Chapter 6

27.6K 1.2K 648
                                    



Dog




Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Ramdam ko din na wala akong saplot sa katawan at tanging puting kumot lang ang nakapatong dito.

Nakumpira ko lang ang hinala ko ng makita ko ang katabi kong lalaki na nakayakap pa sa bewang ko.

Dahan dahan akong bumangon at napa aray. Naisuko ko na ang bataan!

Teka..

Ano bang nangyari? At saka bakit ba kayo naniwala sa sinabi ko mga boang kayo.

Virgin pa po ako HAHAHA. Nasa condo lang ako at nag iimagine ng mga kalokohan.

In love na naman kasi ako sa isang main lead na nabasa ko sa isang story. Sobrang dami ko na pong asawa. Mapa movie/series at stories.

Basta lahat ng green flag kahit may bahid ng red, go ako dyan!

AAAAHHHH!!  Pero wala pa din papantay sa mga jowa kong nasa Korea.

"Arabella!"

"Oh?"

Nagulantang ako sa pagsipa ni ate Charlotte sa pinto ng kwarto ko. May hawak pa itong sandok at nakasuot ng apron.

"Kanina pa kita tinatawag! Ano bang pinag gagagawa mo at hindi mo ako naririnig?"

Pfft! Para syang nanay kung mag salita.

Bumangon na ako at nag inat. Tinulak ko sya palabas ng room ko hanggang sa makarating kami sa kusina.

Dumalaw kasi sya sakin at dahil mabait ako, inutusan ko syang paglutuan ako ng pagkain. Sa amin kasing dalawa sya talaga yung maraming alam sa kusina. Palagi kasi syang nasama kay Mommy. E ako minsan lang dahil lagi akong nakabuntot kay Dad kaya pati ugali namana ko.

"Ate, thank you ha. Kung hindi ka dumating baka nag order na naman ako."

"You should avoid eating fast foods. It's not healthy."

"Minsan lang naman. Sawa nako sa mga gulay na nasa ref ko."

She chuckled before turning off the stove.

"E pano bayan, gulay din niluto ko."

"At least iba naman lasa."

Kumuha na ako ng plato at kutsara. Nilagay ko na iyon sa mesa at nauna na din akong magsandok ng kanin at ulam.

"Ugh! Ang sarap! The best ka talaga Charlie!"

Imbes na matuwa ay inirapan nalang nya ako at nagsalin ng tubig sa baso. Nilagay nya iyon sa tabi ko na ikinangiti ko.

My sister is such a caring person. She's just masking her sweetness and bubbly side with her cold demeanor because she needs to always be prim and proper like our almost perfect cousin Louise. The coldest grandchild of the Spencer clan.

"You eat like a child."- she said, wiping my lips.

Matapos punasan ang labi ko ay naupo na sya at kumain na din.

"Is this called adobong sitaw with tofu?"

"Yeah."

"San mo naman to nalaman?"

"Helen."

Nginisian ko sya pero sumimangot lang sya sakin.

Pasimple pa tong ate ko e. Bata pala ang nais hehe.

Matapos kumain ay ako na ang naghugas and then after ko mag hugas ay nanuod muna kami ng movie dahil part na talaga ito ng bonding namin magkapatid kahit nuong nasa mansion pa kami.

Love By A Neat Freak Psychopath ✔Where stories live. Discover now