Kung Sana

124 6 0
                                    

Genre: Paranormal


Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog, hindi dahil sa hindi ako dinadalaw ng antok kundi dahil umiiyak na naman sya.


"Krizza." sambit ko sa pangalan nya. Bestfriend ko s'ya mula pagkabata. Hindi kami halos mapaghiwalay dahil parang may kulang pag hindi namin kasama ang isa't isa. Hindi kami magkapatid ngunit higit pa sa magkapatid kung turingin namin ang isa't isa. Para kaming kambal, kambal na hindi mapaghiwalay dahil pareho kaming mamamatay kapag nagkalayo kami.


Pero nagbago ang lahat mula noong tumungtong kami sa edad na disi-otso.


Kung dati hindi kami mapaghiwalay ngayon hindi na kami magkasama, kung dati sapat na sa'min ang isa't isa ngayon hindi na, kung dati nangako kami sa isa't isa na walang iwanan ngayon yung pangako na iyon ay napako na. Mula noong makilala nya ang lalaking nagpatibok sa puso nya, mula noong makilala nya si Drew.


Antok na antok na ako ngunit hindi pa rin ako makatulog dahil sa lakas ng iyak niya na tila mas lumakas pa ng bahagya.


Alam kong kasalanan ko ang lahat. Kung sana hindi ko sya iniwan, kung sana hindi ko sya pinabayaan, kung sana nanatili lang ako sa tabi nya at pinanghawakan ang pangako namin sa isa't isa, sana hanggang ngayon ay buhay pa sya.


Minumulto nya ako. Gabi-gabi nya akong minumulto. Paulit-ulit niyang pinapaalala sa'kin na ako ang dahilan kung bakit sya nagpakamatay. Kung sana kasi binalaan ko sya tungkol kay Drew edi sana hindi na sya sumama rito, edi sana hindi sya nagahasa na dahilan upang mabuntis siya.


Naaalala ko pa kung paano sya lumapit sa'kin upang tulungan syang lutasin ang problema nya. Nabuntis sya ni Drew at natatakot syang malaman ng magulang nya ang tungkol doon dahil sigurado syang itatakwil sya nito at hindi sila tatanggapin ng batang nasa sinapupunan nya.


Suicide. Nagpakamatay sya gamit ang blade. Nilaslas nya ang kanyang pala-pulsuhan hanggang sa maubusan sya ng dugo. Kung sana nandoon ako upang pigilan sya, kung sana nandoon ako upang i-comfort sya. Kung sana nandoon ako upang payuhan sya, kung sama nandoon ako... kung sana...


Muli, narinig ko na naman ang iyak nya na tila nasa tabi ko lang sya. Wala akong ginawa kundi samahan at damayan sya sa kanyang pag-iyak.

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon