Chapter 22

39.9K 2.1K 1.6K
                                    

Chapter 22

In the end, we still pursue the misplaced affection we had. We still give big spaces for those who see us inadequate. We still chase those who never wanted to stay. We still love those who never look our way.

At kahit alam naman namin na tayo ang masasaktan, sumusugal pa rin tayo sa maliit na tyansa na hindi. Life works that way. Kahit na itanggi man natin. We're the ones who are capable of hurting us the most, it isn't anybody else but ourselves.

I was buttoning my uniform while thinking about it. Paano na kami ni North nito? He likes me but if we'll be together, a lot of odds will arise. Ayoko rin naman na bitawan si North. He's someone who's already important to me. Nandito naman na ako kaya bakit pa ako aatras?

"Ate," singit ni Tuesday habang unti-unting binubuksan ang pinto ng kwarto namin. "P'wede ba tayong mag-usap?"

"Hm? Importante ba 'yan? May pasok pa kasi ako e. Baka maaga magbukas ang school, ang strict pa naman sa protocol ng first subject namin." reklamo ko. Totoo naman, kahit naman major subject din siya—di makatao na thirty minutes advance ay nandoon na agad kami kahit wala pa siya.

"Hindi naman," mahinang sabi ni Tuesday. "Huwag na lang pala, ate. Ingat ka sa school, ha?"

"Okay! Ikaw rin!" I told her as she slowly retreated away from the door.

Somehow, I felt a heavy burden in my chest. Kakausapin ko na lang siguro siya mamaya. May hahabulin pa ako na klase. Dali-dali kong nilagay ang gamit ko sa bag at mabilisan na sinara ang zipper.

Bumaba na ako at nakitang wala si Mama at Papa, baka nasa trabaho na silang dalawa. I saw Thursday playing with her food. Nangunot naman ang noo ko dahil busangot ang mukha n'ya.

"Huwebes na huwebes ang mukha mo ah," I said, throwing a pun. "Ayaw mo sa ulam?"

"Ito rin ulam kagabi e. . .hindi pa nainit nang maayos ni Kuya Mon." reklamo ni Thursday habang unti-unting inangat ang tingin sa akin.

May humaplos naman sa puso ko. Hindi ako magastos na tao pero pagdating sa pamilya ay kaya ko talaga maglabas ng pera. Kinuha ko ang wallet ko at nakitang may seven hundred pa naman ako. Hindi naman ako kumakain nang bongga sa labas at kaya ko naman maglakad kung sakaling ma-short ako.

"Bili ka ng pagkain n'yo ni Friday. . ." saad ko habang pinadausdos ang limang daan papunta sa kan'ya.

Her lips perched up in a smile. "Totoo ba, ate?! P'wede?"

Tumango lang ako dahil may hinahabol pa akong klase. I looked at how happy she was with the money. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. I will work harder in the future—para mas mabigyan pa sila.

I get that it isn't my responsibility but the genuine feeling of giving back makes me feel good. Hindi man nila mababalik ang binibigay ko sa kanila, alam ko naman na kahit papaano ay napasaya ko sila sa buhay nila—it was enough for me.

Pagkalabas ay nagmamadali akong sumakay sa isang jeepney. Mabuti na lang na halos puno na kaya hindi na ito hihinto para kumuha ng pasahero. It was a smooth ride to our school. Pagkarating sa ATU ay kumpulan na ang mga estudyante sa bawat department nila. Malayo-layo ang building ng nursing kaya naman nagkukumahog ako sa paglalakad. Halos patakbo na nga ito.

"Miye!"

Lumingon ako sa tumawag sa akin. My face blanched as my steps slowly went devout to the ground. Napalunok ako nang hintayin ko siyang makaabot sa aking tabi.

"B-buti naabutan kita," Aki smiled and my heart hurted. Hindi ko alam bakit may nararamdaman akong kirot o awa para sa kan'ya.

I don't have a lot of admirers. Kung may magkagusto man sa akin, may malaki akong karatula sa mukha na hindi ako interesado. I can merely just ignore or snob them because I don't know them yet. Pero si Aki? Goodness, kapatid siya ng future boyfriend ko (kung papayagan ng mundo) kaya naman hindi ko alam ang tamang aksyon.

Loss of Feelings | ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora