Chapter 30

31.3K 1.3K 705
                                    

Chapter 30

Matagal kong tinitigan si North habang nagda-drive siya patungo sa condo unit n'ya. I was on the shotgun seat, pinagmamasdan ang ngiti n'yang mas malinaw pa sa araw ngayon.

It will be my first time going there. Niyaya rin naman ni North ang mga kabanda n'ya pero pinilit nila na ako raw dapat ang mauna.

Ako naman daw kasi ang rason kung bakit bumukod si North. A blush settled on my cheeks as I played with my ponytail. Is that supposed to make me feel good? Kasi parang hindi. . .na oo syempre. It makes me happy that I can influence North to do things but is my influence good for him? Ano ang nararamdaman ngayon ng mga kapatid n'ya o ng mama n'ya? This must have been sudden for them.

"Ano ang naging reaksyon ng mama mo?" tanong ko kay North. Ramdam ko ang unti-unting pagbagal ng kan'yang pagmaneho.

"Hm? Saan?"

"Sa condo unit na kinuha mo. . ."

His face was consumed by leaden guilt. It pricked my heart because I had a hunch already. S'yempre naman, si North ang breadwinner ng pamilya nila. Bukod doon, halata naman na nakakapanibago ang desisyon na ito ni North. His mother is probably reluctant to let him have his own space.

"Wala naman. . ."

"Kakalipat n'yo lang din 'di ba? Hindi ba masyadong. . .magastos? I mean, deserve mo naman, North. . ." I blabbered as I looked outside, avoiding his gaze. Me and my unfiltered mouth! Bumigat ang dibdib ko dahil pakiramdam ko iba ang pagkakaintindi ni North sa gusto kong iparating.

It's his money. Sa halos ilang taon na magkasama kami at kumikita siya, aware rin naman ako na sa pamilya n'ya talaga binibigay lahat ng ipon n'ya. So, having this decision shouldn't make him feel guilty at all. Hindi na dapat ako dumagdag sa mga iniisip n'ya.

"Mali ba na bumili ako ng para naman sa 'kin?" North asked in a small voice which made me look at him.

His eyes were misty and I was immediately engulfed in guilt. Pakiramdam ko ay nasaktan ko siya sa nabanggit ko. It wasn't my intention, I was just curious if everything's alright on his end.

"No," I answered in a haste. "Hindi naman sa gano'n, North."

"Before even acquiring one, I had to ask my siblings one by one if they wouldn't mind. . ." paliwanag n'ya. Sakto namang nag-red light kaya wala akong rason para tumingin sa ibang lugar.

"I'm sorry, wala ka naman dapat ipaliwanag, North. Pera mo naman 'yan."

Ngumiti siya. "Alam ko naman na nagaalala ka lang din sa kanila. Kahit naman ako, iniisip ko kung tama ba na lumayo ako sa kanila. . .pero gusto ko rin naman tumayo nang mag-isa. Hindi ko naman sila tinatakasan, gusto ko lang din ng space na hindi sila ang iniisip ko. . ."

I got his point immediately. Alam ko rin na kung maririnig ito nila Aki at ng mga batang kapatid ni North, maiintindihan naman nila. I shifted my weight even if I was sitting. Sana nga ay walang halong tampo ang pagpayag nila sa paglayo ni North.

"Hindi naman sobrang layo ng unit ko sa bahay. Isang sakay lang naman, palagi rin naman akong bumibisita sa kanila kaya huwag mo na sila masyado isipin." ani North at muling umandar ang kotse nang mag-green light na.

I bit my bottom lip. Did I ruin the mood? Ramdam ko ang panglalamig ni North dahil naging tahimik siya. I saw him craning his nape and putting a hand over it. Masakit siguro ito dahil kanina n'ya pa ito hinahawakan.

"Masakit ba batok mo?" I asked, stating the obvious. Gusto ko lang malipat ang topic namin.

His eyes broadened. "Ah, medyo nangangalay lang."

Loss of Feelings | ✓Where stories live. Discover now