Mafia's Doctor: Revealed II

249 7 0
                                    

Nadia's POV;

Nagising ako dahil sa kamay na nagma-massage sa bandang paanan ko. Minulat ko ang mata ko at agad dumapo ang mga ito sa taong nasa paanan ko pati na din sa nasa likuran nito.

“Jake.” pagtawag ko ng pansin dito. Nawala ang masamang tingin nito kani-kanina lamang at lumambot ang mga ito ng dumapo na sa akin ang tingin nito.

Agad naman itong naglakad palapit sa akin at umupo sa natitirang space sa gilid ng kama.

“Who is he?” agad kong tanong sa kaniya. Kalmado lamang ang ipinapakita ko pero nagpa-panic na ako sa loob loob ko. For Pete's sake, I don't know him and he dare to touch me! Palihim kong sinamaan ng tingin ang lalaking nagmamasahe sa paa ko na panaka-naka ang tingin sa amin ni Jake.

“I hired a professional therapist while you are sleeping. We can't go to the hospital today because of our situation, darling. Hope you understand.” he said softly while gently caressing my hair.

My inner me calmed down because of what he said.

“What's your name, Sir?” I asked the who is still massaging my left foot. He looked up at me and smiles professionally.

“My name is Shun Blaze Sy, Ma'am.” tinigil na ito sa pag-massage sa paa ko at sinunod naman ay pinag-dikit nito ang hita't binti ko. May naramdaman akong killing intent sa tabi ko kaya napalingon ako kay Jake na halos patayin na si Shun sa tingin nito. He's clenching his fist and gritting his teeth.

Pumikit ito ng mariin at sunod sunod ang mabibigat nitong paghinga. Kahit din naman ako naa-awkward-an sa posisyon namin ng therapist dahil nasa gitna ko pa ito mismo. Hinawakan ko na lang ang kamay ni Jake para kumalma siya.

Dumilat naman ito at mas hinigpitan nito ang pagkakawak sa kamay ko pero hindi naman masakit. Lumipas ang limang minuto ay ini-stretch naman ni Shun ang binti ko.

Tapos na ang session namin at sa next Wednesday naman ay uunti-unti-in na daw namin ang paglakad ko. Gawin ko dapat every morning ang ginawa niya sa akin kanina. Kiming ngiti na lang ang ginawad ko dito dahil hanggang ngayon ramdam ko ang awkward sa atmosphere.

“Sige po, Ma'am. Alis na po ako.” ngumiti naman ito sa akin at sumulyap saglit sa likuran ko na nagpr-produce na naman ng masamang aura. Napa-iling na lang ako at ngumiti pabalik.

“Sige, mag-iingat ka po. See you next Wednesday.” tumango na lang ito at dali daling umalis ng bahay. Yes, bahay at hindi mansion. Totoo ang sinabi ni Jake na simpleng bahay lang ang pupuntahan namin. Hindi kalakihan at sakto lang para sa apat na katao.

Nalibot ko ng tingin ang bahay kanina dahil binuhat ako ni Jake papuntang hapag-kainan at may mga nakahain na doon. Gusto ko sanang ayain ang therapist pero mukhang hindi magandang gawin ’yon lalo na't napapansin ko ang pagsama ng tingin ni Jake kay Shun kaya hindi ko na inaya pa.

Ngayon, nauna na akong kumain dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Nag-paalam sa akin si Jake na sagutin lang ang tumawag sa cellphone niya. Nag-lakad ito palayo sa akin nang pumayag ako.

Alam kong ngayong oras na ito ay alam niya na ang dati kong pakay sa kaniya.

Jake's POV;

I immediately answered the call para masaluhan ko ng kumain si Nadia sa hapag-kainan. Unknown number man ang naka-flash sa screen ay kilala ko naman ang numerong nakalagay sa ibaba nito.

“Boss, about the message you received last month…” I heard the other side inhaled and he seems nervous. Mukhang alam ko na ang sasabahin nito dahil pati ako ay biglang kinabahan at sa hindi malamang dahilan takot sa malalaman ko.

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now