Mafia's Doctor: Moments

311 12 5
                                    

Nadia's POV;

Pagkatapos ng usapan ay agad ding umalis sila Ma'am Jera dahil hindi sila pwedeng mag-tagal at baka makatunog ang kabilang panig na alam ang kinaroroonan nila. Naka-upo pa din ako sa sofa habang pinagmamasdan si Jake na kinakausap ang tauhan niyang nasa tapat lang ng pinto.

Nakasandal ito sa pinto at naka-cross arms habang nakatupi naman ang sleeves ng kaniyang polo niyang pang-opisina. Nakabukas ang unang tatlong butones. Napalunok naman ako ng wala sa oras nang makita ang pawisan niyang noo na bumababa hanggang leeg nito. Parang uminit bigla! Malamang, tanghaling tapat na kaya.

Kita ko naman ang pag-sulyap nito sa gawi ko at nang makitang nakatingin ako sa kaniya ay may multong ngisi akong nakita na para bang inaasar ako nito. Uminit naman ang pisngi ko kaya naman dali-dali akong tumayo at nag-lakad tungo sa kusina para magluto ng tanghalian.

Naisipan kong magluto ng chapsuey. Habang nag-hihiwa ng Baguio beans ay nagulat na lang ako nang makaramdam ng hininga sa may batok ko na parang sinadya ito. Nakaponytail pa naman ako. Napalunok naman ako at bumuga ng hangin dahil alam kong si Jake lang ’yon dahil naamoy ko ang natural nitong pabango.

“What's for lunch, love?” napasinghap naman ako at humigpit ang hawak ko sa kutsilyo dahil sa hanging tumatama sa leeg at tenga ko na galing sa pag-salita niya. Nilagay naman ni Jake ang magkabilaang braso niya sa gilid ko at dinikit ang katawan nito sa akin.

Tumikhim naman ako para mawala ang bara sa lalamunan ko.

“Chapsuey. Kumakain ka naman siguro ng gulay?” nag-aalangan kong tanong. Pansin ko kasi sa mansyon puro karne ang hinahanda nila doon at kung may gulay man ay bilang lang ang nandoon katulad ng sitaw, repolyo at ampalaya. Sinandal ni Jake ang ulo niya sa balikat ko at ramdam kong tumango ito.

Tumango na din ako kahit hindi niya nakikita at pinag-patuloy ang pag-hihiwa ng mga rekado pero hindi ko magawa ito ng maayos dahil paminsan minsan kong nararamdaman ang pag-halik nito sa balikat ko o kaya sa batok.

Hindi din ako makahinga ng maayos dahil sa lakas ng tibok ng puso ko na parang lalabas sa katawan ko. Parang kinakabahan ako.

Nanginginig kong pinapatuloy ang pag-hiwa ng karne dahil ang kaninang kamay ni Jake na nasa magkabilaang gilid ko ay nakalagay na sa bewang ko at dinidikit pa sa katawan nito.

Gustuhin ko mang tanggalin ang pagkakayapos nito sa akin ay hindi ko magawa dahil napapangunahan ako ng kaba at ang hindi ko mapaliwanag na nararamdaman. Napasinghap naman ako nang sa leeg na ako hinahalikan ni Jake at hindi ko maiwasang pumikit. Binitawan ko ang kutsilyo at napahawak sa braso ni Jake na nakapalibot sa aking bewang dahil parang nanlalambot ang tuhod ko.

Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko sa pinaparamdam nito sa akin. Tumigil si Jake at hinalikan ang pisngi ko. Napapikit naman ako at tinanong ang sarili ko kung bakit hinahayaan kong gawin ito ni Jake sa akin. Kung bakit hindi ako makatanggi pagdating sa kaniya. Hinihingal akong nakasandal sa dibdib niya and at that moment, I heard our hearts beats the same rhythm.

Jake looks down at me and whispered, “Don't stare at me like that again, love.”

My brows creased and looked at him, confused. Bakit? Ano bang klaseng tingin ang binigay ko sa kaniya kanina?

Nilayo nito at katawan nito sa akin. He clicked his tongue inside his cheek. Marahas itong bumuga ng hangin at tumalikod sa akin.

“Damn! Fck this dick!” sinundan ko naman ito ng tingin nang maglakad ito papalayo sa kusina. Hindi ko narinig ang sinasabi nito sa sarili dahil binubulong niya ito sa sarili niya. Nang mawala ito sa paningin ko ay kibit-balikat akong bumalik sa ginagawa ko kanina pero pa-ulit ulit ko ding kinakalma ang sarili ko dahil nandito na naman ang biglaang pag-kaba ko sa hindi malamang dahilan dahil na din sa paulit-ulit kong naaalala ang eksena kanina.

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now