Chapter 17

39K 2.2K 3K
                                    

Chapter 17

"Eastre!"

Pareho kaming lumingon sa pinagmulan ng boses. I slowly sobered up. Tinanggal agad ni Eastre ang pagkakahawak n'ya sa akin. His touch was as light as a feather, hindi ko nga ito mararamdaman kung di lang dahil sa mga tingin sa amin. Kumakapit kasi ito dahil parang si Eastre talaga ang sentro ng atensyon nila.

"Kanina pa kita hinahanap," umakyat si Enoch upang salubungin kami. His lips went apart. "Akala ko ba matino ka na? May babae ka na agad?"

"I'm too jetlag to even flirt, man. . ." paos na tumawa si Eastre.

"E sino 'yan?" Sumilip sa akin si Enoch at agad na nanglaki ang mga mata n'ya. "Miye! Hoy Miye! Ano ito?! Sino nagturo sa 'yo mag-first move?!"

"Gagi ka. . ." I shook my head. "Hindi ko 'yan nilalandi. . ."

"Hindi ba?" Ngumuso si Enoch. "Bagal mo naman, Miye."

Agad naman na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Enoch. Hindi nga ako interesado kay Eastre! Geez, dapat pala ay hindi ko na siya pinatulan pa pagdating sa ganitong usapan.

"Kilala mo naman na siya 'di ba, East? Si Miye. . ." si Enoch habang papalapit sa amin.

"Right, si Miye. . ." Tumango si Eastre. "Nice to meet you, Miye."

I nodded. "Ikaw rin. . ."

"Crush mo raw ako?" Eastre smirked casually.

Natigalgal naman ako. Nawala ang tama ko dahil sa sinabi n'ya. Marahan akong umiling. "Hindi! I mean, gwapo ka pero hindi kasi talaga. Iba type k-ko. . ." nauutal kong saad.

Tumawa si Enoch kaya naman lalo akong lumubog sa hiya. Nanatiling nakatingin sa akin si Eastre; grabe, mas gwapo pala siya sa personal. Mas na-appreciate ko tuloy na model siya ngayon na kaharap ko na siya. If I'm not wrong, he's a year older than Enoch. Bale kasing edad ko rin siya.

I swallowed hard before averting my gaze somewhere else. Hindi ka madadaan sa gwapo ngayong gabi, Miye. Saka, kaibigan 'yan ni Barbara na ex ng crush mo ngayon. It would be awkward.

Nevertheless, I was able to bond with Eastre and Enoch. Si Naiara ang hindi ko na nahagilap uli. Sinubukan ko halughugin ang buong bar pero di ko naman siya maaninag. It's either she's somewhere else or she's with someone already. Matanda naman na siya, kaya na n'ya ang sarili n'ya. Tatawag naman 'yon kung talagang di na siya makakauwi nang mag-isa. Sayang lang dahil akala ko ay sabay kaming dalawa na uuwi since sabay kami rito pumunta.

"Sino susundo sa 'yo?" tanong ni Eastre sa akin. "You're drunk. . ."

"Si Enoch. . ." bulong ko habang nakasalampak na ang mukha ko sa mismong counter top kung saan kami umiinom.

"I'm not sure 'bout that," Eastre shrugged off as his eyes looked towards Enoch who was already kissing someone in the lover's couch near us. "Grabe, mas lalo yata siyang lumala nang mawala ako."

"Hm? Ah, oo nga pala." I laughed, almost speaking incoherently. "Kasama mo nga pala roon si Barbara. Masaya ba roon sa pinuntahan n'yo? Masaya siguro 'no. Iniwan ni Barbara si North para roon."

"It's not like she wanted to leave him, Miye." sagot sa akin ni Eastre habang inaayos ang ilang buhok na nagiging sagabal sa paningin ko. "She had no choice at that time."

"May choice siya, Eastre." I countered back, still laying my head on the counter top. "And she chose to hurt North. Kasi kung wala talaga siyang choice, bakit kailangan n'yang mamili? Certainly, there was another option but she didn't take the risk. Doon na lang siya kung saan hindi siya 'yong masasaktan, hindi ba?"

Loss of Feelings | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon