Chapter 33

29.2K 1.3K 584
                                    

[A/N: Hello! No to bardagulan na ha. Mag uupdate na ulit ako dito. Papasko ko na sa inyo.]





Empty





Kapit kapit ko pa din ang dumudugo kong balikat. Naglalakad sa gitna ng gubat at hindi alam kung saan lalabas. Papalubog na ang araw at nahihirapan na din ako umaninag ng liwanag.

Napahinto ako at naalarma dahil nakarinig ako ng nabaling sanga.

"There you are!"

Napasinghap ako at tatakbo na sana ulit pero nahila na nya ang buhok ko at padarag akong hinila.

"Pinagod mo ako!"- singhal nya sa akin at pabalya akong binitawan at tinutok sa akin yung baril na hawak nya.

Napahinto sya at nawala ang pagkakakunot ng noo nang mapansin ang tinatakpan ko.

"You're wounded."- she said, stating the obvious.

Hindi ko sya sinagot. Napahiyaw lang ako dahil hinigit nya ulit ako para makaupo ako ng maayos. Pinunit nya yung laylayan ng damit nya at hinawi ang kamay kong tumatakip sa sugat ko.

Kagat ang labi na pinigilan ko ang pag aray ko dahil mahigpit nyang tinalian ang sugat ko para hindi na iyon dumugo pa.

"Get up."

I shake my head. "Leave me alone!"

"Get up! We need to go back before it gets dark."

"Ayaw ko na! Parang awa mo na hayaan mo na ako!"

Hindi ko na alintana kung uhugin na ako. Gusto ko lang na tigilan na nya ako dahil napapagod na ako at ang sakit din ng katawan ko.

"Huwag mo ako galitin. Tumayo ka na dyan!"

"Ano bang kasalanan ko sayo? Bakit mo ginagawa to?!"

Pinilit kong tumayo kahit nanginginig ang mga tuhod ko at sinalubong ang malamig nyang tingin.

"You are the reason you are getting hurt! I told you to obey me! Is it hard to understand what I want you to do?"

Napaatras ako dahil kinasa nya yung baril na hawak nya habang masama ang tingin sa akin.

"I don't want to hurt you, but your actions are making me mad! I hate it when someone can't follow a simple order from me!"

"Would you be happy if I died right now?"

Her lips parted and her brows slightly furrowed.

"Answer me, Celestine! Would you be happy if I died right now?"

"Stop talking nonsense and follow me,"- she said dismissively, turning her back on me.

"If you're going to kill her, then kill me too! I can't live my life without her!"- I screamed.

My vision got blurry when she grabbed my hair and squeezed my cheeks.

"She'll die alone!"- she screamed, making the birds fly away. "And you are going to be mine!"

Sabay kaming napalingon sa direksyon ng villa dahil sa sunod sunod na putukan ng baril na nagmumula duon.

Para syang timang na biglang tumawa at nagliwanag pa ang mukha. Kulang nalang pumalakpak din ang tainga nya sa tuwa.

"My sister is here!"

Hinila nya ako at mabilis na lumakad pabalik. Gusto kong matuwa dahil may rescue na, pero ang isipin na may mamamatay sa kanila ay hindi ko kaya.

Ayaw kong dungisan ni Adrianna ang kamay nya pero ayaw ko din naman na mapatay sya ng kapatid nya.

Nakarating kami sa villa at kanya kanya na silang barilan. Oh my gosh! Para akong nasa isang Hollywood action movie.

Love By A Neat Freak Psychopath ✔Where stories live. Discover now