Tumingin siya sa isang pinto na natatamaan nang ilaw ng buwan. Ngayon niya lang napansin ang guhit na nakalagay dito.

Tumayo siya at hinawakan ito. May isa itong nakausling palaso at may itinuturo. Tumingin ako sa dulong pinto at may palaso ito uli at may tinuturo.

Ang panglimang pinto na tinuro ay may palaso na pataas. Agad akong tumingin aa taas ng pinto at nakita ang isang maliit na pindutan.

Agad ko itong pinindot at umilaw ang pinakaunang pinto na tinignan ko. Muli ko itong binuksan at hindi na pader ang narito...

Nasa bundok na ko muli kung saan ginanap ang patimpalak noon upang makapasok sa Unibersidad ng Kenque.

••West POV••

"Nexannnnnnn!!!"

Napalingon si Nexan sakin at lumapit.

"Ayos ka lang ba?"

Tumango ako at tinuro ang maliliit na kahon sa magkabilang gilid ng lagusan. "Satingin ko, kapag iyon ay nasira natin ay kusang mawawala ang lagusan."

Tinawag ni Nexan si Emerald at pinasakay ako. Tinuro niya ang kahon sa kaliwa. "Mukang hindi madali itong wasakin kaya mag ingat ka sa paligid. Kung ito ang magpapatigil, kailangan ko ng katulong na sirain ito."

Sumaludo ako sakanya. "Para sa unibersidad!"

Mabilis na tumakbo si Emerald papunta sa direksyon ng kahon. Maraming halimaw ang nagtangka na lumapit ngunit pinira piraso lang ito ni Emerald. Ayon sa kanyang kilos, mukang naiinis ito dahil hindi makita ang amo.

Biglang lumitaw saamin harap ang isang higante na bulate. Napaurong palikod si Emerald at handa na itong atakehin ngunit may espadang nakatarak sa dibdib nito at unting unti itong dumulas pababa.

Nakita ko ang pagbunot ni Aurs sa espada. "Narinig ko ang usapan nyo ni pro alpha! Tumuloy lang kayo ni Emerald sa pagtakbo, ako na ang bahalang sa dadaanan nyo. Vamos!"

---

••3rd POV••

Tumakbo si Emerald kasama si West papalapit sa maliit na kahon. Sumalubong sakanila ang napakaraming halimaw na kakalabas pa lamang.

Binuksan ni West ang lagusan papunta sa mga armas at kumuha ng mga espada.
*West's ability- teleportation*

"Hindi ko pa gamay ang paggamit nito pero mukang sainyo ko nalang ieensayo," wika ni West pagtapos niyang iwasiwas sa isang halimaw ang espada.

Patapos na kinakagat at kinakalaban ni Emerald ang mga akmang lalapit sa direksyon nila.

Muntik ng matamaan ng ligaw na patalim si Emerald pero buti nalang ay naiteleport agad ito ni West sa tabi nya.

"Mag ingat ka Emerald! Pareho tayong patay kay Hera kapag may nanyari sayo."

Sumakay si West kay Emerald at sinubukan nilang talunin ang kahon ngunit nahila sila pababa.

Napa aray si West ng sumakto ang sila sa mga maliliit na bubog. Hindi pa man sila nakakatayo ay pina ikutan nanaman sila ngmga halimaw.

Gumapang siya papunta sa espada pero mabilis na nakalapit ang halimaw.

Biglang may bumuga ng apoy patungo sa direksyon nila. Tinignan nya kung saan ang pinagmulan nito at nakita si Winter na lumilipad.

Tinulungan nyang tumayo si Emerald at napansin ang dami ng natamo nya sa pagkakalaglag. Hinubad niya ang kanyang suot na balabal at pinulupot sa paa ni Emerald.

"Malilintikan talaga ako kay Hera nito,"

Pansamantala silang nakatago sa isang silid pero hindi din ito nagtagal ng dahan dahang dumami muli ang mga halimaw.

Pilit na pinapasakay ni Emerald si Winter pero ayaw na nya itong masaktan. Wala siyang nagawa ng bitbitin nito ang kanyang kwelyo at tumakbo ng mabilis.

Pumunta muli sila malapit sa kahon at sinubukan sirain ngunit maski pagbuga ng apoy dito ay hindi makagawa ng gasgas!

Hinihingal silang napaupo. Inis na tinapon ni West ang putol na espada.

"Wala bang makakasira nito?!"

Biglang umungol si Emerald. Napatingin siya sa itaas at napansin ang isang bulto na pababa galing kay Winter.

Sa pagbaba nito ay luminaw ang kanyang imahe na may dala itong mahabang espada  nakaturo sa ilaw ng kahon.

Parang nawala bigla ang ingay sa paligid. Napadapa halos ang lahat ng kalapit sa lakas ng pagsabog na nagmula sa kahon.

Mahina ngunit nakakakilabot na tawa ang tanging maririnig pagtapos makapahinga sa pagsabog na iyon.

Kumikinang na kulay berdeng mata ang sumalubong sa lahat. "Di nyo man lang ako ginising?"

Ang hinahanap nilang Herause Saren ay sa wakas, lumitaw na sa kanilang harap!

-------------------TO BE CONTINUED--------------------

A/N:

🐰HNY! I miss you all! sorry sa super late update ay jusq daming ganap sa buhay ko and this year talaga, tatapusin ko na toh!

🐰THANK YOU SA PAGBABASA! KUNG ITO AY IYONG NAGUSTUHAN, MAG IWAN NG REAKSYON, LIKE OR KOMENTO SA BABA!

🐰Halos 2 years ko na tong sinusulat, sa mga nagbabasa simula pa noon hanggang ngayon, maraming salamat! Pati na rin sa mga bago palang, SALAMAT!

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now