko sila. Nangunot naman ang noo ni Ashton nang dumapo ang mga mata sa nakalahad kong kamay.

“Hindi ako na-inform na namumulubi ka na pala. Ang yaman yaman ng bumabahay sa'yo.” he playfully smirked when he noticed my glaring stares at him.

“Pahingi ng singkwenta mo.” nagulat naman ang ibang tauhan nia Jake na nakasunod kay Ashton dahil sa sinabi ko. Nangunot ang noo ko dahil sa mga reaksyon nila. Humihingi lang naman ako!

“Ano ang singkwenta?” kung sa iba gulat, kay Ashton naman ay naguguluhan. Napahilamos naman ako at bumuga ng hangin.

“Singkwenta, 50 pesos! Dalian mo! Ang tagal naman!” halata sa boses ko ang inip. Gutom na ako, letse! Kinuha naman ni Ashton ang wallet niya sa bulsa at binuksan. May kinuha ito at inabot sa akin. Mabilis ko naman itong kinuha at bumalik sa nadaanan kong nag-titinda ng turon.

Iniwan ko si Ashton doon na nagkakamot ng tainga niya.

“Ate, magkano po isa?” magalang kong tanong sa nag-titinda na mukhang high school pa lang. Hindi ako nito narinig dahil patuloy lang ang pag-sayaw sa TikTok app. Ywang ’yan. Gutom na ako!

“Ate?” pilit kong hinahabaan ang pasensya ko at nang hindi pa din ito lumingon ay sumigaw na ako.

“Ate! Gutom na ako, ywa! Mamaya na ’yan!” nagulat naman ito sa sigaw ko. Napalingon na din ang ibang malapit sa amin pero wala akong pake! Gutom na ako!

TikTok pa! Kahit naman lagi akong nasa hospital noon, updated pa din naman ako sa nangyayare sa labas. Mahilig din mag-TikTok ang mga nurse sa hospital noon.

Mafia's Doctor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon