Mafia's Doctor: Flashback

351 9 0
                                    

Nadia's POV;

Nalilito kong tiningnan si Riana or should I say Adriana? Kanina pa kami nakaupo sa kama nila Mommy at siya naman ay pinaglalaruan ang mga daliri niya o hindi kaya susulyap sulyap sa akin at iiwas ng tingin kapag nakikita niyang hindi ko pa tinatanggal ang tingin ko sa kaniya.

Matapos niya akong yakapin kanina at tawaging Ate ay yinakap ko ito pabalik at pina-kalma ko muna bago ko ito inalalayan papuntang kama. Tinanong ko din ito kung nasaan si Jade ang sabi niya nasa kabilang kwarto, kung nasaan ang kwarto namin dati, at natutulog. Alam ni Jade ang nangyayare dahil pinaliwanag ito ni Adriana sa kaniya kanina at matalino din si Jade kaya hindi mahirap sa kaniya ipa-intindi ang nangyayare.

Mag tre-trentang minuto na ng nakaupo kami at nakatitig ako sa kaniya nang maaalala na ganitong ganito si Adriana kapag kinakabahan. Paglalaruan lang ang daliri o hindi kaya kakagatin ang kuko. Noong huli naming pag-uusap kitang kita ko na sa kaniya ang pagkaka-mukha namin at ang akala ko ay wala lang iyon. Ayun naman pala ay siya ang nawawalang kapatid ko.

“Paano?” simpleng tanong pero alam kong nakuha nito ang ibig kong sabihin. Simpleng tanong pero maraming sagot. Umayos ito ng upo at tinitigan ako tila kumukuha pa ng lakas bago mag-salita at kwinento ang nangyare simula noong nawala ito hanggang sa nalaman niya ang tungkol sa akin.

Adriana's POV;

“Mommy, ayaw ko nga!” kanina pa nila ako pinipilit na umahon na dahil palubog na ang araw pero ayaw ko pa. Gusto ko pang lumangoy kaya naman nang makitang hinahabol pa din nila ako ay tumakbo ako papunta sa tubig at lumangoy.

Rinig ko ang pag-sigaw nila sa pangalan ko pero inignora ko lang ’yon at patuloy na lumangoy palayo sa kanila. Nang aahon na ako dahil nau-ubusan na ako ng hininga ay nataranta ako ng wala akong makapa na buhangin sa paanan ko.

Hindi ako marunong lumangoy pai-taas kaya kahit anong pilit kong lumangoy pai-taas ay mas lalo akong lumulubog.

Nang tuluyan na akong lumubog at kahit anong gawin ko ay kusa ng tumigil ang mga binti ko dahil sa pagod. Nagulat na lang ako ng may humatak sa akin sa kamay at lumangoy.

Hindi ko na magawa pang imulat ang aking mata dahil sumasakit ito kapag minumulat ko at kinakapos na ako sa hangin kaya naman nagpatangay na lang ako dito sa kumuha sa akin nagba-baka sakaling rescuer ito.

Nang makarating kami sa pangpang ay tinapik tapik nito ang likod ko habang naghahabol ako ng hininga. Nang makahinga ako ng maayos ay nilingon ko ang sumagip sa akin.

Isang lalaki. Mukhang nasa 30+ pa lang siya at ang seryoso ng kaniyang mukha habang naka upo sa buhangin at walang emosyong naka-tingin sa akin. Nang mapansing nakatitig ako sa kaniya ay ngumisi ito sa akin ng nakakakilabot. Ngumiti na lang ako.

“S-salamat po.” nakatitig pa din ito sa akin kaya naman hindi ko maiwasang kilabutan.

“B-babalik na po a-ako.” gusto ko ng umalis. Hindi ako kumportable sa presensiya niya. Dali dali akong tumayo ng samaan ako nito ng tingin na mukhang hindi nito nagustuhan dahil mas sumama pa ang timpla ng mukha nito. Akma na sana akong tatakbo papalayo dahil tumayo na ito nang may nag-takip sa ilong ko at pinatulog ako.

Bago ako mawalan ng malay ay kita ko pang may naka-maskara na itim sa likod ng nag-ligtas sa akin na magdadala din pala ng pahamak sa buhay ko.

Nang magising ako, tumambad sa akin ang tatlong lalaki na nakaupo sa sofa na nag-lalaro ng braha. Sinubukan kong tumayo pero napabalik ako sa pagkaka-upo sa kama ng biglang sumakit ang kamay ko dahil sa posas dahil sa ingay na nalikha non ay napatingin sa akin ang tatlong lalaki na naglalaro.

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now