Chapter 38

34.6K 1.5K 867
                                    

Chapter 38

Maybe I was the downgrade. Siguro nga no'ng naging si North at Barbara, hindi naman s'ya nahirapan nang ganito. Maybe if Barbara was indeed still his girlfriend, people would eat that shit up already. Bagay naman kasi talaga sila.

And who am I, really? A staff? A blockmate? Someone who was available for him to date? I only got lucky because the circumstances were in favor of me. Pero kahit ang storya naming dalawa ay hindi tulad ng kanila. We didn't happen because of love at first sight, it wasn't even because of butterflies. It was slow yet shaky.

Hindi ko mairaos ang paghuhumerentado ng aking puso. Kahit nasa mismong sasakyan na kami ay hindi ko magawang makausap si North nang hindi iniisip na marami siyang tinatago sa 'kin. Maybe this was also the reason why he was quiet these days. Tinatago n'ya ang tunay n'yang nararamdaman at nangyayari sa paligid namin.

He doesn't want me to know because he thinks that I'll get hurt not knowing this actually hurts me more. Mas masakit sa 'kin na hindi malaman kung ano na ba talaga ang bumabagabag sa kan'ya at kung ano talaga ang reaksyon ng mga kabanda n'ya.

Am I the reason for their potential disbandment? Kung gano'n. . .hindi naman ako worth it. 'Yong banda nila ay marami pang p'wedeng puntahan. Itong relasyon namin. . .

Ewan ko. Ang alam ko lang ay di ko siya kayang bitawan ngayon. Lalo na't siya lang naman ang kakampi ko.

I can't give up North. Siya dapat ang unang sumuko dahil ayoko siyang sukuan. Hindi ko kaya.

"Saan mo ako gusto kainin?" tanong n'ya at bahagyang tumahimik nang mapansin ang timpla ng mukha ko.

"Kahit saan na lang," mapaklang sagot ko.

I wasn't in the mood, to state the obvious. Mas gusto ko na lang magmukmok ngayon kaysa pilitin ang sarili ko na makisalamuha. Wala rin akong gana kumain. Posible palang maging busog kahit walang laman ang tiyan.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni North ang mga pisngi ko at pinisil ito. He laughed heartily as I let out a groan.

"What?" I asked as I massaged my cheeks in circular motion. Ang sakit din kaya!

"Nakikinig ka ba talaga sa 'kin?" he laughed once again. His eyes turned into slits, as if judging me.

Umungos ako dahil doon. Parang gago! Seryoso naman ang sagot ko sa kan'ya! Kahit saan naman talaga kami kumain ay okay lang sa 'kin.

"Oo? Kahit saan nga! Sa canteen, sa karinderya, sa kusina kasama pa nanay mo e! Kahit saang fast food o resto," I huffed and let myself be consumed by my seat. "Kahit saan naman talaga basta kasama ka."

North went momentarily silent. I figured he was really thinking of a place where we could eat. Siguro kahit lantad naman na may dine-date na siya ay iniisip n'ya pa rin kung saan kami magiging kumportable.

"D-di mo yata ako narinig e," nahihiyang sambit ni North.

Nangunot naman ang noo ko. I was sure he was asking where we'll eat! Bakit siya nahihiya? Did his management cut off his funds? Ang bilis at aga naman yata nila parusahan si North. . .just for dating me?

"May pera naman ako," wika ko. "Ako naman ang magbabayad ngayon. P'wede naman tayong salitan! Pero kung ayaw mo, p'wede naman ako magluto sa condo mo, North." suhestiyon ko pa.

"Miye. . ." he was struggling as he let it out. "Ano bang gagawin ko sa 'yo?" then continued to laugh it off.

"Kakain lang naman tayo!"

"Sabi ko kakainin mo ako. . ."

Nanglaki ang mga mata ko at napasigaw, "Hoy gago ka?! Kailan?!"

Nahihiya siyang tumango. "Kanina lang. . ."

Loss of Feelings | ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt