Mafia's Doctor: Headquarters

Start from the beginning
                                    

“Hmm.” ang tanging nasabi ko dahil puno ang bibig ko ng turon. Hindi ko naman alam na nag-tunog ungol ang ginawa ko kaya naputol ang pasensya nito at hinawakan ang batok ko bago ako nito inatake ng marahas na halik.

Kinagat nito ang pang-ibabang labi ko dahilan para umuwang ang labi ko at nagkaroon ng tyansang pumasok ang dila sa bibig ko. Nilipat nito ang nginunguya kong turon sa bibig nya at nilaro pa ng dila niya ang dila ko bago lumayo sa akin.

Napakurap naman ako dahil sa bilis ng nangyare. Nakangisi na ito sa akin habang nginunguya ang turong nasa bibig ko kani-kanina lamang. Tumango tango naman ito sa akin.

“Masarap nga.” mapang-asar nitong saad habang nakatingin sa labi ko. Tumikhim naman ako nang maalala kong nasa kotse kami at may kasama kaming driver. Pasimple ko namang tiningnan ang driver sa harapan gamit ang rearview mirror at nakitang namumula ang tainga nito. Sinamaan ko ng tingin si Jake nang marinig ang mahinang tawa nito. Nag-init ang pisngi ko sa isiping nakita kami ng driver nito at ang namumula nitong tainga ang ebidensya.

Tumalikod ako kay Jake at nginuya ang natirang turon na hindi nakuha ni Jake kanina. Mas lalong nag-init ang pisngi ko nang maalala kung paano maglumikot ang dila nito sa loob ng bibig ko.

Hanggang sa naubos ko na ang tatlong turon ay nasa byahe pa din kami at mukhang naka-alis na kami sa Bambang. Paano ko nasabi? kasi nakalampas na kami sa tulay.

Isa pa, magi-isang oras na kaming nasa byahe.

Nakatingin pa din ako sa labas at nakahalukipkip dahil nahihiya akong tingnan si Jake at ang driver. Ramdam ko din ang titig ni Jake sa akin kanina pa.

“Hey.” masuyong saad ni Jake. Nangunot naman ang noo ko dahil doon.

“Baby?” tawag ulit nito pero hindi ko pa din ito nilingon kahit na nilalamon na ako ng kuryosidad.

“Love?” malambing ang boses nito.

“Yes?” hindi ko napigilang sumagot pero nanatili pa din akong nakatingin sa labas.

“What do you want?” nag-isip naman ako ng gusto ko at napangiti ng bigla akong nag-crave sa pagkain ng Jollibee.

“Burger steak, fries, fried chicken with rice, spaghetti, yumburger, coke float. In short, sa Jollibee.” ini-imagine ko pa lang na kumakain ako ng mga nabanggit ko ay mas lalo akong nagc-crave doon.

“Okay, McDo it is.” huh? McDo? Jollibee ang sabi ko ah! Inis na nilingon ko ito at ganon na lang ang pag-awang ng labi ko sa nakita ko. Nakangisi si Jake habang nakatingin sa akin at may hawak na telepono na nakatapat sa tainga niya na parang may kausap mula dito.

Namula na naman ang pisngi ko sa hiya dahil doon. May kausap naman pala siya sa telepono tapos ako ang sumasagot. Mas lumawak ang mapaglarong ngisi ni Jake nang makita ang namumula kong pisngi.

“Yes, baby.” Baby? Sino ’yan? Nakuha lang nito ang pagkababae ko, meron na siyang panibagong babae?! Harap-harapan pa talaga ah!

Tumingin na lang ulit ako sa labas kahit na wala akong makitang buildings kung hindi ay mga puno, palay at bundok. Mukhang nasa probinsya din ang headquarter nila at tago. Hindi ko alam kung nasaan na kami pero huminto na ang kotse kaya nauna na akong lumabas ng kotse.

Nilibot ko ng tingin ang paligid at wala akong makita kung hindi ay puno at ang mga nakakalat na dahon sa lupa. Lumabas na din ang driver at si Jake na may malaking ngisi pa din sa labi. Inirapan ko na lang ito at tumingin sa driver na namumula na naman ang tainga. Edi wow.

Naglakad naman ang driver sa tabi ng isang puno malapit sa pinag-hintuan ng kotse at nilislis ang nga dahong nakakalat doon. Nakita ko doon ang mala-bakal na pintuan at hindi ito ganon makikita agad dahil kakulay lang ng lupa ang kulay ng bakal.

Umuwang naman ang labi ko sa narealize. Nasa ilalim ng lupa ang headquarter nila! Underground headquarter! First time kong makakapunta sa ilalim ng lupa kaya nakaramdam ako ng excitement.

Agad naman akong naglakad tungo sa likod ng driver na may kung ano pang kinalikot sa gilid ng bakal na pinto bago ito mabuksan. It's an eye detector and a tattoo detector. Hindi madaling makita ang eye detector dahil nasa mismong loob ito ng bakal pero napansin ko kaagad ito dahil sa kulay pulang ilaw na kumukutitap. Hinubad nito ang damit at dumako ang tingin ko sa tattoo nitong hurricane at may kalangsay sa loob nito, naka-attach ito sa bandang dibdib nito.

Wala sa sariling tininingnan ko pababa ang katawan nito at tumigil sa abs nyang namumutok. 6 packs abs! Omg! Napatili naman ako nang sumipot sa harapan ko si Jake na wala na ding pang-itaas na damit. Kitang kita ko ngayon ang dibdib niyo at and 8 packs abs. Nakatitig lang ako doon nang magsalita si Jake.

“That's right, my love. Look at my body because it's all yours. All yours.” he seductively said.

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now