Chapter 1

67K 3K 5.2K
                                    


Chapter 1

"Lima kayong magkakapatid ano?" tanong sa akin ni Aling Pasing habang naglalagay ng champorado sa supot.

"Pito po," sagot ko habang pinapakita ang buong kamay at dalawang daliri ko. "Bale, walong order po dahil isasama ko na rin si mama."

I wasn't able to cook breakfast. Kaya bumili na lang ako sa malapit na karinderya. Hindi naman ako tanghali nagising, tinamad lang talaga ako magluto dahil wala rin talagang stock sa bahay. Nakalimutan kasi mamalengke ni Tuesday, ang sumunod sa akin sa magkakapatid.

"Sipag naman gumawa ng nanay mo ng bata," biro n'ya habang isinasalang ang isang kawali sa malapit na kalan. She also prepared the champorado for me while checking if the temperature was too hot. Itinapat n'ya ang kan'yang kamay sa ibabaw ng kawali.

Nagkibit ako ng balikat. "Pareho po silang masipag ni papa."

Lumingon naman siya sa akin. "Si Juan ba ang tatay mo, ineng?"

Tumango naman ako. Hindi na ako nagtaka na baka kakilala n'ya dahil madalas naman na bumibili rin dito si papa kapag walang ulam sa bahay. May trabaho o raket din kasi si mama kung minsan kaya hindi nakakapagluto. Malalapit lang naman ang mga karinderya rito kaya hindi na rin namin inaabala si mama magluto kapag may lakad siya. She's the one who's insisting to cook, mas mura raw kasi kung lutong bahay daw talaga.

"Naku! Napaka-poging bata ni Juan noon. Alam mo bang ang ama mo pa ang nililigawan? Hindi ko ba alam at bakit sa dami ng mga magagandang babae at mga anak mayaman na nagkagusto sa kan'ya ay napunta siya sa babaing. . ."

Tumikhim ako upang putulin ang litanya. She glanced at me and bit her lower lip probably because she noticed my sour mood.

"Tapos na po ba? Gutom na rin po kasi mga kapatid ko. Salamat po." I retained my politeness. Hindi naman kasi ako pinalaking bastos.

Inabot n'ya ang supot at walang paalam ay nilisan ko na ang tindahan n'ya. I scoffed to myself. Kung hindi lang lasang asukal ang sinigang ng mas malapit na karinderya ay hindi na ako bibili sa kan'ya e.

Pagkauwi ko ay sinalin ko na agad ang champorado. Wala pa nga ang gatas na binili ko ay nakita ko na nakapila na agad ang kambal. Si Sunday at Saturday na parehong nakangiti sa akin ngayon.

"May gatas sa akin!"

"Sa akin po wala."

Magkamukha ang dalawa dahil nga kambal sila. Pero sa kilos at pananalita ay agad kong nahihimigan kung sino si Saturday at kung sino si Sunday sa kanilang dalawa. Sunday reflects her name, a humanized sunshine. Saturday reminds of Saturn, quiet and mysterious.

"Ito na," sabi ko matapos iabot ang dalawang bowl na may lamang champorado. "Kumain na kayo! Pakitawag na rin pala si Friday! Baka amoy pawis na 'yon kakalaro!"

"Sino inuutusan mo, ate?" Ngumunguyang tanong ni Sunday.

"Ako yata."

"Baka ako? Magkamukha lang tayo e." Sunday spoke, innocently.

Natawa naman ako. "Kahit sino! Tutal, hanggang ngayon ay nalilito pa rin si Friday sa inyong dalawa."

Humagikhik naman ang kambal. They were wearing identical clothes too. Ayaw kasi ni Mama na magkaroon ng inggitan sa dalawa. Hindi n'ya alam ay pinahirap n'ya lang ang buhay ko dahil minsan napagpapalit ko rin ang pangalan ng kambal.

"Hi, Ate Miye!" May pumasok sa pintuan. She was in her usual crop top and shorts. Agad na nagtaas ang kilay ko. May lakad ba siya? Aba, hindi nagpaalam!

"Marites ka talaga, Tuesday! Nasa kapitbahay ka na naman!" angil ko sa kan'ya. "Kurutin kita sa singit!"

Pabiro kong nilapit ang kamay ko sa bandang tiyan n'ya at agad naman siyang napaigtad. She laughed while trying to avoid my direction.

Loss of Feelings | ✓Where stories live. Discover now