Mafia's Doctor: A Beautiful Nightmare

748 20 0
                                    

“Mommy, ayaw ko nga!” Napalingon ako sa sumigaw sa gilid ko at napaawang naman ang labi ko nang makita si Adriana, ang bunso ko na tumatakbo papunta sa pwesto ko at sa likuran naman nito ay sila Mommy at Daddy na hinahabol si Adriana.

Malawak na ngiti ang nakarehistro sa kanilang mukha at bakas din ang saya sa mga mata nila. Nagsimula nanaman akong umiyak nang maalala kung ano ito. Napakagat na lang ako sa aking labi habang pinapanood sila.

Itong senaryo. Napangiti naman ako ng mapait at pinagmamasdan sila. Ito ang nasa painting kanina na nakita ko. Ang pininta ko. Lumingon ako sa pwesto ko kung saan ko natatandaan at nagpipinta ako. Bakas din sa aking mga mata ang saya at pag-kuntento.

Napalingon ako ng makarinig ng sigaw at nakita ko si Mommy at Daddy na may hinahabol na katawan sa malayo. Sa ilalim ng dagat.

Nakita kong tumayo ang sarili ko at tinulungang pilit na kunin ang katawan ni Adriana na nalulunod at hindi na makahinga ng maayos. Sumulong pa din ako sa tubig kahit hindi ako marunong lumangoy.

Biglang nagkaroon ng malaking alon para lalong matangay palayo sa amin si Adriana kasabay ng pagkulog pero hindi ’yon ang nagpatigil sa akin para hindi pilit abutin ang kamay nito.

Nagulat na lang ako ng may humatak sa akin papalayo at nakita itong isang rescuer. Hinatak ako nito papalapit sa kanila Daddy at sinabing sila na daw ang bahala kay Adriana.

Hindi na pwedeng sumulong sa dagat sila Mommy at Daddy at lumangoy papalayo dahil matanda na sila't mabilis dapuan ng sakit.

High school ako nito nang mangyari ang ganitong insidente. Pagkatapos nitong insidente ay patuloy naming hinahanap si Adriana na pati ako ay tumutulong ng palihim pero nagkaroon nanaman ng problema, isinugod namin ni Daddy si Mommy sa hospital.

Nahimatay ito dulot ng stress, sa kawalan ng tulog at sa pagod. Masyadong inabuso ni Mommy ang katawan niya sa paghahanap.

Nagising akong may yumuyugyog at tinatawag ang pangalan ko pero tila'y kay hina ng tinig nito sa aking pandinig. Napamulat ako ng mga mata ng mas nilakasan nito sa akin pagyugyog dahilan para mapabangon agad ako.

Tiningnan ko si Jake na nakahawak sa magkabilang balikat ko at may pag-aalala sa mata nito. Napansin ko din na makulimlim na. Mukhang napahaba ang tulog ko.

Naramdaman ko na pinupunasan ni Jake ang pisngi ko at hinahaplos ang buhok ko na nagpakalma sa akin. Lumuluha pala ako. Nanaman. Mukhang napaginipan ko sila Adriana dahil nakita ko ang painting at sa lubos na pagka-miss sa kanila.

“Anong nangyare?” Tanong ko dito habang nakatingin sa sahig at hindi makatingin.

“I'm looking for you and you were not in your room so I looked for you and I heard a scream in the guest room so I went in and saw you screaming and having a nightmare.” Tumango ako at humiga muli.

“Bakit mo nga pala ako hinahanap?” Tiningala ko ito dahil nakatayo pa ito. Ang tangkad, shuta.

“Dinner.” Ngumiti ako ng pilit at umiling.

“Wala akong gana kumain.” Nawalan ako ng gana dahil sa napaginipan ko kanina. Naramdaman kong lumubog ang bahagi ng kama sa likuran ko kaya alam kong umupo si Jake. Naramdaman ko din hinaplos nito ang buhok ko.

“I want you to tell it to me about your nightmare but I won't force you. Always remember that you still have me.” Ani nito at tumayo. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto.

Kumunot ang noo ko nang hindi ko marinig ang huling salita niya bago siya lumabas. Always remember lang ang narinig ko. Umirap ako sa hangin. Magsasabi na nga lang mahina pa ang iba.

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now