Chapter 13

27.5K 1.3K 735
                                    


Faceless



My life is perfect, or it's just in my imagination. I was loved and adored by many because of my cool and soft demeanor. I was free and happy until I met her. My supposedly wonderful bachelorette days are doomed because of her.

Paano nalang ako makakalandi nito kung hindi ko alam kung saan nya ako dinala.

"Do you want me to feed you?"

"I want to go home."- masungit na sagot ko dito.

Matapos ko kasing makawala sa mga kadena nya ay pinasundo nya ako sa isang maid at sinabi na bumaba daw ako para kumain.

Natakot pa nga ako dahil paglabas ko ng kwarto ay feeling ko nasa bahay ako ng isang bampira.

Ang laki kasi ng bahay na ito pero ang tipid sa ilaw. May mga parte ng bahay na madilim talaga pero makikita naman na halos lahat ng nandito ay puro mamahalin lalo na yung mga paintings na nakasabit sa mga pader.

Chandelier ang nag sisilbing liwanag sa buong malawak na sala. Tapos kapag umakyat ka na ng hagdanan nanduon na yung maliliit na ilaw sa pader na parang sa lamppost.

Basta, her house looks spooky.

"I said, I want to go home."- pag ulit ko sa sinabi ko kanina.

Huminto sya sa paghiwa ng pino sa karne na nasa plato nya. Sumandal sya sa upuan nya habang pinapaikot ang wine glass na may laman na red wine. Pati nail polish nya kulay pula din.

She parted her red lips to drink from it without looking away from me. My eyes dropped to my own plate when she licked her lips after drinking.

Bumilis kasi ang tibok ng puso ko. Lintek naman, ano yon?!

"We're far away from the city."- she trailed off while her candle-like finger traced the glass of wine.

Hindi ko pa kasi nakikita yung labas. Kasi halos lahat ng bintana dito ay natatakpan ng makapal na kurtina.

"Ano ba kasing pumasok sa kokote mo at dinala mo ako dito sa lugar na ‘to?!"

Tumingala sya at humugot ng malalim na paghinga. Pagmulat nya ay bumalik ulit sya sa paghawak sa mga kubyertos na binitawan nya kanina.

"We're at the dining table. Have some manners."

I push my chair back to stand up and lean my hands on the table. She just gave me a bored look while chewing her steak.

"I don't want to eat with you."

"If it's me, you don't want to? But if it's that Imperial girl, you will go without a second thought as if she's your freaking girlfriend?!"

Mukhang nagsisi naman sya sa pagtaas ng boses nya kaya muli syang pumikit at nagbuntong hininga para pakalmahin ang sarili nya.

"Go and leave if you can."- she muttered, clearly annoyed at me.

Inirapan ko ito at padabog na akong umalis sa harapan nya. Wala akong makitang maid sa mga oras na ito, o kung meron pa nga ba, o wala dahil tulog na ay hindi ko na alam. Basta ang gusto ko lang ay makauwi.

Pagkabukas ko ng front door ay naramdaman ko kaagad ang malamig na hangin. Bumungad sa akin ang malawak na lupain.

"What the heck!"

Mabilis akong lumakad palayo sa bahay hanggang sa makumpira ko na nasa tagong lugar nga kami.

"No way.."- I whispered as I roamed my eyes around just to figure out that they were in the middle of I don't know where.

Love By A Neat Freak Psychopath ✔Where stories live. Discover now