Mafia's Doctor: Revealed I

295 8 0
                                    

⚠️— TRIGGER WARNING: Self-Harming

Nadia's POV;

“Patay na ang magulang ko, Jake.” diretso kong saad habang nakatitig sa mga mata niya. Patuloy pa din ang pag-bagsak ng mga luha ko at hindi na nag-abala pang punasan ito. Pansin ko naman ang lito sa mga mata nito.

“How? When I met you before in your bar, I immediately called my man to investigate about you. He said, your mother left you with her other man and your father is having a stroke.” he said and I glared at him.

“You investigated me?” hindi makapaniwalang saad ko.

“W-well, I'm interested and curious about you. You attract me that time and that attraction fell deeper.” he explained but pahina ng pahina ang boses nito. Hindi ko na lang ito pinansin at bumuga ng hangin para kahit papaano ay matanggal ang mabigat na kung ano sa dibdib ko.

“Ilang beses na nahimatay dati si Mommy dahil sa stress at pagod dahil sa kakahanap sa nawawala kong kapatid. Noong nahimatay ulit ito ay iniwan nila ako sa bahay at sinugod nila Daddy si Mommy sa hospital dahil doon lang nakakapagpahinga si Mommy pero sana… s-sana napigilan ko sila.” huminga muna ako ng malalim at pinunasan ang basa kong pisngi bago nagpatuloy sa pagkwe-kwento.

“That time, pasekreto sana akong aalis ng bahay at ako ang maghahanap sa kapatid ko pero hindi pa ako nakakalayo ay may tumawag sa telephone ng bahay. Ang sumagot ay si Manang Eli, ang mayordoma sa bahay.”

“Manang Eli? I think I heard it somewhere.” mahinang saad ni Jake.

“Remember noong kumain tayo sa labas at sa karendirya?” mukhang naalala naman nito ang Manang Eli na tinutukoy ko dahil napatango tango ito.

“Dahil nandoon lang naman ako sa malapit ay kitang kita ko kung paano umiyak si Manang Eli at narinig ko ang pagbulong nito sa pangalan nila Mommy. Dala ng kuryosidad, lumapit ako sa kaniya at nagtanong kung bakit ganon ang reaksyon niya na s-sana hindi k-ko na lang g-ginawa.” nag-crack ang boses ko. Kinagat ko ang labi ko at tinakpan ang mukha ko.

“K-kung pinigilan ko lang s-sila sana… s-sana hindi n-nawala sa a-amin si Mommy.” tuluyan na akong bumigay at binuhos lahat ng emosyong gustong kumawala sa akin. I feel so weak. Feel ko bumalik ang batang ako.

“Inambush nila ang sasakyang ginamit para isugod si Mommy sa hospital. Alam nilang mahina kami nong mga oras na ’yon kaya ginamit nilang pagkakataon ’yon na sugurin kami. Hindi aksidente ang nangyari, Jake.” kinuyom ko ng mahigpit ang kamao ko at galit na tumingin sa kung saan.

“Nakaligtas si Daddy noon p-pero…” tumikhim muna ako para mawala ang bara sa lalamunan ko at pinagpatuloy ang pagkwe-kwento habang nakatingin sa ibang direksyon. Medyo lumuwang din ang pagkakakuyom ng kamay ko dahil muli ako nakaramdam ng panghihina.

Ayaw ko. Ayokong tumingin sa kaniya at baka tuluyan na akong bumigay.

“Hindi nagtagal, may mga lalaking nagpunta sa bahay namin at sa harapan ko mismo… sa harapan nila pinatay si Daddy! Pinagbabaril nila ito habang nakatingin lang siya sa akin at ako pa din ang iniisip nito!” hindi ko na nakontrol ang emosyon ko nang mapatingin ako saglit kay Jake na nakatitig sa akin ng mariin at pinapakinggan ng mabuti ang kwento ko.

May mainit na bisig ang bumalot sa katawan ko at hinahagod ang likod at buhok ko.

“Hush, darling. Breathe.” bulong nito sa akin. Umiling iling ako para ipahiwatig na hindi ko makontrol ang luha't hikbi ko. Narinig ko itong sumigaw at inutusan ang tauhan nitong pumasok sa kwartong kinabibilangan namin. Napapikit na lang ako ng mariin at sinusubukan kong kontrolin ang pag-hinga ko.

Paano nga ba ako nag-kaganto ngayon?

Nagising ako sa masusuyong haplos sa buhok ko. Idinilat ko ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang malabong pigura ng mukha ni Jake pero siguro ako na nakatingin ito sa akin ngayon. Lumalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nag-uunahang lumabas.

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now