Mafia's Doctor: Deja Vu

368 10 6
                                    

Nadia's POV;

Pagkababa ni Jake sa akin sa kaniyang kama ay saktong may tumawag sa kaniya kaya nag-paalam muna ito sa akin na aalis muna at sinagot ka na lang ito ng tango. Kalalabas ko lang hospital at nanatili kami doon ng halos dalawang linggo.

Kung hindi ko lang kinulit si Jake na ayos na ang pakiramdam ko ay malamang naroroon pa din ako. Sa ngayon ay iniisip ko pa din ang narinig ko kay Jake kanina habang may kausap sa cellphone.

Tatawagin ko sana ito dahil gusto kong magpatulong na ipunta ako sa comfort room na nasa gilid lang ng kwarto ko nang mapalakas ang boses ni Jake na nang-gagaling sa labas.

“Find him!” nangunot ang noo ko dahil doon. Halata sa boses nito ang galit kaya naman hindi na ako nag-abalang tawagin siya baka sa akin mabaling ang galit nito.

Sino ba ang pinapahanap nito? Bakit ganon na lang ang galit niya? Napa-iling na lang ako dahil wala ako sa pwesto para makialam pa.

Napahawak ako sa mukha ko na wala ng benda. Inalis ito kahapon pero may visible pa din na sugat sugat sa mukha ko at  hindi pa inaalis ang benda sa leeg ko. Naka-cast pa din ang paa ko. Hindi na din gaano kasakit kapag nagsasalita ako dahil medyo gumaling na ang sugat ko sa leeg pero kailangang limitahan dahil posibleng bumukas ito.

Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa hindi malamang dahilan ay bumigat ang pakiramdam ko. Bumukas ang pinto at niluwa nito si Jake na katulad dati ay may galit na namang ekspresyon sa mukha nito.

Lumambot lamang ito nang makita akong nakatingin sa kaniya kaya naman ngumiti ako dito. Naglakad naman ito palapit sa akin at padapang humiga sa tabi ko, nag-landing naman ang kamay nito sa bewang ko na hinayaan ko naman.

Mukhang pagod si Jake simula pa nong nagising ako pero ngayon fresh na ulit.

“What's bothering you, darling?” his voice sounds concerned.

“Sino pinapahanap mo?” direct to the point kong tanong. Curious talaga ako. Sinabi ko kanina na wala ako sa pwesto para makialam pero nilalamon ng kuryosidad ang isip ko.

“The taxi driver.” maikling saad nito.

“By the way, someone's here, downstairs and she's claiming that she's your friend.” pag-bubukas nito ng ibang topic. Nangunot ang noo ko sa sinabi nito.

“Name?” he licked his bottom lip and looked at me, intently.

“Marian and Nihan.” mas lalong nangunot ang noo ko dahil sa binanggit nitong pangalan.

“I know them.” simpleng saad ko. Tumango naman ito at tumayo. Tinapat nito ang bibig sa may intercom bago nag-salita.

“Let them in.” malamig nitong saad. Umupo na lang ito sa gilid ko at namayani sa amin ang katahimikan. Hindi tumagal ay bumukas ang pinto at niluwa sila Marian at Nihan kasama ang dalawang katulong na mukhang ginabayan sila papunta dito sa silid.

Narinig ko namang nagpasalamat si Marian sa katulong na tumango lamang bago umalis.

Nakita ko namang nakatingin sila kay Jake na walang pake sa pagilid at pinag-lalaruan na naman ang kamay ko. Nakuha ko naman agad ang ibig nilang ipahiwatig kaya naman binawi ko kay Jake ang kamay ko na ikina-tingin nito sa akin habang nakakunot ang noo.

“Mag-uusap lang kami.” mahinhin kong pagkasabi. Nakita ko namang kinagat nito ang pang-ibabang labi at iniiwasang ngumuso sa harap ko na ikinangiti ko.

“Sige na. Saglit lang naman.” he nodded like a kid, throwing glares to my friends.

“I'll wait.” hanggang sa pag-labas nito ay sinamaan nito ng tingin sila Nihan kaya pagsara ng pinto ay humalakhak ako dahil kahit anong pag-sama ng tingin ni Jake ay mukhang walang pake sila Nihan at tinarayan din ito.

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now