Dear Mr. Kupido

201 8 2
                                    

Genre: Romance


Dear Mr. Kupido,

Anong kapangyarihan ba ang mayroon ka na kung bakit e kaya mong mapa-inlove ang isang tao? Na kung bakit e kaya mong patibokin nang mabilis ang mga puso namin? I mean, kaming mga tao?! At ano bang klaseng palaso ang ginagamit at pinapatama mo sa amin para kami ay umibig? Ito ba'y may mahika o sadya talagang ginawa 'yon for the purpose of making some love?!

Pero bakit gan'on? Bakit sobra mo ring napaka-unfair in the end? Kasi karamihan ngayon in the end ay sobrang nasaktan dahil iniwan sila nang mga love partners nila. Gusto lang naman nilang makaranas sa buhay nang isang happy ending, e. Ganyan ba talaga ang meaning ng love para sa'yo? To make us cry and feel some of heartaches?!

But anyway, ano pa nga ba ang ipinaglalaban ko? E, hindi pa naman ako na-inlove sa tanang buhay ko. Tsk. At saka ayaw ko pang ma-inlove noh! Baka matulad lang din ako sa iba na masasaktan sa kahuli-hulihan.

Yours truly,

Annastasia Cassandra Reyes

...

Hay salamat. Tapos na rin ako sa newest blog ko ngayong gabi at makakatulog na rin ako sa wakas. But before I go to sleep, in-off ko muna ang laptop ko at inilagay sa ibabaw nang study table ko na nasa gilid lang nang kama. Tsaka nagdasal muna ako at humiga na sa malambot kong kama saka natulog na.

***

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil maaga pa ang klase ko. At pagkatapos kong i-prepare ang sarili ko ay nag-commute nalang ako papunta sa school namin. I'm a 4th year student at kailangan ko talagang magtodo-sipag dahil graduating student ako. Mahirap nang mabagsak!

Anyway, after 20 minutes na byahe patungo sa school ko ay nakarating na rin ako sa wakas. Papasok na ako ngayon sa school at bigla nalang akong nagulat nang may umakbay sa balikat ko. Akala ko kung sino pero yung kaklase ko lang pala na kinaiinisan ko sa buhay ko. Tsk.

Siya si Daniel Miguel Sanchez.

"Kamusta ang babe ko?" Tanong niya sa akin at eto na naman siya sa pang-aasar niya. Buwiset, kahit kelan talaga e wala na siyang nagawang matino sa buhay niya! Puro nalang talaga kalokohan ang nalalaman niya. Tsk. Hay nako.

Tinapunan ko siya nang masamang tingin para sindakin siya pero parang wala lang 'yon sa kanya. Tinaas-baba lang niya ang kanyang dalawang kilay sabay ngisi nang nakakaloko. Leche talaga! Kainis!

"Tumahimik ka nga d'yan Miggy. Tatadyakan kita d'yan 'pag hindi mo ako titigilan sa kakatawag mo sa akin nang babe, e!" Sabi ko sa kanya. Pero ginulo niya lang ang buhok ko at nabuhaghag ito. Argh, curse you Daniel Miguel Sanchez!

Patungo na kami sa klasrum namin at hinawakan naman niya ang kamay ko. And the worst is, maraming tao ang nakatingin sa amin ngayon. Kumbaga, HHWW lang ang style naming dalawa. Nakakahiya talaga ang ginagawa niya sa akin at parang wala na akong ihaharap na mukha sa mga tao.

"Tsk. Sus! Kunwaring umaayaw pero deep inside, e kinikilig na pala! Haha!"Aniya at tumawa nang malakas.

"Wow hah! Buti ka pa, alam mong kinikilig ako. Samantalang ako, e hindi ko talaga alam kung knikilig ba ako or naiihi, or talagang nangangati na ang mga kamay ko para sakalin 'yang leeg mo ngayon." Sabi ko sa kanya at napa-poker face.

"Oy, eto naman! Syempre, biro lang 'yon noh! Ikaw naman Cass, hindi na mabiro!" Sambit niya at nagpa-sweet pa sa akin. Yuck! Hindi ko talaga ma-imagine kung ano ba 'yang pagka-sweet na 'yan.

Hindi ko namamalayang nandito na pala kami sa loob nang klasrum namin at ang nakakagulat pa, nakatingin ang lahat nang mga kaklase sa aming dalawa. At ayan na naman ang mga tilian nila. Mga kantsawan at mga asaran nila sa amin ni Miggy. E kasi kami palagi 'yong magkasabay na papasok sa klasrum araw-araw. Inaabangan kasi ako nang mokong na 'to sa gate.

The AuditionsWhere stories live. Discover now