Mafia's Doctor: Report

232 9 3
                                    

Nadia's POV;

Dalawang linggo, pagkatapos ng iyakan namin ay maraming nagbago. Naging malamig ang pakikitungo sa akin ni Jake kahit na pag-sulyap sa gawi ko ay hindi man lang niya magawa. Hinanda ko na ang sarili ko sa ganitong magiging pakikitungo niya pero hindi ko alam kung bakit sumisikip ang dibdib ko sa tuwing napapatingin ako sa kinaroroonan niya.

Hindi ko din naman siya masisisi lalo na't nalaman niyang ginamit ko siya noong una at nag-sinungaling pa ako sa kaniya.

Ang sagot ko sa tanong niya ay hindi ko alam. Kung tutuosin, pwede na akong umalis ngayon pero hindi ko alam, parang may pumipigil sa akin umalis kapag tinitingnan ko siya. Parang hinahatak ako nito palapit sa kaniya at sinasabing huwag na umalis.

Napailing na lang ako sa nararamdaman ko at binalewala ang mga kakaiba kong nararamdaman kay Jake. Kailangan kong unahin ang mga dapat munang gawin bago ’yon. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano itong umuusbong damdamin para kay Jake.

“Yes, also place it kung saan alam niyong mabilis kakalat ang apoy.” isang baritonong boses ang nag-pabalik sa diwa ko at wala naman akong ibang kasama dito kung hindi si Jake lamang. Dumaan ito sa gilid ko at tulad nga ng sinabi ko, hindi man lang ako nito sinulyapan.

Napasimangot naman ako at inirapan ang papalayong bulto nito. Aminado naman akong kasalanan ko pero hindi ko alam kung bakit ako nai-inis sa inaakto niya. Ginulo ko ang buhok ko dahil pati ako naiinis na din sa inaakto ko. Maybe kailangan ko ng magpa-check kay Nihan.

Padabog kong inabot ang cellphone na matagal kong itinago sa kaniya pero dahil kilala at alam niya na lahat— well, hindi lahat lahat edi wala na akong itatago sa kaniya.

Tinawagan ko siya para mag-bigay ito ng report tungkol sa binigay kong task sa kaniya noong pumunta ako sa hospital. After all, ako pa din ang leader nila.

Nang sinagot na nito ang tawag ko ay hindi ko na ito binigyan pa ng pagkakataong sumagot at inunahan ito.

“Report. Track my phone.” pinatay ko na agad ang tawag at tiningnan si Jake na nakakunot ang noong nakaharap sa laptop nito. Madiin din ang pag-tipa nito sa kaniyang keyboard na para bang galit ito. He licked his lower lips and glared at his laptop screen.

Ngumuso naman ako and I saw how his jaw clenched. I hid my smirk when I confirmed something. So, he's watching me in his peripheral vision. Mas lalo naman akong ngumuso para pigilan ang ngiti ko dahil sa na-kumpirma ko.

Sus, pa-simple pa siya ah. Pinapanood naman pala ako. Humagikhik naman ako dahil napapikit ito ng mariin at marahas na bumuga ng hangin.

Ganon ang nangyare sa halos kalahating oras. Pasimple ko siyang inaasar at kahit hindi ito sumulyap sa gawi ko ay kusa namang nagre-react ang katawan niya. Napatingin ako sa pintong nasa gilid ko nang may kumatok.

Tumayo naman ako para pag-buksan ako pero na-unahan ako ni Jake. Bumungad siya sa amin na kakatok na sana uli kaya naiwan ang kamao niya sa ere.

“Come in.” sumeryoso ang mukha ko at pasimpleng sumilip sa labas. Nilingon ko kaliwa't kanan baka may nakasunod sa kaniya nang hindi niya namamalayan. Pumasok naman ito at dumaan sa gilid ni Jake dahil nakaharang pa din ito sa may pinto.

Nag-lakad naman ako papuntang hapag-kainan at ramdam kong sinundan ako nito. Umupo ako sa isa sa mga silya sa kanan habang siya ay umupo sa katapat kong silya. Wala naman kaming dapat itago kay Jake.

Tumango ako sa kaniya para ipahiwatig na mag-simula na sa kaniyang report.

“She doesn't want to do that thing but she needs to. Hawak ng Hablish ang buhay niya. Alam mo kung gaano siya katakot mamatay dahil hindi niya pa nahahanap ang kapatid niya.” sa salitang "kapatid" ay lumunok ito at bahagyang umiwas ng tingin. I found it suspicious. Simpleng body language sa akin ay binibigyan ko ng pansin o ng kahulugan.

“And she also knows that Adriana is your sister when she did that crime.” nakaramdam ako agad ng galit sa kaniya pero mas umaapaw ang galit ko para kay Mr. Asta. Siya ang puno't dulo nito!

“Lagi na din siyang wala sa hospital simula nong kasama ko siyang pumunta dito. Actually, she planted a chip sa leeg mo at kakampi niya ang doktorang nag-opera sa leeg mo pero tinanggal ko.” tumango lamang ako sa kaniya kasi alam ko naman na. Umiling na lang ako at napahawak sa leeg ko.

Nagkaroon ako ng malay noong inooperahan ako at ramdam kong may kung anong ginagalaw sila sa leeg ko pero masyado akong mahina noong oras na ’yon kaya hindi ko na ’yon binigyan pansin pa.

Noong sinabi niyang tinanggal niya na ang chip sa leeg ko ay agad akong nag-duda dito at tama nga ako. Kabaliktaran ang sinasabi niya, nilagyan niya ng chip at hindi tinanggal.

“Alam mo ba kung saan siya pumupunta?” kunot noo kong tanong. Tumango naman siya at binigay sa akin ang hawak nitong envelope kanina. Binuksan ko ito at naglalaman ito ng mga pictures niya na malayang naglalabas-masok sa kuta ng Hablish Mafia.

“And did you heard the latest news? Kani-kanina lang nangyare.” umiling ako dito at patuloy na tinitingnan ang mga larawan na naka-handa sa harapan ko. Napukaw ng atensyon ko ng makita ko siyang nakatayo at kausap nito si Mr. Asta. Kumuyom ang kamao ko na naging dahilan para mayupi ang larawan sa banda ni Mr. Asta.

“Sumabog ang apat na company ni Mr. Asta. Hindi ko din alam kung sino ang may gawa non lalo na't wala ka namang binibigay na update sa akin.” nakuha non ang atensyon ko at nakitang bored itong nakatingin sa akin pero nakangisi.

“I did that.” parehas kaming napalingon sa lalaking naglalakad patungo sa amin habang dala ang laptop nito sa gilid niya gamit ang kaliwang kamay. Tinanggal nito ang necktie at hinagis sa kung saan. Napa-kunot naman ang noo ko dahil naka-formal ito sa pang-itaas at naka shorts lamang si Jake sa ibaba.

Muli akong napasulyap sa laptop niya at umiling. Siguro nag-meeting sila at kailangan niyang mag-mukhang pormal kahit na online meeting lamang ang naganap.

Inalis nito ang coat at sinabit sa katabing upuan ko bago niya binuksan ang unang tatlong butones habang nakikitingin din sa mga larawang hawak ko. Nakita ko namang umigting ang panga niya ng makita ang isa sa mga larawang  hawak ko. Ang larawan ni Mr. Asta.

Kinuha nito sa akin ang larawan ni Mr. Asta at hinagis sa ere. Mabilis nitong kinuha ang baril sa likuran niya at pinaputok ito sa larawang bumabagsak. Pinanood naming tatlo ang pag-bagsak ng larawan.

Napangisi naman ako ng maintindihan ang ginawa niya. Nagkatinginan kaming dalawa ng kaharap ko na nakangisi na din.

“I'll join you. I also want a revenge for my parents.” malamig nitong saad at bakas ang determinasyon para maka-higanti. Nang tuluyan ng nakalapag ang picture sa sahig ay kita namin na butas butas na ito. Sakto sa ulo at dibdib.

“Also… this is what you want, right?” napalingon ako sa kaniya at nakitang nakatingin na ito sa akin ng walang emosyong makikita sa mukha nito kung hindi ay blanko. Unti-unting nawala ang ngisi sa labi ko dahil sa tanong niya. Malamig man pero mahihimagan ng sakit ang boses niya.

Tumayo na siya at umalis dala-dala ang baril at laptop niya. Nanatili lang ako sa pwesto ko habang pinapanood itong maglakad papalayo.

“So, base on what happened, he already knows?” basag niya sa katahimikang bumabalot sa amin. Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahang tumango.

“Oh! Anong meron sa mukha mo at ganiyan ang reaksyon mo? Hindi ba dapat umalis ka na dito? Makiki-alyansa na siya sa atin. Nakuha mo na ang gusto mong malaman. Ano pa?” sinamaan ko siya ng tingin. Bwisit na bunganga ’yan! Paputukan ko kaya lalamunan niya para matahimik?

“Hindi niya pa alam ang plano natin.” pagda-dahilan ko. Syempre, isa ’yon sa dahilan kaya nags-stay ako pero ang totoong dahilan ay siya. Si Jake. Siya mismo. Tumango ito at nag-kibit balikat.

“Okay, sabi mo eh.” ani nito sa tonong hindi naniniwala. Tumayo na ito at nag-ayos.

“Aalis na ako. Baka makahalata sila. Babush!” pasigaw nitong paalam at nag-lakad na paalis. Hinayaan ko na lang ito at binalik ang tingin sa larawan ni Mr. Asta at ang isang envelope na hiniling ko sa kaniya.

Ang alamin kung bakit pinatay ni Mr. Asta ang magulang namin at kung bakit kami pinupuntirya nito.

Author's Note;

So ayon, hulaan niyo kung sino si 'siya'. Hulaan niyo kung sino ang kausap nila Nadia and Jake. Good evening and lovelots!

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now