Chapter 46

29.9K 1.7K 1.4K
                                    

Chapter 46

Alam ni Jahiel ang tungkol kay North. I vividly remember why he knew about him. May get together n'on, parang acquaintance party dahil marami ang bagong doctor na lumipat sa General Hospital kung saan kami naka-destino. I was invited because I heard people wanted to befriend me but I was too out of touch for them.

I was scared of events repeating over so instead of letting them think that I was busy or I didn't want to attend the get together—I just asked when and where the event will be.

I craned my neck, a cracking sound was made. Hindi yata ito madadaan sa efficascent oil. I looked at the clock and it matched my wrist watch. Mamayang 8pm pala 'yong lakad ko.

"Sasama ka?" tanong sa akin ni Temi. Isa sa mga nurse na kasabay ko siya sa shift. Patapos na kasi ang shift ko kaya nalingat ang atensyon n'ya sa akin.

I nodded. "Oo, wala namang gagawin e. Pa-uwi na rin ako."

Nagpalit lang ako ng damit. I opted for a polo shirt and skinny jeans. Sumabay na lang ako kina Temi na nakisabay lang din sa isang kaibigan na doctor. They were nice, like a casual friend. May mga kwentuhan sila na kakarinig ko pa lang pero na-ge-gets ko naman agad. Sa isang KTV bar ginanap 'yong maliit na event at sponsored ng isa sa mga head sa ospital kaya naman libre ang halos lahat. The get- together was a bit too formal. Hindi man kami naka tuxedo o dress, makikita naman sa mga pormal na ngiti at batiin ang pagiging professional ng lahat.

Wala akong close. Ang iba kasi sa kanila ay galing sa iisang school noon. Of course, they were a bit closer because they came from the same school. Ako kasi ay lumayo mula sa ATU. Nahiya rin siguro dahil no'ng huling taon ko na, doon ako mas naging tahimik at naging mas malayo sa kanila. Nagkaroon nga ng team building pero ako lang ang tiga-picture. Wala man lang akong ambag para sa group n'on.

"Isa pa, please," tawag ko sa bartender. For someone who's part of the medical field, I'm definitely not drinking responsibly. Nakahilera na ang mga ininom ko na alak. Alcoholic drinks are not really free of charge because it's not part of the get-together. Optional lang siya at di kasama sa libre no'ng sponsor.

"Nakakailan ka na," sita ng tumabi sa akin.

My eyes squinted as I try to look at him, nanlalabo ang mga mata ko kaya ilang beses pa akong kumurap.

"So? Sino ka ba. . ."

"Yuseco? From the anesthesiology dept?"

Ah, probably one of the doctors who's training for their residency. Tumango lang ako saka lumagok mula sa inumin.

"Hindi naman ako napupunta sa post mo ah. . ." Nangunot ang noo ko. Tinawanan n'ya lang ako.

"I know. . ." he smiled. He has a cute smile. Nadadamay ang mga mata n'ya sa pagngiti n'ya.

He's definitely older than me but he looks young. Napatitig ako sa mukha n'ya. Ang kinis n'ya masyado at parang di dinadapuan ng alikabok sa mukha. He looks. . .too proper. Parang mababasag kapag hinawakan mo. I laughed to myself. What am I thinking? Am I checking him out? E ano naman kung gwapo? Sasaktan lang naman ako n'yan.

"Bakit mag-isa ka lang? Are your friends here?" Luminga-linga pa siya, hinahanap kung may kaibigan ba ako sa mga sulok nitong bar na ito.

Nagtaas ako ng kilay sa kan'ya. Napatikhim ako.

"They're busy. Hindi ko rin naman kailangan ng magtatagay para sa akin. I'm fine on my own."

Tumango naman siya at namula. "Papaturo pa pala ako. . ."

"What?" I asked upon hearing him. Magpapaturo? Ng ano? He was ahead of me. He's acting strange.

"Kay Ate. . ." he cheekily answered. "Magpapaturo ako paano lumandi. Sorry, no'ng nasa med school kasi ako hindi naman ito naituro."

Loss of Feelings | ✓Where stories live. Discover now