Chapter 41

25.9K 1.2K 760
                                    

Chapter 41

Hindi ko alam 'yong gagawin ko dahil sa sinabi ni Naiara. May parang nabasag sa loob ko. Hindi lang puso e. Parang buong pagkatao ko, pinulbos dahil lang sa sinabi ni Naiara. Natigalgal ako at agad na lumabas upang makausap pa si Naiara.

Miye:

Ah, gano'n ba?

Hindi ba siya galing sa inyo?

Naiara:

Bebe time ko sis.

Unless, North is into that. Yuck. Pero yon nga. Di kami magkasama! Kasama ko bebe ko ngayon HEHE. Nakahubad pa nga ako, sa totoo lang.

Miye:

Seryoso kasi.

Naiara:

Hoy !?

Gusto mo ng pic????  SERYOSO AKOOO

Gaga ka, ang wild ha! Nahingi ka na ng pic ko ngayon. Sorry, taken na ako at taken ka na. Off limits na po 🤙

Miye:

Nai. . .

My phone rang. Agad ko itong sinagot nang makita na galing ito kay Naiara. She yawned heavily on the other line. Mukhang napagod nga kung may ginawa man siya.

"Ano ba 'yon?" she asked, her voice rasped. "Ikaw ah, di tayo talo, huy. Kay North ka na ah!"

"Nai, kasi. . ." nanginginig ang labi ko habang di mapakali.

Suspend judgement. Napapikit ako nang marahan. I have to suspend my judgement about this. Ang daling sabihin pero tang ina, bakit kasi kailangan ni North magsinungaling? Ano ba ang pinunta n'ya sa mall? Takte, monthsary ba namin? Hindi naman kaya bakit parang may pa-surprise? Birthday ba nila Tita? Kung oo man, bakit kailangan n'yang sabihin na si Naiara ang kasama n'ya kahit hindi? He could have said he was alone! At bakit ayaw n'ya akong sumama? Kahit ba pauwi na siya. . .we could have meet there instead of him offering to pick me up.

"Ano 'yon, Miye? Okay ka lang ba? May emergency ba?" tanong ni Naiara, bahagyang nagbago ang tono ng boses.

"Sabi ni North magkasama raw kayo."

"Ha? Kailan?"

"K-kanina," my voice croaked. "Sorry, p-pasensya na ha? Di naman sa walang tiwala pero ano kasi. . ."

There was a thin silence before she responded.

"Hindi kami magkasama kanina, Miye."

That bomb fell on me and it  felt like the entire body of land that I had has already waved its white flag. Napaupo ako nang wala sa oras. I held my lips as I tried to process it. No. . .di magsisinungaling si North nang walang dahilan. Matindi ang nararamdaman ko ngayon, mas manipis pa sa sinulid ang natitirang pasensya ko para rito. It was obviously slapping me but I know North. He wouldn't. . .

"Ah, gano'n b-ba? Baka nagkamali lang siya ng t-type," I chuckled, almost staid. 

Nakaramdam si Naiara at bahagyang narinig ko ang paggalaw n'ya. "May problema ba?"

In her concerned voice, I wanted to weep but I couldn't. Not when I have to trust North because by not doing so, I'm only spearheading the betrayal between us.

Hindi ako tamang hinala. Pero ika nga nila, minsan ay bulag tayo sa sariling pagkakamali. And maybe by not overseeing the signs, I'm only awaiting my own guillotine.

Loss of Feelings | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon