Consequence of Loving Him

106 5 0
                                    

Genre: Romance


"Bilisan mo na diyan." tumigil siya at tumingin sa'kin gamit ang malamig niyang mga mata. "Ayusin mo ang sarili mo ng mabuti. Ayokong mapahiya sa madaming tao." dagdag niya.

"O-oo, sige." mahina kong tugon at pinagmasdan siyang umalis sa kwarto ko.

Hindi ko maiwasang mapaupo sa'king kama dahil sa panghihina ng tuhod ko. Ang dating malambing niyang boses na gusto kong pakinggan tila yata'y sumabay na sa paglipad ng malamig na panahon.

Pinunasan ko ang lumandas na luha sa'king pisngi.

"Bakit kasi minahal kita?" utas ko sa'king sarili na nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

"Bakit ikaw pa?" bulong ko pa.

Nagpakawala ako ng buntong hininga saka 'binalik ang sarili sa pag-aayos at pagbibihis. Naglagay din ako ng simpleng kolorete sa mukha para magmukha akong presentable.

Nang matapos ay bumaba din agad ako sa sala at nadatnan ko siyang nakaupo roon sa may grand piano.

"O, tapos ka na pala?" Tumingin siya sa akin. "Akala ko may itatagal ka pa e." Ismid niya sa'kin nang mapansin ang presensiya ko malapit sa kaniya.

Mas pinili kong manahimik kaysa sumagot sa kan'ya. Ayokong magalit na naman siya at kahit kailan, alam kong hindi ako mananalo sa kan'ya.

Tahimik ang naging biyahe namin. Wala siyang imik sa loob ng sasakyan kaya binuksan ko ang radyo para malibang kam- ako kahit papaano.

And if you hurt me. Well, that's okay baby, only words bleed.

Tumikhim ako. Nananadya ba 'tong radyo? At pati sa kanta, e pinatatamaan ako. Napailing na lang ako. "Siguro nga, umaasa pa rin ako." sambit ng isang bahagi ng utak ko.

Wala e, gano'n nga siguro tayong mga babae. Mahilig magpaka-martyr. Yung tipong alam mo na may nag-iba na, pero heto ka parin at umaasa.

Ewan. Nababaliw na siguro ako. Sa sobrang pagmamahal ko, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Pero sinong niloko ko? Kagaya nga ng aking halimbawa, heto pa rin ako, patuloy na umaasa at patuloy na nagmamahal sa kaniya.

"Ano?! Iiyak-iyak ka diyan ngayon?" sigaw niya sa'kin matapos naming makasakay sa sasakyan niya para umuwi. "E sino bang may sabing magsuot ka ng gan'yan?" tiningnan niya 'ko mula ulo hanggang paa. "If you don't want to be violated, don't wear dress that's too daring!"

Ramdam ko pa rin ang galit niya. Mabilis ang pagtaas-baba ng kan'yang dibdib. At dahil sa inaasta niya, tumaas na naman ang pag-asa ko na baka sakaling mahal niya pa rin ako.

At kahit gabi na ay kita pa rin ang kagwapuhan at kakisigan niya dahil sa tumatamang ilaw galing sa poste sa labas ng sasakyan. Sinubukan kong hawakan siya sa kan'yang braso pero winaksi niya lang iyon.

"I-I just want to look good." I said when I managed to control my sob but he just gave me a disgusted look in return. "Look good? For what?!" he asked with anger in his voice. "Or for whom rather?" he added.

Before I could answer, he immediately cut my word. "I should have know you better, April. Maybe you're able to deceive my brother but not me!" He said emphasizing every word.

"N-no, Patrick. " Iling ko. "I can't afford to do it to y-you." I reach for his cheek and place my palm over. "I just want to look good, just for you. " I finally said.

Totoo naman. Hindi ko ginustong magsuot ng gan'tong dress. Bagamat 'di naman ganon ka-daring ang dress na'to ay 'di ko makuha kung bakit ang tindi ng galit ni Patrick.

The AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon