Chapter 14

41.3K 2.2K 4K
                                    

Chapter 14

It's scary that even if life has patterns—most of them are unpredictable; because while I was staying in the darkest place that I was currently in, I didn't know when or how I could get out of there.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging masaya dahil alam ko babalik din naman ako sa lungkot, babalik pa rin ako sa pilit kong tinatakbuhan, at babalik pa rin ako sa sakit na pilit kong tinatapalan.

I wonder. . .when will I ever lose feelings for the people that I don't have anymore?

Not much happened after that and my life resumed just like how it rolls. School, band duties and well—my sister duties were also keeping me busy from thinking about Leand and Astrid.

Nakaupo ako sa dining area at nagbabalot ng shanghai nang dumating si Tuesday na bagsak ang balikat, nasa eskwelahan pa ang ibang kapatid ko kaya ako lang at si Monday na naglalaro ngayon ng Friv ang nasa bahay. I was making balls out of the fillings of the shanghai when she came in, her eyes were puffy.

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ko habang nilalatag ang palaman sa mismong wrapper.

Ngumiti lang siya. "Maghugas lang ako ng kamay 'te, tulong din ako riyan. . ."

I followed her with my visage. Para siyang nanghihina habang papunta sa kwarto upang magpalit ng damit. Gusto ko sana na tanungin kung bakit ba siya mukhang kagagaling lang sa iyak pero mukhang wala naman siyang balak na kausapin ako tungkol doon.

Nakakalungkot na minsan kung sino pa ang kadugo mo sila pa ang malayo sa 'yo. May mga panahon na pakiramdam ko ay hindi ko kilala si Tuesday. Monday is too childish to even have a conversation with me. Ang kambal naman na si Sunday at Saturday ay madalas nasa simbahan. Friday is still a kid and he's not really talkative. Ang bunso naman na si Thursday ay may sariling mundo rin.

Minsan nga iniisip ko kung mas kaunti ba kami ay mas close kami? The thought always lingers to me that if we were just close to each other. . .maybe I won't feel like everything's a burden. Hindi ako map-pressure dahil sa kanila.

Hindi naman nila kasalanan na nap-pressure ako. Hindi naman nila kasalanan na nandito ako ngayon sa isang kurso na hindi ko naman alam kung gusto ko talaga. Hindi rin nila kasalanan na pakiramdam ko kapag nagkamali ako, panghabambuhay na ito at madadamay sila.

I couldn't blame them just because I'm the eldest—the first born. Hindi rin naman nila ginusto ang posisyon nila sa bahay.

Natapos ako sa pagbabalot ng shanghai ay nilagay ko na ito sa ref. I washed the plates I used and my hands. Tinitingnan ko si Tuesday na tulala. Wala akong masabi sa kan'ya.

In the midst of my concern for my sister. My phone beeped. I immediately looked over it and saw a message from North.

North:

Okay ka na ba?

Wala naman ginagawa ngayon. Gusto mo bang lumabas?

My lips perched up into a small smile. I replied.

Miye:

Tayo lang? haha

North:

Gusto mo bang may ibang kasama?

My cheeks flushed. Ibig sabihin kaming dalawa nga lang. Nanginginig ako habang nagi-isip ng i-re-reply. Pota naman, parang first time ko lalandi?! Wait, landian na ba 'to? Lalabas lang naman kami!

Loss of Feelings | ✓Where stories live. Discover now