Chapter 8

42.1K 2.2K 2.5K
                                    

Dahan — December Avenue

Chapter 8

"Miye, kain ka na muna."

Lumingon ako kay Naiara na nakaupo ngayon sa isang bar stool. Katabi n'ya si North na hindi makatingin sa akin. Halos isang linggo na kaming ganito. Hindi kami mapakali kung paano mag-u-usap muli dahil sa nangyari no'ng isang araw.

"Dinalhan ka ni North ng ensaymada," dagdag ni Naiara.

"Akin na, kakainin ko mamaya." I said, kinuha ko ang ensaymada kay Naiara.

North looked relief, hindi ko alam kung bakit naawa na naman ako. Sobrang big deal na ba sa kan'ya kapag tinatanggap ang binibigay n'ya? Bare minimum lang naman 'yon. Baka akala n'ya talaga ay galit ako. I felt knots in my stomach, hindi ko naman p'wedeng sabihin sa kan'ya na wala naman talaga siyang dapat ikabahala dahil okay lang sa akin.

Hindi okay sa akin na pinipilit n'ya pang hawakan si Barbara kahit matagal na itong bumitaw sa kanilang dalawa. Sure, I wasn't part of their relationship. Sa walong taon na magkakilala sila ay wala pa ngang isang taon ang hawak ko. Kakakilala ko pa lang sakanila pero alam ko na lalo lang silang magkakasakitan kung patuloy na ipaglalaban ni North ang matagal nang tapos na laban.

"Bati na ba kayo ni North?" tanong sa akin ni Naiara habang naghuhugas ako ng kamay. Kagagaling ko lang kasi sa labas. Nakasanayan ko na ang maghugas bago kumilos ulit.

"Hindi naman kami nag-away," I answered truthfully.

"Weh? Alam mo bang parang araw-araw na natatae si North dahil sa 'yo? Pakiramdam n'ya, any time ay sisigawan mo siya o di kaya ipapahiya. You don't know how much he wants to talk to you, kaso 'yon nga, nababahag ang buntot." ani Naiara at nagawa pang sumandal sa malapit na pader.

Sinipat ko si North at totoo nga na hindi siya makatingin sa akin. Halata naman na kanina pa siya nakamasid pero ayaw n'yang lumapit. I sighed and gradually shook my head before carefully drying my hands using a dry cloth.

"Ako na kakausap. Okay na, Nai. Thank you. . ."

Naiara served as a mediator while we were ignoring each other. Baka nga ako lang ang hindi namamansin dahil nage-effort naman si North na kausapin ako. Ang totoo n'yan ay naaawa lang ako sa kan'ya, that's it. Ayoko rin talagang manghimasok sa relasyon o problema nila ni Barbara.

Tama naman si North.

Sino ba ako at ano ba ang alam ko sa relasyon nila? I'm a bystander or a stranger to the bond that they once had.

Lumapit ako kay North at kalmadong tinawag ang atensyon n'ya. "North."

"M-Miye?" Umangat ang tingin n'ya sa akin at kitang-kita ko ang kaba na dumaan sa kan'yang mga mata. Umalpas ang awa sa aking dibdib.

Damn it.

"Salamat sa ensaymada, gusto mo ba ng bananaque? Libre kita." I smiled at him, lifting the corners of my lips to convince him that everything between us is okay.

"Miye. . ." North uttered. "Hindi ka galit sa akin?"

I shrugged off. "Wala ka namang ginawang masama, North. Stop blaming yourself for things you have no control of."

"I have control over my mouth. Nakapagsalita ako ng masakit. . ."

"And you acknowledge that, you feel remorse for it, you say sorry. I appreciate that, really. But don't dwell on it, don't let your mistakes cloud the reality. Okay na, North. Kain na lang tayo ng bananaque." I slowly reached for his hair, ginulo ko ito at pumunta na ako sa may kusina.

Inaagapan ang nararamdamang kiliti sa dibdib. May ex si North na halos walong taon ang tinagal, dating him would be excruciating and also stressful. Napatili ako sa loob-looban ko, why am I even thinking of dating him?! Wala dapat ito sa plano ko. I should learn how to draw the line. Kaibigan lang nila ako, that's it.

Loss of Feelings | ✓Where stories live. Discover now