Mafia's Doctor: Clue

551 19 0
                                    

Nakauwi na kami dito sa mansyon. Nakuha na din ang mga gamit ko doon dahil pinilit ko talaga si Jake na ako na ang kukuha ng gamit ko dahil na din sa nangyari ay pinilit niya ding sila Gael na lang ang kukuha ng mga gamit ko and Fortunately, I won. Malapit lang naman kasi ang pinangyarihan ng gulo sa bahay ko kaya bakit hindi na lang lubusin.

Alam kong nagtataka na sila Gael sa ginawa ko kanina. Nakita din nila mismo ang simpleng pakikipaglaban ko pati na din ang pagpatay sa bumaril sa akin. Alangan namang sila lang ang makipaglaban? Duh.

Napangiti naman ako ng maalalang si Daddy ang nagturo sa akin ng martial arts. Nagtanong ako kung bakit pero ang sagot niya lamang sa akin ay, “Magagamit mo din ito sa tamang panahon.” kaya kahit naguguluhan ay pumayag na lang ako para na din maproteksyonan ko sila na hindi ko nagawa.

Kasalukuyan akong nag-aayos dito sa binigay na kwarto ko at hawak ko ngayon ang family picture namin kasama ang mga kaibigan ko. Pasko ang okasyon nang mag suggest si Altia na mag picture dahil minsan lang sila magpasko sa amin. Hindi ko alam na ayun na pala ang huling pasko na kasama sila.

Nakita kong may tumulong luha sa frame ng picture at sumakto ’yon kay Avi. Pinunasan ko ’yon pati na din ang luha ko sa pisngi. Hinaplos ko muli ang larawan namin bago nilagay sa table, tabi lang ng kama ko.

Tinapos ko na ang dapat ligpitin at inayos ang mga kalat ko. Sakto namang ibabasura ko na ang kalat ay may kumatok kaya naman lumapit ako sa pinto at binuksan ito. Nakita ko naman ang isang katulong na nakangiti sa akin at binaba ang tingin nito sa hawak ko.

“Ma'am, hapunan na po. Ako na po diyan.” hindi na ako nito hinintay pang abutin sa kaniya ang isang plastik na puno ng kalat ko at kinuha na lang ito basta sa kamay ko. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango.

Lumabas na ako ng kwarto at sinara ang pinto. Nakasunod sa akin ’yung katulong kanina habang hawak nito ang plastik na hawak hawak ko kanina. Bumaba na ako sa hagdan at pumunta ng dining room habang ang katulong naman ay pumunta sa bakuran para itapon ang basura.

Ngayon ko lang naalala na siya pala ang nakita ko noong unang araw ko pa lamang dito. Siya ’yung pinagtanungan ko kung nasaan si Jake at may tinatago sa likuran niya. I wonder kung ano ’yon.

Nakarating na ako sa hapag at nakita ko si Jake na nakaupo sa dulo at si Ashton na nakatingin sa pagkain na parang gusto na kumain. Naroroon din sila Gael na nakahalukipkip at bagot na nakatingin sa akin. Ngumiti na lang ako at umupo sa kabilang dulo. Napansin naman ako ni Ashton na nakangiti na ngayon ng malawak sa akin.

“Miss! Buti na lang nandito ka na!” natawa naman ako sa sinabi nito. Mukhang hinihintay talaga ako para kumain na.

“Let's eat?” patanong kong saad. Ramdam ko ang tension ng tatlo kay Gael, Wayne at Jake. Ano bang meron? Tumango na lang si Jake at nahuli ko pa itong sinulyapan sila Gael.

Nauna ng nagsandok ng pagkain si Ashton kasunod naman ay ako. Sinigang na baboy ang ulam ngayon kaya alam kong mapaparami ang kain ko lalo na't paborito ko ito.

Pagkatapos kong magsandok ng pagkain ko ay pipi muna akong nagdasal bago ako nagsimulang kumain. Hindi ko na binigyan pa ng atensyon ang paligid ko at kumain na lang. Pabagsak kong nilapag ang kutsara't tinidor dahil tapos na akong kumain.

Inabot ko ang baso ko na may lamang tubig at ininom ito. Dumighay naman ako at hinimas ang tyan ko. Busog. Inangat ko ang tingin ko at nakita silang tatlo na pinapanood ako. Si Ashton naman ay kumakain pa din at katulad ko kanina ay parang walang pakealam basta makakain. Cute.

Tinaasan ko naman sila ng kilay at tumayo na. Tiningnan ko naman si Nanay Lina na nakatayo sa kusina na nakangiti sa akin ngayon at napailing. Ngumiti naman ako dito pabalik. Katatapos lang siguro nila kumain.

Tiningnan ko naman ulit sila Jake at nagpaalam ng babalik ako sa kwarto ko. Tumango naman ito at tumayo. Naglakad ito palapit sa akin kaya naman napa atras ako. Kailangan ko ng maligo at kanina pa ako tinuyuan ng pawis at baka nangangamoy na din kili-kili ko. Ang lagkit ko na.

“How are you?” tanong nito sa akin pagkalapit. Napatingin naman ako sa sugat ko sa balikat at tiningnan siya pabalik.

“Ayos lang naman. Hindi ganon kalalim ang pagkakabaon ng bala.” sagot ko sa kaniya. Pagkauwi na pagkauwi kasi namin ay may inutusan siyang gamutin ang sugat ko na gawa sa bala. Imagine, doctor nila ako pero ang tauhan niyang babae ang nag-gamot sa akin.

Tumango naman ito at sinulyapan ang sugat ko bago umalis. Mukhang pupunta nanaman sa opisina niya. Nalaman kong opisina pala ang napasukan ko dating kwarto.

Pagkapasok ko sa kwarto ay dumiretso ako sa banyo at agad na naghubad pagkasarado ko ng pinto. Binuksan ko ang shower at pumailalim dito. Ginawa ko na ang dapat gawin at kinuskus ang dapat kuskusin.

Pinatay ko na ang shower at nagpunas gamit ang towel. Kumuha ako ng isa pang towel para ipinalibot sa katawan ko at lumabas habang pinapatuyo ko pa ang buhok ko gamit ang tuwalya.

Habang nagpapatuyo ng buhok ay may nakita akong papel sa bedside table ko kaya naman nilapitan ko ito at kinuha. Wala akong nilapag na papel dito kanina tanging ang frame lang. Tiningnan ko ang nakasulat sa papel at nangunot ang noo ko dahil dito.

“Beach?” mahinang sambit ko habang nalilito. Ano gagawin ko dito? Tinapon ko na lang ito at pinagpatuloy ang ginagawa. Kumuha ako ng pair of pajamas at sinuot ito. Hindi na ako nagsuot ng brassiere dahil matutulog lang din naman.

Sinabit ko muna ang tuwalya sa banyo at inalis ang mga natanggal kong buhok kanina habang naglilinis ng katawan. Pagkatapos kong mag ayos ay dumiretso na ako ng kama at nagtalukbong na din ng kumot. Kumuha naman ako ng isa pang unan at nilagay sa pagitan ng mga hita ko at niyakap.

Mafia's Doctor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon