Chapter 23

45.1K 2K 1.8K
                                    

Chapter 23

"Ilang taon na lang oh, halos isa na nga lang, balak mo pa maging irregular?" sikmat ni Aki sa kuya n'ya. Pareho silang nasa kusina ngayon.

We were currently at their house. Balak sana namin ni North na tumakas kaso kanina pa kami tinitingnan ni Trina. Sa hapagkainan ay hindi n'ya inaalis ang titig n'ya sa aming dalawa.

"Bakit hinahawakan ni Nurt ang kamay mo kanina, Maeye?" bulong ni Trina sa akin. Magkatabi lang kasi kami ng upuan.

I gradually trapped air in my mouth forming a quick pout. "Shh, may pinatay lang siyang lamok."

"Mataba siguro 'yong lamok kasi ang tagal mamatay—tagal n'yang nakahawak e," komento ni Trina.

My cheeks reddened. Hinawakan kasi ni North ang kamay ko kanina. Binitawan ko lang ito nang dumating si Aki. Tumatalbog pa nga ang puso ko nang bumaba ito. Aki only smiled at me when he saw me but I felt guilty. For what? Hindi pa naman kumpirmado na gusto n'ya ako.

Ganda mo naman, Miye. I groaned inwardly. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

"Miye, nag-lipstick ka 'no. . ." puna ni Trina. "Sino iki-kiss mo?"

"Hoy kang bata ka?!"

She gasped. "May iki-kiss ka nga?!"

Naalerto 'yong dalawang nasa kusina. Aki widened his eyes while North blinked. Nakita ko ang tingin ni North na napunta sa aking labi.

He swallowed hard before feigning innocence. Natawa naman ako sa reaksyon n'ya. Aasarin ko nga 'yon mamaya.

I turned my attention to Trina once again. "Saan mo nalaman 'yan? Hindi ba p'wedeng maputla lang ako? Gusto ko lang ng kulay sa mukha?"

"Hindi ka naman maputla, Maeye. . ."

"Imagination nga lang, Trina. Ikaw naman," I pinched her cheeks and she pouted right back at me.

"Delayed lang naman pero gagraduate pa rin," ani North kay Aki. Nalingat ang atensyon ko papunta sa kanila.

Umiling si Aki. "Tapusin mo na. Sobrang hectic na ba ng workload mo? Huwag mo kasi saluhin lahat. We're doing well—p'wede pa akong magtrabaho kung kulang talaga."

"Aki naman. . .kuya mo ako e," North sighed. "Hayaan mo naman ibigay ko sa 'yo 'yong buhay na maganda."

"Kuya kita—hindi ako galing sa sperm mo, okay? Wala kang pananagutan sa akin."

"Pst! May bata!" saway ko kay Aki habang hawak ang tainga ni Trina.

Aki immediately bowed his head and apologized. Kumuha siya ng bandehado saka nilapag ito sa harap namin. North followed up with the dishes in his head. Nagluto lang naman sila ng bicol express at prinitong manok.

Nilagyan ni North ang baso ko ng iced tea. Napangiti naman ako dahil 'yon ang unang ginawa n'ya matapos lumapit sa pwesto namin.

"Hindi raw ba sasabay si Mama?" tanong ni North nang umupo sa tabi ko.

Natulos si Aki sa kan'yang kinatatayuan. Nanatili ang kan'yang tingin sa pwesto ni North. Agad n'yang pinilig ang kan'yang ulo at pinilit ang isang munting ngiti.

"Umalis si Mama," Aki replied. "Uh, close na pala kayo ni Miye?"

"Nagh-holding hands—" Trina gasped. Tinakpan ko ang bibig n'ya gamit ang aking kamay. Hindi naman ito nakatakas sa tingin ni Aki.

I saw the confusion passing through his eyes. Kumalabog ang puso ko sa kaba. Why do I feel guilty? Hindi ko naman hawak ang nararamdaman n'ya. At kung tutuusin, I have no control over it.

Loss of Feelings | ✓Where stories live. Discover now