Erlking

109 6 1
                                    

Genre: Thriller


Ang mga estudyante ay abala sa kani-kanilang mga ginagawa dahil sa research paper na kanilang ipapasa sa araw ding iyon. Nakakalat na mga papel, maingay na pinto dahil sa paglabas-pasok ng mga estudyante, maalinsangang panahon at nagsisigawang mga estudyante. Ganoon kagulo ang silid-aralan nila at maging ang mga estudyante. Maliban sa isa, maliban kay Elizabeth Martinez.

Siya ay tahimik lamang na nakaupo sa isang sulok ng kanilang silid-aralan. Taimtim na nakikinig sa kanyang iPod habang in-o-obserbahan ang kanyang mga kamag-aral.

Ilang sandali pa ang lumipas, dumating na ang kanyang hinihintay. Naghahangos na pumasok sa kanilang silid ang ilang mga guro at mababakas sa mga mukha nito ang pagod at takot na kanilang nararamdaman. Dahil sa gulat ng mga estudyante, itinigil nila ang kani-kanilang mga ginagawa. Biglang tumahimik ang buong kapaligiran at ang tanging tunog na naririnig lang nila ay ang tunog ng kani-kanilang paghinga at orasan.

Inilibot ng mga guro ang kanilang mga paningin sa buong silid at nang marating ng mga paningin nila ang dulo ng silid at makita ang kanilang hinahanap, lumapit sila dito upang ipaalam ang masamang balita.

Si Elizabeth ang napiling puntahan ng mga guro dahil siya lamang ang alam nilang makakasagot sa mga nangyayari at sa mga tanong na bumabagabag sa kanilang isip. Pinagkolooban kasi siya ng angking kakayahan at kakaibang talento na nakakatulong na sa kanila.

Habang papalapit ang mga guro sa kanya, agad namang nagbulung-bulungan ang mga mag-aaral sa silid. Alam kasi nila ang dahilan kung bakit sila nandito.

"Ms. Martinez..."

Hindi pa man natatapos ang sasabihin ng guro, tumayo na agad si Elizabeth at naglakad papunta sa lugar kung saan nangyari ang isang malagim na bagay na nakita na niyang mangyayari. Pagkarating doon, agad na nagtaka ang mga guro.

"Pa...paanong nawala ang bangkay dito?"

"Hindi lang sila basta ordinaryong bangkay," sagot ni Elizabeth habang sinusuri ang mga naiwang bakas ng nasabing bangkay. "Mga Erlking sila."

"Erlking?" naguguluhang tanong ng isang guro.

"Sila yung mga taong nadapuan nang kumakalat na sakit ngayon, ang ebola virus, at kapag nakagat ka ng mga taong iyon, maaaring maging isa ka ring Erlking. Ang mga Erlking ay kalimitan ding kilala bilang mga zombies o buhay na mga bangkay."

"Papaanong nakapasok ang mga bangkay na iyon sa eskuwelahang ito?"

"Maraming puwedeng maging dahilan. Maaaring may namuhay na virus dito, ng hindi natin nalalaman. Ang virus ay may dalawa hanggang dalawampung araw na incubation period na pumasok sa katawan ng isang estudyante o guro, may estudyanteng nakagat ng Erlking at iba pa. Napakaraming posibilidad at dahilan upang makapasok ang mga Erlking sa eskuwelahang ito," sabi ni Elizabeth bago magpatuloy sa pag-aaral sa mga bakas ng Erlking.

"May tiyansa pa bang maibalik sa dati ang mga Erlking?"

Natigilan si Elizabeth at tumingin sa mga guro. Gusto man niyang sabihin na may pag-asa pa, ngunit kailangan niyang sabihin ang nararapat. Umiling siya nang marahan.

"Papaano natin sila pipigilan?"

Hindi sinagot ni Elizabeth ang katanungan na iyon ng kanyang guro. Bagkus, kumuha siya ng kutsilyo sa kalapit na kusina. Pagkatapos, hiniwa niya ang kanyang palad na ikinagulat ng mga guro. Ito ay dumugo at ilang sandali pa ang lumipas, may papalapit na sa kanyang isang Erlking.

Gusgusin, bagsak na mga mata, namumutlang balat at duguang bunganga. Ganyan ang hitsura ng Erlking na papalapit sa kanya at ng isang tipikal na Erlking na katatapos lang mambiktima.

The AuditionsWhere stories live. Discover now