Chapter 35

35.4K 1.2K 374
                                    





Safe and sound




Nagising ako at tinignan kaagad ang tabi ko pero wala ng tao. Gumapang na naman ang kaba at lungkot sa buong sistema ko kaya napayuko nalang ako habang mahigpit ang kapit sa unan na ginamit nya kagabi.

Hindi ako iiyak. Baka busy na sya kaya umalis.

Bumuntong hininga ako at pinilit ang sarili na kumilos. Nawala ang atensyon ko sa pagsusuot ng panloob na tsinelas dahil sa pagbukas at sara ng pinto sa banyo.

"Good morning."- malamig ang boses na sabi nito habang nagpupunas ng buhok. Nakasuot din sya ng robe na hindi ganuon kahigpit ang tali.

Akala ko umalis na sya. Weekend ba ngayon?

Pasimple kong binuksan ang phone ko at tinignan ang date. Tama, sabado nga ngayon kaya siguro hindi sya umalis para mag trabaho.

Napukaw nya ang atensyon ko dahil nasa harapan ko na sya bigla at binigyan ako ng halik sa noo.

"Kinabahan ka ba?"- tanong nya habang hawak ang pisnge ko.

Tumango naman ako kaya bahagya syang ngumiti.

"Don't be. I'm not going to leave you."

Pisnge ko naman ngayon ang pinagdiskitahan nya. Napalunok nalang ako dahil ang lamig ng kamay nya tapos ang bango bango pa nya.

Sinenyas ko naman yung banyo dahil gusto ko na din maglinis ng katawan. Binitawan naman nya ako at nagpunta na sya sa kabilang dulo ng kama para kunin yung damit nya.

Bago pa sya makapag tanggal ng robe ay mabilis na akong nakatakbo papasok ng banyo. Ang bilis din ng tibok ng puso ko kaya napailing nalang din ako.

Nagtagal din ako ng ilang oras sa loob at ng manawa ako sa tubig at sabon ay lumabas na din ako.

"Baby? Can you zip my dress?"

Para syang model na lumapit sa akin at tumalikod. Hinawi din nya ng bahagya ang buhok nya at nilagay sa kabilang side ng leeg nya.

Kanina pa ako naligo pero hindi pa pala sya nakabihis. O baka nagbago isip nya at inuna muna ang magpatuyo ng buhok.

She's wearing a short floral sleeveless dress that makes her skin tone appear more appealing to the eye.

Nanginginig ang kamay ko na inabot ang zipper ng dress nya at hinila iyon pataas. Hindi ko na pinansin yung lock ng brassiere nya na parang inaakit ako na tanggalin ko sya.

Nang matapos ako ay binitawan ko na sya. Humarap naman sya sakin at sinuklay ng bahagya yung buhok nya habang naka titig sa akin ng seryoso.

Her eyes never fail to make me feel uncomfortable.
She was giving me her usual stare when I first met her.

Masungit, matalim, at malalim. Para kang lulunudin palagi kapag hindi ka umiwas.

Buti nalang kilala ko sya, dahil kung hindi pa baka maisip ko na ang creepy na naman nya.

Love By A Neat Freak Psychopath ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon