Chapter 39

34.5K 1.2K 529
                                    





Promise





"What took you so long to open the door?"-my sister inquired when I saw her in front of me. She was also holding her phone in her other hand while staring seriously at me. 

"Hinilot ko pa kasi si Adrianna e."

Kumunot naman ang noo nya at halatang ayaw maniwala sa akin.

"She hurt her back from horseback riding. She's taking a rest right now. What do you want?"

Sinarado ko ang pinto at humalikipkip. Tinignan pa din ako ni ate mula ulo hanggang paa na parang sinisiguro na hilot nga lang yung naganap sa loob ng kwarto ko at wala ng iba.

"Don't look at me like that."- suway ko sa kanya at natawa dahil inirapan nya ako.

"Come with me. There's a serious talk happening downstairs, and everyone is here."

Everyone? The whole Spencer family?!

Sumunod ako sa kanya hanggang sa makababa kaming dalawa. Nagtungo kami sa office ni lolo at nauna na syang pumasok sa loob bago ako.

Napalunok ako dahil nandito nga lahat sila at puro presentable ang itsura. Mabuti nalang pala ay nakapag bihis din ako ng maayos na damit bago ako lumabas ng kwarto.

"What's going on?"- I asked as I looked at them.

Sobrang seryoso naman kasi ng mga ito kaya hindi ko maiwasan na hindi kabahan. Pati si Florence na joker ay tahimik lang din sa tabi ni ate Louise. Wala yata ang mga anak nila ah. Dumako naman ang mga mata ko kay ate na single ngayon dahil nasa trabaho ang asawa nito na si Helen.

"Arabella.."

"Po?"

Napaayos pa ako ng tindig dahil sa boses ni lolo. Para akong hahatulan, nakakakaba naman dito.

"Sit down."

Mabilis akong naupo sa tabi ni ate Charlie at humawak sa braso nito. Hindi naman sya umangal kahit nag sumiksik ako sa kanya dahil masama pa din ang tingin sa akin ni Daddy. Hindi yata maka move on sa sagutan namin sa farm.

"Why is everyone here? If you don't mind me asking, hehe." - I awkwardly said and squeezed my sister's arm.

Daddy gave me a blank look. I swallowed hard, and I don't know why I feel uncomfortable under their gazes.

"We all need to talk. It's about the woman sleeping in your room right now."- Grandpa said that seriously, which made me hold my breath.

May nagawa ba kaming mali? Bakit parang hindi yata maganda ang kauuwian ng usapan na ito?

************

Nagulantang ako sa ingay na nagmumula sa malaking speaker. Sinamaan ko ng tingin si Adrian dahil halata naman na sinadya nya iyon.

Nandito kasi kaming magpipinsan sa game room. Busy mag laro ng chess si ate Charlotte at Louise. Sila yung tipong hindi mo gugustuhin kalabanin kasi parehas silang ayaw magpatalo.

Si Primo busy sa arcade at si Adrian nag kukutingting ng songs sa phone nya.

Humilata ako sa couch habang binabato at sinasambot yung maliit na bola na hawak ko. Lumilipad ang isip ko kahit pa ilang araw na yung lumipas na nagkaroon ng pagpupulong sa office ni lolo.

Pagkatapos nga nung araw na iyon nagpaalam na din si Adrianna na aalis na sya. Nagtaka pa sya kung bakit parang wala ako sa sarili pero hindi ko naman masabi na may...

Napadaing ako dahil tumama yung bola sa mukha ko.

Narinig ko ang tawanan nila kaya naman sumimangot nalang ako at tinigil na ang paglalaro.

Love By A Neat Freak Psychopath ✔Where stories live. Discover now