Mafia's Doctor: Meeting his family

440 14 0
                                    

Pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko ang tatlo na nakaupo katapat ang tatlo din na mukhang bisita. Maayos na ang sala at wala na ang mga nakakalat na Uno cards and chips na kinakain habang naglalaro sila kanina.

Pumunta ako sa kusina at naabutan ang dalawang katulong na aligagang gumagawa ng meryenda. Nilapitan ko naman ang isang katulong na ilagay na halos lahat ng laman na mayonnaise sa sandwich sa sobrang taranta.

Kinalabit ko ito at muntik na kaming mapasigaw ng nabitawan nito ang hawak na spreader. Buti na lang hindi patulis ’yon kung hindi baka pati ako mataranta pero doktor ako jusko.

“Pasensya na po!” pasigaw nitong saad. Pinulot ko na ang spreader at ako na ang nagpalaman ng mga sandwich na nakahanda.

“Ano bang meron?” tanong ko dito habang ang katulong na nag-papalaman kanina ay tinulungan na ang kasamahan nitong nagti-timpla ng juice. Nagpumilit nga kanina pero sinabihan ko na siyang doon na muna siya.

“Dumating na po kasi ’yung pamilya ni Sir Jake.” napatigil naman ako sa pag-papalaman ng pang-huling tinapay. Iyong tatlong nandoon sa sala ba ay ang pamilya ni Jake? Itinuloy ko na lang ang pag-palaman at nilagay ang plato sa tray kasama ang tinimpla nilang juice.

“Magpahinga na kayo. Ako na ang mag-bibigay.” tumango naman silang dalawa at nag-pa-salamat. Binitbit ko naman ang tray at dahan dahan na naglakad papuntang sala para hindi matapon ang juice.

Pag-karating ko doon ay may kakulitang batang babae si Ashton at Wayne samantalang kausap ni Gael ang matandang lalaki na kamukhang kamukha ni Jake.

Nang makalapit ay nilapag ko na ang tray sa lamesang pinag gi-gitna-an ng dalawang sofa na kinauupuan ng pamilya ni Jake at nila Ashton. Pagkatapos kong ilapag ay tumalikod na ako at akmang aalis na ay humarang ang batang babae sa harapan ko.

“You don't look like a maid po. Who are you?” kahit may pagka maldita ang mukha niya ay nandoon pa din ang respeto sa boses nito nang tanungin ako.

“I'm the Mafia's Doctor, Little Miss.” nakangiti kong saad at pinantayan ang tangkad nito. Nakita ko naman na kuminang ang mga mata nito at tinitigan ako ng may pagka-mangha.

“A doctor?! Really?” natatawa naman akong tumango at aliw siyang tiningnan. Girl version siya ni Jake except sa mata na mukhang nakuha sa Ina nila.

Muntik na akong matisod kung hindi ko lang nabalanse ang katawan ko ng hilahin ako nito papunta sa bakanteng pwesto sa upuan ng magulang nito at tinulak ako papa-upo. Umupo naman ito paharap sa kandungan ko.

“Pwede po ba kita tanungin?” excited na tanong nito kaya naman tumango ako agad. Napalakpak naman ito at sinimulan na nito ang tanong.

“Anong klaseng doktor ka po?” magalang nitong tanong na sinagot ko din na may respeto. Kapatid pa din ito ni Jake at boss ko ’yun kaya kailangan na galangin.

“A surgeon.” simpleng sagot ko at kita ko namang mas lalong kuminang ang mga mata nito.

“Pwede niyo po ba ako bigyan ng halimbawa kung ano ang ginagawa ng surgeon?” inayos ko muna ang pagkakaupo bago sumagot at hinawakan ang likod nito.

“Una, dapat alam mo ang ginagawa ng mga surgeon. Pangalawa, dapat alam mo din ang mga kagamitan at ang huli, dapat alam mo din ang procedures na ipe-perform sa mga pasyente mo.” napangiti naman ako ng tumango ito at inayos ang pagkaka-upo sa kandungan ko.

“Example po, ano po ang procedures kapag may brain tumor ang patient?” tanong muli nito habang nakatingala sa akin. Hindi na namin napansin na tahimik na ang paligid at sa amin na nakikinig.

“They scan the brain and remove the tumor.” simpleng saad ko. Bumusangot naman ito at nagtanong ulit.

“How?” hinaplos ko ang buhok nitong kulot.

“The doctor uses machine called an endoscope to examine the brain—” hindi ko naituloy ang pag-sasalita ko ng may tinanong muli ito.

“Paano nila maaalis ang tumor?” tanong at pagputol nito sa sasabihin ko. Napahalakhak naman ako ng makita ang inip sa mukha nito. Jake na Jake.

“The surgeon will use a needle to remove the tumor and then perform an endoscope examination.”

“What needle?” kuryoso nitong tanong.

“A needle with a small amount of sedative that will cause the tumor to be removed.”

“How?”

“It will injected into the bloodstream and the person will experience a slight feeling of pain before the surgery.”

“What will they do next after they removed the tumor?”

“They'll perform a procedure to remove the tumor then perform a blood transfusion and after that, they will treat the patient with antibiotics and help the recovery.” napangiti naman uli ako ng tumango tango ito at mukhang may malalim na iniisip.

Third person's;

Lahat nakatingin sa dalawang nag-uusap na mukhang hindi napansin ang pana-na-himik at silang dalawa na lang ang nagsa-salita. Kita sa mukha ng dalawang matanda ang pagka-mangha.

Mailap sa tao si Jade katulad ng kaniyang kuya na si Jake at ang pinapansin ay ang mga malalapit sa kuya niya kaya nakaka-mangha na saglit lang nitong nakilala si Nadia at siya pa ang mismong lumapit dito.

Tumaas naman ang sulok ng ginang dahil alam ng ginang na may interes sa medisina ang kanilang unica hija kaya naman ganiyan na ’yan mag-tanong sa dalagitang ngayon niya lang din nakita.

Pagka-pasok niya pa lang sa mansyon niya ay dumiretso siya papuntang sala dahil alam niya doon unang pupunta ang mga magulang niya. Galing si Jake sa isa niya pang mansiyon na nasa itaas ng bundok at ang mansyong iyon ay ang kanilang headquarter. Doon nagki-kita kita ang kaniyang mga tauhan sa organisasyon kapag may importante siyang ia-anunsyo.

Ngayong naririto ang kaniyang magulang sa kaniyang mansyon ay hindi matatanggal ang posibleng pag atake dito lalo na at may mga nakikita siyang hindi pamilyar na mukha na umaaligid kaninang pag-labas niya sa mansyon kaya naman pumunta siya sa headquarters nila para ma-protektahan ang pamilya niya.

Nang makarating si Jake sa sala ay nakita niya ang kapatid na nasa kandungan ng babaeng kinababaliwan niya ng palihim, si Nadia. Nakikipag-kulitan ito sa bunso nila at nagta-tanong tungkol sa medisina. Napansin naman ng magulang ni Jake na nakatayo ito sa bungad ng sala pero ang ikinagulat nila ay ang tingin nito sa dalawang babaeng nagu-usap.

Kita sa mga mata nito ang lambot, pagmamahal at determinasyon. Hindi nila alam kung para saan ’yon pero napanatag ang mag-asawa na may iniibig na ang kanilang anak pero hindi nila maiwasang mag-alala para sa babaeng nag-ngangalang Nadia dahil sa kondisyon nito.

Kita din ng tatlong lalaki na naka-upo sa harapan ng mga magulang ni Jake ang tinatapon nitong tingin kay Nadia. Kung titingnan parang sa bunso nitong kapatid nakatingin pero kung susuriin ng maayos ay na kay Nadia ito nakatingin. Napailing na lang ang tatlo dahil sa kaibigan nila.

Napansin naman ni Nadia na sa kanila na naka-tingin ang lahat kaya naman nahihiya siyang ngumiti. Nakalimutan niyang may bisita pa pala sila.

Lumapit naman na si Jake na tinatanggal ang necktie nito at ang tatlong pagkaka-butones ng polo. Kitang kita ng iba na nakatitig si Nadia kay Jake na namumula kaya hindi naman maiwasang mapangisi ang tatlo.

Napansin naman ’yon ni Jake kaya naman tumingin siya kay Nadia at kumindat habang may nakakalokong ngisi.

“Namumula ka.”

Nadia's;

Napapikit naman ako sa kahihiyan dahil sa nangyare kanina. Matapos akong pansinin ni Jake ay agad kong binaba sa kandungan ko si Jade at patakbong nag-tungo sa kwarto. Kagat-kagat ko ang aking daliri at namumula pa din. Kitang-kita ko ’yon dahil nakaharap ako sa salamin.

Gosh! Hindi naman ako ganon. First time mag react ng ganon ang katawan ako at hindi ko alam kung bakit. Parang may sariling utak ang katawan ko at basta na lang tumakbo.

Huminga na lang ako ng malalim at tinitigan ang sarili ko sa salamin. Omg! Isang dyosa! Humagikhik naman ako sa aking naisip. Hindi pa pala ako naliligo pero inunahan ako ng landi.

Ang hot niya kasi! Bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kanina. Ang pagtanggal nito sa necktie at ang pag-tanggal sa pag-kakabutones ng polo. Ganon kasi nababasa ko sa libro kaso mas hot kapag harap harapan na.

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now