Chapter 18

43.3K 2.4K 2.1K
                                    

Chapter 18

Nagtatahip ang puso ko sa kaba nang makita 'yon. I double checked it but it was already gone. Hindi naman na siya naka-follow sa akin. Hindi ko tuloy alam kung guni-guni ko lang 'yon o talagang pina-follow n'ya ako kanina.

Why would she follow me, anyway?

Hindi kami close. Kung di nga dahil sa Anagapesism ay baka di ko siya masyado kilala. She's a socialite alright, pero hindi naman talaga sumisikat ang mga modelo sa Pilipinas. Minsan kasi mga artista na lang din ang ginagawang modelo rito e. Kaya minsan lang mabigyan ng spotlight ang mga tulad ni Barbara na may career talaga sa modeling.

Imbis tuloy na mahimbing ang tulog ko ay halos hindi ako makapikit kakaisip doon. I wanted to forget about it or not think about it. Pero palagi siyang sumasagi sa isip ko. Hindi ko naman alam kanino ko p'wede sabihin dahil sino ba naman ako kay North? I wasn't someone special to him. Kahit pa sabihin natin na may gusto man siya, it was still vague and it didn't really have any special meaning.

"Kanina ka pa tulala riyan, dahil ba sa research?" tanong sa akin ni Marah habang nagpapalit kami ng damit. Grabe, dapat yata maleta na dala namin e. Ilang beses na kami magpalit ng uniform ngayon tapos lahat ay halos puti pa. Ang hirap labhan.

"Hindi naman. . ." I tilted my head to her direction. "Naranasan mo na ba ma-threaten sa ex ng boyfriend mo?"

"Huh? May boyfriend ka na?!" Marah exclaimed. Nanglaki ang mga mata n'ya nang lingunin ako.

Dali-dali akong umiling, "Hindi sa gano'n! Parang situation lang. Hindi naman kasi ako 'yon. Sa pinsan ng lola ko na tiyahin ng mama ko 'yong gano'n."

"Huh?!"

"Basta! Ayoko na nga," I pursed my lips. I shouldn't feel this way. Iniisip ko pa rin kung na-follow n'ya ba talaga at kung oo man ang sagot doon, I want to know why? May alam ba siya?

It's not like North and I are dating already. Hindi pa nga malinaw sa akin kung pareho kami ng nararamdaman para sa isa't isa. Ayoko rin naman na parang napipilitan siya sa akin.

"Curious ako, sige na. Ipaliwanag mo kasi nang maayos, ano ba talaga ang sitwasyon? Bakit ka matatakot sa nakaraan na?" tanong ni Marah at sumandal pa sa pader habang nakatingin sa akin.

"Kasi? Mas matagal siya? Mas kilala n'ya 'yong boyfriend? Mas may pinanghahawakan siya?"

"Hm, hindi rin e. Kasi 'di ba kaya nga ex, ibig sabihin kung ano man ang hawak n'ya noon ay binitawan na n'ya. It's okay to question it if the guy looks like he doesn't want to move on, Miye. Pero kung matagal na rin nakabitaw 'yong lalaki; mas nakaka-alarma na hindi ka pa nakaka-move on."

I swallowed hard. "Hindi naman ako 'yon. Sa pinsan ng lola ko na tiyahin ng mama ko ang kwento na 'yon."

Umirap si Marah. "Sure, Miye. Naniniwala ako riyan kasi kahapon lang naman ako pinanganak e. Anyway, kaya nga mahirap talaga makipag-relasyon sa taong galing sa long-term relationship, doubts would always arise and if you don't find a way to eliminate those thoughts, ikaw rin ang kawawa talaga."

Napabuntonghininga na lang ako dahil tanggap ko naman. It was hard to ignore North. Bakit kasi sa dami ng lalaki, sa kan'ya pa ako nagkagusto? May mali rin siguro talaga sa akin kasi galing din ako kay Leand e. Although, North is definitely an upgrade compared to Leand. Ugali pa lang ay K.O. na agad si Leand pagdating kay North.

I can't eliminate those thoughts because I know that Barbara is a good person, hindi naman siya naging masama sa akin at hindi naman siguro matitiis ni North na kasama siya ng walong taon kung naging masama siya e.

Loss of Feelings | ✓Where stories live. Discover now