Chapter 3

49.3K 2.4K 5K
                                    

Chapter 3

"Miye, paano pala ang mga libro mo? Mahal ba? Baka. . ."

I shook my head and showed her my matriculation as proof that I already passed the requirements. Relief passed across her face. Papa sighed beside her, nakikinig din sa usapan namin.

"Ako na bahala roon, ma."

It was okay, really. I wanted to work while studying. Lumalaki na rin kasi ang mga kapatid ko at hindi rin naman talaga sila sobrang na-baby kaya marunong din kahit papaano sa gawaing bahay.

Sumakto naman na may bakanteng trabaho sa coffee shop na Kapet Lang kung saan kami nagkita ni Enoch. Even if Enoch was friends with the owner, I didn't use any connection when I passed my resume. Sayang kasi kung di ko susubukan lalo na sobrang lapit lang nito sa amin.

"Sure ka ba?" Papa asked slowly. "Okay lang din ba talaga sa iyo na hahatian mo kami sa sweldo mo?"

Tumango naman ako. "Oo naman, pa. Di naman ako nangangailangan. Saka, para saan pa na nagtrabaho ako? Para rin naman sa atin."

Kaya ko rin naman talaga gusto mag-trabaho para kahit papaano ay makatulong. Mas magiging magaan kung kahit papaano ay may nabibigay na ako kay Mama. Her eyes glittered with delight. Doon pa lang ay alam ko na tama ang desisyon ko na maghanap ng trabaho.

I could buy the things that my siblings want. Makakatulong pa ako kay mama at papa. I would be able to buy things with my own money too.

Hindi rin naman magbabanggaan ang trabaho at pag-aaral ko. My schedule in ATU is flexible. Kahit nasa scholarship ako, hindi ako required tumulong sa mga libraries o ibang parte ng opisina ng unibersidad dahil hindi naman sila ang may hawak ng scholarship ko. It was from the Zaguirres, ang school lamang ang nagpo-proseso ng mga papeles upang mas maging madali ang pagiging scholar ko.

"No'ng bata po kasi ako, gusto ko maging planeta." Tumikhim si North, nilagay ang kan'yang mga kamay sa bulsa ng kan'yang itim na slacks. "Kaya po nag-nars ako."

Bumunghalit sa tawanan ang buong klase dahil kay North. Tinatanong kami ng professor namin sa NSTP kung bakit ito ang course na kinuha namin.

"Barrinuevo, ayus-ayusin mo lang ah." Tawa ng Prof namin bago binaling ang tingin sa akin. "Miss Legazpi, ikaw?"

I was a bit afraid to answer. Pagkatapos kasi ni North, ako na ang sunod. It was a random way of reciting, malayo naman ang Legazpi sa Barrinuevo.

"Ah, pangarap po kasi ng mama ko noon na maging nurse." I chuckled as I put my pen down. I was scribbling notes earlier to distract myself.

"Hm? Hindi ba siya naging nurse? She didn't pursue studying?"

Napatango ako. "M-maaga po kasi siyang nabuntis sa akin. Hindi po n'ya kaya noon pagsabayin kaya hindi na siya nag-aral."

"Hala, sayang naman. Pero gusto mo naman talaga ang nursing? Parang na-inspire ka ba sa mama mo?" tanong ni Prof.

My lips pulled apart. I could feel my mind being in a tug of war. Ang isa ay sinasabing oo samantalang mas mahigpit ang paghila sa hindi.

Did I really want to be a nurse in the first place?

"Opo," I lied as a careful smile graced my lips. "Pangarap ko po na mabigyan ng magandang buhay si mama sa pamamagitan ng pangarap n'ya."

Na hindi n'ya naabot dahil sa akin. She wasn't able to become a nurse because I halted her plans and future. Nabuntis siya sa akin kaya naman nahinto siya sa kan'yang pag-aaral

Kaya pakiramdam ko utang ko ang buong buhay ko sa kan'ya. There's a weight in my heart that couldn't be removed because of the fact that I know she had to sacrifice a lot for me.

Loss of Feelings | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon