Chapter 48

27.6K 1.4K 1.1K
                                    

Chapter 48

Parang tinutusok ng karayom ang buong katawan ko. Maliliit ngunit matutulis na karayom. Namamanhid ako habang nakabantay sa aking area. I would look at the walking patients, nurses and doctors with a worrying gaze because I might see him again.

Napabuntonghininga ako.

I just didn't know how to confront him if that happened. Sa totoo lang ay napagtantuan ko na nagkamali rin ako sa kan'ya. Pinangunahan ako ng emosyon kaya nagawa ko siyang itaboy. I should have asked what went wrong and why he made that decision. Napabuntonghininga ako muli at nagpatuloy na lang sa gawain.

Temi sighed dreamily on my side. "May pogi raw na kuya 'yong pasyente sa ward na hawak ni Eunice."

"Ah huh? Pogi?" Lumabi ako.

"Moreno," hagikhik n'ya. "Gosh, silip pa lang ang nagawa ko pero likod pa lang yummy na. Parang kaya ako ibalibag."

Ngumiwi ako.

"Ako mambabalibag sa 'yo," I stated without making any facial expression. "Tumigil ka nga. Mamaya may asawa na 'yong pinagpapantasyahan mo e."

She held me on my shoulders. "Bata pa! Parang kasing edad lang natin. Gwapo talaga, tapos balita ko ay mabait pa. Artista siguro 'yon! Lowkey lang. O baka naging artista? Iba ang kutis e, parang never nasugatan. Modelo? Naku, para na akong manghuhula rito!"

Lalong kumunot ang noo ko. Let's say I have an idea on who it is. Pero sino ang kapatid na nandito ngayon? Then it dawned on me that when I cut off North, I also decided not to contact his siblings anymore. Na-mi-miss ko tuloy sila lalo na si Trina. She was the closest to me. Malaki na siguro 'yon, dalagita na rin.

But I knew how much Trina hated Barbara for hurting North. Does she hate me too now? Kung gano'n ay baka hindi talaga ako mabuting ate. Maybe I'm not fit for the role at all. Kahit nga ang mga sarili kong kapatid ay kinamumuhian ako. I wished I could do more but that's all that I could offer for now.

"Kapag talaga kasama sa rounds ni Doc 'yon, ako na ang aabante." Hagikhik ni Temi na nasa tabi ko.

Umiling ako. "Bahala ka. Baka likod lang ang gwapo roon."

"Hay naku, Wen! Porke't may Yuseco ka na. Di bale, ibigay mo na sa akin ito."

I shrugged my shoulders and decided to let her be. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makalipat na ng tirahan para kahit papaano ay makaabante rin ako mula rito.

I tilted my head. Naapuhap ng mga mata ko ang paparating na bulto ng isang tao. It was Jahiel who was spreading a cute smile on his lips as he approached me.

"Patapos ka na?" he asked as he stopped by.

Tumango ako. "Yes. Kita na lang tayo mamaya."

"Wen," seryosong banggit ni Jahiel. "May pogi raw sa ano ngayon. . ."

"Ha? Oh, tapos?" nagulantang na tanong ko. It was so sudden. Ano naman kung may pogi?

"Moreno," he muttered softly. Pahina ang boses.

I blinked.

Ilang segundo pa akong tulala sa kan'ya nang banggitin n'ya 'yon. I tried to rationalize his expression. Nakanguso siya na para bang nagsusumbong.

"Ha?" I blinked once again.

"Pogi raw na moreno. . ." ulit ni Jahiel at bahagyang tumulis ang nguso. "Nagbago naman na type mo 'di ba. . ."

Natawa si Temi na katabi ko ngayon at ako naman ay nanatiling tulala sa inaakto ni Jahiel. He was jealous even when he didn't even know who that person was. Natawa na lang din ako nang makita na inaayos ni Jah ang salamin n'ya sa mga mata.

Loss of Feelings | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon