Longing for Love

205 5 0
                                    

Genre: General Fiction


If life is worth living bakit maraming taong nagpapakamatay? Nakaupo ako sa isang tulay. Habang tumitingin ko sa paligid ay di ko mapagkaila na sobrang lungkot na paligid ang dating masiglang tulay kung saan ay may mga buhay na isda ngayon ay wala na.

A memory full of love and passion flashed into my mind.

"Honey, gusto mo bang manghuli tayo ng fish?"-nakangiting sabi sa akin ng aking ina.

"Opo mommy."

My mom is a loving person. She can't hurt anything and anyone pero di ko alam kung may karapatan pa akong puntahan siya. Tumayo ako at dumiretso sa kotse.

Habang nagdridrive ay di ko maiwasang mauhaw kung kaya bumaba ako sa bukohan. Kung may bagay siguro na di nagbabago un ang di pag-unlad ng lugar na ito.

"Pabili po manang isa."-bagama't matanda na ay pamilyar pa rin sa akin ang kanyang mukha.

"Ineng, January? Ikaw na ba yan?"-sabi nung matanda habang inaabot ang binili ko sakin at napagdesisyonan ko na di nalang magsalita.

"Alam mo Ineng si kumara walang sawang nagkwekwento tungkol sayo. Alam ng buong bayan na nakapagtapos ka ng valedictorian ba un?"

"Magna Cum Laude po."-pagtatama ko sa matanda.

"Ahh. Oo..."-sabi niya at mukhang marami pang sasabihin kaya naman pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Mauna na po ako."-pagkasabi ko nun ay inabot ko ang bayad sabay sakay sa kotse.

Mukhang pamilyar sa akin ung matanda pero di ko maalala kung saan siya nakita. Hanggang sa may alaalang bumalik sa isip ko.

"Mommy I'm too thirsty can we buy some buko?"

"Okay baby, we will."-she touch my hair then she flashed her gentle smile.

I suddenly I the urged na puntahan siya. I want to see her and hug her.

Kaya niliko ko ang kotse.

Habang palapit ng palapit sa dati naming bahay ay di ko maiwasan kundi mapangiti ng pagod.

Nagulat ako ng makapasok na sa baryo kung saan kami nakatira. Ung kalaro ko nung bata ay may hawak na mga bata. Nalunos ako sa itsura niya at ng itsura ng anak niya kaya naman bumaba muna ako sa kotse bago siya puntahan. 10 years ago when I left this place and this is the first time to comeback. Ang dati kong paraiso ay naging isang napakagulo at napakaduming lugar na.

"Jan ikaw na ba yan? Ang ganda mo na!"-sabi ni Len sabay amoy sa akin kaya nailang ako. Sa dami ng bata na naglalaro at ung mga tambay na di katiwa-tiwala ay kinakabahan ako kung dapat ko bang iwanan ang kotse ko.

"Oy! Mga kakosa! Wag niyong galiwin to! Kababata ko to."-sigaw nung isang matabang lalaki na di ko na mukhaan.

"Jan pasok ka."-at pumasok ako sa bahay nila. Di ako sanay sa ganitong lugar na sobrang gulo. Ang daming bata na naglalaro. Pinaupo niya ako sa isang lumang sofa.

"Kamusta na?"

"Okay lang? Ikaw? Bakit andaming bata? Kailan ka pa nag-asawa?"-lunos na lunos ako sa kalagayan niya ngayon and I'm so very proud of myself because I had made the right decisions.

"Si Daniel ung asawa ko diba kami na eversince? Nagtanan kami at nabuntis ako kaagad kaya yan! Maraming bata simula umalis ka dito ay di napahinga ang matres ko."-tumatawa niyang sabi at ako naman ay nabigla sa kanya rebelasyon. Ibig sabihin ay 16 years old palang kami ay buntis na siya? Dating matalino ang babaeng ito at ngayon ay di ko na alam ang nangyari.

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon