Chapter 47

29.3K 1.5K 1K
                                    


Chapter 47

"Ang pogi talaga ni Doc. Yuseco, parang di totoong tao e." Napabuntonghininga si Temi habang nakatanaw sa malayo.

Hindi naman sa post namin sina Jahiel kaya nakakapagtaka na gumagala 'yon dito. I glanced at him and he was already looking at me. He was mouthing something so I furrowed my eyebrows. Ano kaya 'yon?

"Bakit di mo pa sinasagot, Wednesday?" tanong sa akin ni Temi. "It's not like he's not a catch. Sobrang swerte mo na nga kung sakali. Hala sige ka, baka magsawa 'yan. Marami pa naman ang mga doctor na nakaabang sa kan'ya."

Umiling ako. "Choice n'ya naman 'yon kung magsawa siya—at kung magsawa man siya, at least, we saved each other's time. Hindi kami papasok sa isang relasyon na wala naman papatunguhan."

Temi made a face. "Ang seryoso mo talaga kahit kailan."

I only shrugged my shoulders and continued checking the charts. I was assisting Doctor Tiamzon for some general check-ups. Katatapos lang ng rounds n'ya kaya naman tapos na rin ang gawain ko sa ngayon.

Napatingin ako sa wrist watch ko. Uuwi pala ako ngayon sa bahay kasi may pakain si Mama dahil sa kambal. They had honors this school year. Hindi ko sila masyado nakakamusta dahil matindi pa rin ang tampo nila sa akin magmula nang mawala si Tuesday. They blame me discreetly for what happened. Kung pinaglaban ko lang daw sana si Tuesday ay baka nandoon pa siya sa bahay ngayon.

I want to find her but at the same time, I'm scared of the possibility that she already loathes me. P'wede naman 'yon e. I did her really badly. I treated her as if she wasn't the root of my soul. She was more than my sister to me. There was a special bond between us. Kahit sa katahimikan ay naririnig namin ang isa't-isa. Sayang dahil hindi ako marunong makinig noon. I could have told her that I will support her decision, whatever it may be.

Umuwi ako sa bahay na may mabigat na mga yabag ng paa. Walang masyadong nagbago rito maliban sa mas naging tahimik dahil halos walang tao sa bahay. Si Thursday lang ang kadalasan naaabutan ko rito kapag umuuwi ako. Si Monday madalas nasa kwarto kaya di ko nakakausap. The other three are always busy with their school activities.

Hindi man lang ako nakabawi.

"Kailan ka pupuntang abroad, Miye?" pambungad sa akin ni Mama habang naghahain ng pagkain. Nagluto siya ng tortang giniling pagkarating ko.

Miye.

I smiled to myself. I miss being called that way even when it hurts. Pero pumipintig ang puso ko tuwing naririnig ko 'yon dahil sa isang tao. I hate how that name is associated with him even if he wasn't the one who created that nickname for me. I also hate that the hatred I had for him doesn't make sense at all. Matagal naman na kaming tapos kung tutuusin e.

"Inaasikaso ko pa po visa ko at saka," I gulped the lump on my throat. "Iniisip ko pa po kung tutuloy ako."

"Bakit naman hindi?"

"Hindi ko rin po kasi. . .gusto, ma." I voiced out.

I saw her brows meeting in the middle of her forehead. She seems to be displeased with my answer.

"Kaunting sakripisyo lang naman, Miye. Ilang taon lang sa ibang bansa. P'wedeng-p'wede ka naman bumalik sa Pilipinas kung gugustuhin mo e."

"Totoo po," I nodded. "Pero totoo rin po kasi na hindi ko gustong pumunta ng ibang bansa."

Mama was taken aback. Hindi siguro sanay na sinasabi ko ang mga opinion ko. I learned this through Tita Jan. Sabi n'ya noon sa akin ay mas okay raw kung alam ng magulang ko na hindi ako okay sa mga desisyon nila para sa akin. In the end, they can't force me to take this path if I really don't want to.

Loss of Feelings | ✓Where stories live. Discover now