My Key To Survive

Start from the beginning
                                    

Napabuntong-hininga na lamang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi ko tuloy mapigiling hindi maguilty kasi dahil sa'kin, pinag-alala ko sila nang husto.

Bakit naman kasi sa lahat ng tao sa mundong ito, ako pa ang kaisa-isahang napiling magkaroon ng ganitong sakit?

Bata palang ako, may sleeping disorder ako na pwedeng maihalintulad sa Kleine-Levin Syndrome. 'Yong sakit ko, wala pang pangalan at sa kasamaang palad, ako lang ang may ganitong sakit sa buong mundo.

Ang Klein-Levin Syndrome ay sakit na kung saan, 2 hours ka lang gising sa isang araw. Pero itong sakit ko, ang sleeping hours ko ang may limit. 6 hours lang dapat ang tulog ko dahil kapag lumagpas 'yon kahit isang minuto lang ay pwede akong mamatay. Mahirap mabuhay sa sakit na ito lalo na at madali akong antukin at 'yong antok na meron ako ay mahirap mapigilan.

Nagsimula ang sakit ko noong grade 3 ako. Noong una ay nahihirapan ako at may mga times pa na hirap akong gisingin ni mama. Kahit naman hanggang ngayon ay hirap pa rin silang gisingin ako maliban na lang kay Kean na kahit bulong lang niya sa tenga ko ay gising na ako.

Naging magkaibigan kami ni Kean noong grade 4 ako. Sa pagkakaalala ko, nagising ako sa kwarto ko na katabi siya habang ginigising ako. Nagtaka pa nga ako noong una kung bakit siya nandoon sa kwarto ko hanggang sa makita ko si mama na tinatawag siya at halatang nagulat siya dahil gising na agad ako. Nalaman ko na anak siya ng kaibigan ni mama na nalaman kong namatay na kasama ng asawa nito. Dahil walang mapupuntahan si Kean, sa amin na lang siya tumira. Noong una ay ayaw ni mama pero nang makita niya na mabilis akong nagising ni Kean, pumayag na siya. At siyempre dahil sinabi ko rin kay mama na gusto kong magkaroon ng kaibigan. Sa school kasi, e loner ako. Hindi ako mahilig makipag-usap sa iba kaya wala ring pumapansin sa'kin. Akala siguro nila, e masungit ako.

***

"Hi, Kean!" bati sa kanya ng mga schoolmates namin habang naglalakad kami sa hallway nitong school. Ngingitian lang niya ang mga ito at ibabaling nanaman niya ang atensyon niya sa'kin. Kaya siguro maraming galit sa'kin dito sa school kasi ako lang ang lagi niyang pinapansin at siyempre, siya lang naman din ang pinapansin ko.

Lumaki kami na kami lang ang magkaibigan. May mga gustong makipagkaibigan sa kanya dahil gwapo siya, mabait at matalino pero tumatanggi siya at lagi niyang sinasabi na may kaibigan na raw siya at ako 'yon.

Pumunta kami sa garden ng school at doon kami kumain. Dito kami laging tumatambay kapag recess kaya hindi na bago 'yon sa'kin.

"Kean," tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sa'kin habang nakangiti. Huminga ako ng malalim bago ko duktungan ang sasabihin ko, "Wala ka bang balak magkagirlfriend?"

Nasamid siya sa kinakain niya kaya hinimas ko ang likod niya. No'ng umayos na ang pakiramdam niya ay tumingin ulit siya sa'kin at ngumiti, "Bakit? Magpapaligaw ka ba sa'kin?"

"H-huh?!" gulat na gulat ko namang tanong at nahalata kong nagulat din siya sa sinabi niya. Umiwas siya ng tingin at napansin ko ang pamumula ng mukha niya. Napakamot siya sa batok niya at narinig ko rin siyang nagmura.

At ako? Hindi ko alam ang irereact ko. Ayokong mag-assume na may gusto rin siya sa'kin dahil baka mapahiya ako pero bakit nga ba niya sinabi 'yon?

"N-Nagbibiro lang ako."

Kahit hindi siya halatang nagbibiro ay nakaramdam pa rin ako ng kalungkutan. Siguro, ganito talaga kapag umasa ka na gusto ka rin ng taong gusto mo.

"Kean, seryosong sagot naman kasi! Wala ka bang balak na magkaroon ng girlfriend?"

"Ngek! Bakit ka nagagalit?" tanong niya at napansin kong bumalik na ulit 'yong ngiti niya pero ngayon ay may halong pangangasar.

"Sagutin mo na lang kasi!" sigaw ko na ikinagulat niya pero maya-maya lang din ay tumawa siya nang malakas.

The AuditionsOn viuen les histories. Descobreix ara