First Love Never Die

238 5 1
                                    

Genre: Romance

"melly! may naghahanap sayo, bumangon ka na riyan!" kahit kailan talaga, lagi nalang naiistorbo ang aking mahimbing na tulog. Ugh! sino ba kasi ang hudas na naghahanap sa'ken? Inis akong bumangon at mabilis na naligo para harapin kung sino man yang naghahanap sa'kin na yan!

"Anong kelangan mo at binulabog mo ako ng ganito kaaga sa bahay ha?! lila? hindi mo ba alam na walang pasok ngayon at lahat ng tao ay mahihimbing ang tulog ng ganitong oras?!" dire-diretso kong paglilitanya kay lila ng malaman kong sya lang pala ang umistorbo sa araw ko. "alam ko naman melly eh kaso may masama kasi akong ibabalita sa'yo!" napataas ang aking kilay sa tinuran ng babaeng kaharap ko ngayon.

"masamang balita? ano nanaman yan? hindi ba iyan makapaghihintay mamayang mga alas dose o kaya' y ala una at talagang kelangang ganto kaaga ka pa mambulabog?!" inis ko pa ring turan sa kanya, siguraduhin nya lang talagang may katuturan yang balita nya.

"kasi melly nakita ko si denver" napalingon ako sa kanya dahil sa binanggit nya " oh tapos? ano problema doon?" tanong ko

"melly ano ba! nakabalik na sya! at ang nalaman ko lang nitong nakaraan na sya ang bagong amo naten! hindi ka ba kakabahan? maeexcite o ano?" eksaherada nyang sabi sa'ken "pakialam ko ba? kaano -ano ko ba sya para makaramdam ako ng emosyon sa pagbabalik nya? ni hindi nga kami malapit nang taong iyon eh" walang gana kong sabi pero sa totoo lang ay gusto ko syang makita, gusto ko magpaliwanag gusto kong- naguguluhan ba kayo? Ang totoo kasi nyan ay si denver ay ang aking unang naging kasintahan noon, naghiwalay kami dahil sa hindi ko pagsipot sa date namin. Alam kong dapat suyuin ko sya noon pero kasi nakakainis lang na ang kitid ng utak nya at ang babaw nya! Ayaw nyang pakinggan yung paliwanag ko at iniwan nya nalang ako ng hindi manlang nagsasabi kung tapos na ba kami o ano! nakakabanas sya tapos malalaman ko ngayong nakabalik na sya- "asus! melly maniwala ako sayo! kung di ako nagkakamali may nararamdaman ka pa rin para sa dati mong kasintahan noh! aba'y ni hindi ka na nga umibig pa muli sa iba eh at tinaboy mo na lahat ng manliligaw mo simula nang iwan ka nya " nakangising saad ni lila, isang buntong hininga lamang ang isinagot ko sa kanya.

"lila-" "oo na melly, alam ko na sasabihin mo, 'lila, tapos na iyon wala na 'kong nararamdamn para sa kanya kaya ikaw move on na din' oh dba" sabi nya na ginaya pa ang mga litanya ko sa kanya kapag ganito ang usapin, bakit ko ba naging kaibigan ang isang ito? nako naman napabaliw! " alam mo naman pala eh! baket kelangang ibalik mo pa ang nakaraan at ipamukha saken na nandito na sya sa bansa, at na sya ang magiging bago nating amo?!" naiinis ko na ring turan sa kanya na sya namang ikinangiti nya " oh? eh bakit ka naiinis? di ba dapat nga ay wala kang pakialam? hay nako melly kahit anong tanggi mo alam ko pa rin ang totoo " nakangisi nyang sabi na may mukha pang nang aasar ! argh! oo na tama ka na! may nararamdaman pa rin ako para kay denver! pero hindi ko sasabihin sayo yun dahil alam kong lalo mo lang akong kukulitin. " Umuwi ka na lila pagod pa ko, magkita nalang tayo sa opisina kinabukasan magpapahinga pa ako paalam." matapos kong sabihin iyon ay sya namang alis nya kaya dumiretso na ako sa taas at natulog na lamang muli dahil hindi talaga maganda ang nararamdaman ko ngayon.

kinabukasan, maaga akong gumising at nag ayos na para maaga akong makarating sa opisina.

Pagkarating ko sa opisina, ay bumungad saken ang ilan sa mga katrabaho kong maaga rin dumating na nagkukumpulan at halatang nagtsitsismisan at alam ko naman kung ano ang kanilang pinag uusapan, hindi pala ano kundi SINO. Sigurado akong si denver este Sir Denver lang naman ang kanilang pinag-uusapan dahil paniguradong nakarating na sa kanila ang balita tungkol sa kanya bilang bagong amo namen sa opisinang ito.

Pagkalapit ko sa lamesa ko ay umupo agad ako at nagsimula nang magtipa ng mga salita sa kompyuter para matapos ko na ang trabahong iniwan ko kahapon, kelangan ko na kasing maipasa ang mga dokumentong ito sa amo ko mamayang hapon.

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon