Chapter 29

31.8K 1.5K 1.1K
                                    

Chapter 29

The rain pelts against the window. Sinundan ko ang mga patak nito gamit ng aking daliri. I trailed every raindrop while thinking of our supposed date. Sumakto naman na umilaw ang phone ko, hudyat na may nag-text sa 'kin.

North:
Cancelled ba? :(

Miye:
Okay lang :) pahinga mo na lang ngayon. May next time pa naman.

Bagsak ang balikat ko habang tinitipa 'yon. I won't deny the disappointment. Sa isang linggo, may isang araw na para sa aming dalawa. We won't have any appointments that day because it's reserved for us. Pero ngayon ay naudlot na 'yon.

Pero umuulan ngayon. Hassle naman kung pupunta kami ng Intramuros na ganito ang panahon. Araw-araw naman kami nagkikita pero madalas ay naghihiwalay din kami ng landas dahil sa mga gawain sa school. Sumabay pa na malimit na lang kami maging magkagrupo.

"Sinama ni Papa si Mon sa simbahan, baka gabihin daw dahil may dadaanan pa raw silang dalawa," ani Tuesday na nagaayos ng buhok ngayon. Pinaplantsa n'ya ang dulo ng kan'yang buhok sa harap ng vanity mirror namin.

"Uh huh, ikaw? May lakad ka rin?" tanong ko dahil napansin ko ang postura n'ya.

"Date." Ngumisi siya.

I gasped. "Bwisit ka, umuulan?!"

"Rain or shine, ate! Marunong ako lumandi!" giit n'ya at natawa.

I reverberated her laughter. "E sina mama? Bibisita kay Lola, ano?"

Day off din kasi ni Mama at no'ng isang araw pa nagyaya ang mga kapatid ko na bumisita kay Lola. Gustuhin ko man pumunta roon, hindi ko na maatim ang mga pasaring ni Lola kay Mama. Lola is nice to us but it's different to Mama. Halatang may hidwaan sa kanilang dalawa.

"Oo, kasama yata 'yong mga bata. Ikaw lang maiiwan dito. . .o gusto mo ba sumama?"

I raised an eyebrow. "Sa date mo?"

"Gosh, ate! Sa kanila! Kina Lola! Bakit ka naman sasama sa date ko?" Ngumiwi siya.

Umiling ako. "Huwag na, okay na ako."

Umalis na si Tuesday matapos namin magusap. Naglinis ako ng bahay dahil wala rin naman akong p'wedeng kausapin dito kundi ang mga nagkumpulan na sapot sa mga dingding. I snickered because as much as I wanted to get angry, bata pa ang mga kapatid ko. Hindi pa naman talaga nila tungkulin ang maglinis. I'm sure Tuesday would have cleaned this if she wasn't busy. Si Monday nga lang. . .hay, kailan ko ba 'yon maaasahan?

I plopped on the sofa as soon as I finished cleaning. Sinandal ko ang walis at binitawan ang basahan upang tingnan ang phone ko. I texted North.

Miye:
Punta ka sa bahay.

Wala si Mama at Papa.

My fingers were sore because of how I used to press them against the screen. Madiin ang bawat pindot ko dahil desidido akong gamitin ang oras na ito para magkasama kami ni North.

Napanguso ako sa sobrang kupad ng paglipas ng oras. Mabilis naman mag-reply si North ah? Usually, ilang segundo lang ay may sagot na siya agad maliban na lang kung may ganap din talaga siya. Pero pareho kaming walang pasok ngayon.

Really? Wala pa talaga?

Bumagsak ang balikat ko kasabay ng bawat patak ng ulan na bumabagsak din sa aming bubong. Para akong na-reject kahit wala pa namang sinasabi. Am I asking too much? Pupunta lang naman kami rito para mag-bonding! I really miss him. So much.

Loss of Feelings | ✓Where stories live. Discover now