Prologue

47.3K 1K 69
                                    

First Published on Wattpad: May 22, 2015
Re-Published: July 14, 2022

It wasn't even a cold night, yet the young man shivered as he weakly leaned behind a tree

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

It wasn't even a cold night, yet the young man shivered as he weakly leaned behind a tree. Huminga siya ng malalim bago tignan ang sugat sa kaliwang parte ng kanyang katawan. An hour ago, he was doing his usual rounds in the academy when something in the woods piqued his interest. He followed two strange men and discovered a secret passage within the woods, leading to a facility he never knew existed in academy grounds. It was suspicious, so he decided to check it out and seek answers. But before he was able to do so, he got caught. Para bang alam ng kung sino mang in-charge sa facility kung ano ang dapat na gawin kapag may intruder. So, as he was trying to escape, binaril siya ng isa pang lalaki sa kanyang tagiliran. It wasn't the first time he got this kind of injury kaya nakayanan niyang tiisin ito.

Fortunately, he escaped the facility, but the academy's woods were vast. Hindi siya sigurado kung makaaabot siya sa pinakamalapit na building kung tatakbuhin niya ito. Kung hindi man ay maaaring maabutan siya ng mga tao mula sa facility. Based sa mga nakita niya, alam niyang wala silang awa. They'd kill him right on the spot.

He glanced again at his injured body. Patuloy ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang sugat habang tumatakbo siya kanina. Kung kaya't tumigil muna siya sa likod ng malaking puno para kunin ang kanyang panyo at takpan ang sugat. Trails of blood were probably left on the ground. At kung hindi dahil sa kadiliman na bumabalot sa woods ng academy ngayong gabi ay baka kanina pa siya naabutan.

Medyo malayo pa ang pinakamalapit na building na pwede niyang puntahan. Kahit masakit ang kanyang sugat ay kailangan pa rin niyang subukan.

Besides, he needed to report this situation to them. Hindi siya pwedeng mamatay.

"Ayun siya!"

"Damn it!"

He was too slow, and they were more eager than he had thought.

Naramdaman niya ang pananakit ng kanyang tagiliran nang pilitin niya ang sarili na gumalaw at tumakbo. Kung mayroon lang sana siyang pwedeng gamitin para protektahan ang kanyang sarili. Malas pa at naiwan niya ang phone sa dorm—"Shit!"

Isang malakas na pagputok ang umalingawngaw nang mabaril siya sa kanyang kanang hita. Hindi niya inaasahan ang nangyari kung kaya't nawalan siya ng balanse at bumagsak sa lupa. Mabilis niyang itinungkod ang kanyang siko para mapigilang mauna ang mukha niya sa pagbagsak. Sinubukan niyang tumayo ngunit hindi niya magawa.

Still, he didn't give up. Susubukan niya sanang tumayo ulit nang may tumapak sa kanyang likod, holding him in place.

"Boss, parang hindi naman natin bata 'to," puna ng isang malalim na boses. "Kaso nangingialam e. Anong plano natin sa isang 'to? Patayin ko na ba o..."

"Teka," pagputol ng babae. "Let me take a look."

A pair of red stilettos came into the young man's view. The woman bent her knees to have a better look at the young man before plastering a sinister smile on her face.

"Andrew," banggit ng babae sa pangalan ng binata nang makilala ito. "What a waste."

The morning after, a loud shriek was heard, and a lifeless body was found.

***

Author's Note:

First of all, I want to dedicate this chapter dun sa taong talagang nag-inspire sakin para magsulat ng ganitong story at yun ay walang iba kundi si ALEX CROMELLO! Joooke hahaha. Ang tinutukoy ko pa ay ang lumikha ng Mhorfell Academy of Gangsters na si ate @alerayve. Na-inspire na ako dati sa Montello High pero kulang 'yung inspiration na iyon para ma-trigger ako na magsulat ng ganitong story kaya sobrang thankful ako sa Mhorfell Academy of Gangsters kasi mas naging inspired ako para magsulat ng ganitong story.

But honestly speaking, hindi po ito entirely alike sa Montello High at Mhorfell Academy of Gangsters. So, please read before you judge.

Sana suportahan niyo po ang story na ito. I will do my best para maganda ang daloy ng story. Pero please vote and/or comment kapag nagustuhan niyo 'yung story para po malaman ko kung ano ang tingin niyo sa story na ito.

Yun lang po!! Thanksss ^_^

Montague Academy: DeceptionWhere stories live. Discover now