Those Days...

225 5 8
                                    

Genre: Romance


"Hello babe kumusta kana? " sabi ni Tina na naglalambing sa kasintahan.

" Ok lang naman ako, Um , Babe di tayo tuloy mamaya sa date natin, tumawag kasi ang nanay ko emergency daw. Sorry babe, babawi na lang ako sayo sa susunod. " sabi nung kausap nya sa telepono.

Nawala ang ngiti sa labi ni Tina ng marinig ang sinabi ng kasintahan.

" Ganun ba? O sige mag-ingat ka lagi ha , I love you sobra. "

" Salamat sa pag-intindi sakin babe ha. Mahal na mahal rin kita. O sige babay na."

Bumalik ang ngiti sa labi ni Tina pero hindi na tulad ng dati. Pilit ang ngiti nya at iniisip ang mga masasayang pangyayari sa buhay nya kasama ang kasintahan.

*Sa isip ni Tina *

Alam mo Drew, kahit konti lang ang masasayang memories natin together, Masaya pa rin ako dahil nagtagal tayo ng dalawang taon. Lagi ka ngang busy at wala kang time sa'kin, pero okay lang. At least alam ko kung ano ang ginagawa mo.

Hays, tama na nga to, ang drama ko. Gagala na nga lang ako mag-isa.

Sa Park...

Naglalakad si Tina sa park at pinagmamasdan ang mga tao sa paligid na masayang gumagawa ng good memories together. Nakita rin ni Tina ang magsing-irog na ramdam na ramdam ang pagmamahalan sa isa't-isa. Bumalik uli ang lungkot na nararamdaman ni Tina sa nakita nya.

" Alam mo Drew, nami-miss na talaga kita. Alam mo bang last year pa yung huling date natin, masayang-masaya ako sa araw na yun, ni hindi mo nga ako niyaya nung Valentine's Day. Hay." bulong nya.

Napa-buntong hininga na lang siya at napansin nya ang namumuong luha sa mga mata nya. Pinunasan nya lang ito at naglakad ulit.

Ina-aliw ni Tina ang sarili sa pagkain ng cotton candy para maibsan ang lungkot na naramdaman.

Nakaupo si Tina sa isa sa mga bench ng park. Pinagmamasdan nya parin ang mga tao na namamasyal sa park.

May nakita si Tina na pamilyar sa kanya.Nakatalikod ito kay Tina. May kasama ang taong pamilyar sa kanya, at mukhang masayang-masaya sila.

Nagulat si Tina nang makita nya na ang kasintahan na may kasamang iba. At isang babae pa. Para silang magkasintahan sa ginagawa nila.

Tumulo ang luha ni Tina at parang may something na nakabara sa puso nya.

Nanigas sya sa kinauupuan nya ng makitang magkayakap ang dalawa.

" I love you so much mahal." sabi ni Drew sa babae sabay kiss sa lips.

Nanginginig ang buong katawan ni Tina sa mga narinig nya. Walang humpay ang pagtulo ng luha ni Tina sa nakita at narinig nya.

Nang hindi na nya matiis ito.

Lumakad siya papalapit sa dalawa.

" Drew, sya pala yung sinasabi mong emergency . " sabi ni Tina na nanginginig pa ang boses.

" Tina!! Anong ginagawa mo rito? " si Drew na halatang gulat na gulat.

Tinignan lang sya ni Tina.

" Hello , I'm Jana , Drew's girlfriend." pakilala ng babae.

" Ako si Tina, GIRLFRIEND RIN ni Drew."

Sabay takbo palayo.

Tumakbo si Tina pero hindi nya alam kung saan sya tutungo. Nais nyang maniwala na hindi totoo ang nakikita nya at iaang masamang panaginip lamang ang lahat pero hindi, TOTOO ang lahat.

The Auditionsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن