Chapter 9

26.7K 1.2K 443
                                    



Girl crush




"Ate, can I borrow your clothes?"

Gabi na kasi at kakatapos ko lang maligo. Mga underwear lang kasi binaon ko sa maliit kong bag at make up kit pati ID's and credit card, dahil iyon lang naman ang mga kasya duon sa bag.

Nasa harap naman ng dresser ang magaling kong ate at nagsusuklay ng buhok. Kanina pa sya dyan, hindi na yata matapos sa kaka ayos ng buhok nya.

"Ate Charlie!"

Nabigla pa sya dahil sa pag tawag ko sa kanya. Para yata syang lutang. Kanina pa yan, paggising ko kanina ganyan na sya nakatulala tapos biglang ngingiti. Baliw na yata ang isang ‘to.

"Bahala ka na mamili dyan."- simpleng sagot nya at tinuro ang walk in closet nya.

Ngumuso nalang ako at pumasok na duon. In fairness, ang ganda talaga ng sense of fashion ng ate ko pero mas bet ko pa din kapag nakasuot sya ng Hello Kitty na sleepwear. Ang cute cute nya kasi kahit matanda na sya.

Kumuha ako ng isang tee-shirt at pajama at sinuot ko na iyon. Bumalik lang ako sa banyo para isampay ang ginamit kong tuwalya.

"Come here. I'll dry your hair."- she said, and I nodded silently.

I look at myself in front of the mirror as I watch her stand behind me to fix my wet hair.

Napapikit nalang ako ng iblow dry na nya ang buhok ko.

"Ate, are you okay?"

"Oo naman."

"Hindi ka na ba nag.. nagkakaroon ng existential crisis?"

She stopped for a moment, and I heard her giggle.

"I think I finally found my purpose here on earth."

Hinuli ko ang isa nyang kamay at inangat ang manggas ng pantulog nya. Tinignan ko lang kung malinis ang balat nya. Nag susugat kasi sya dati e kapag sobra sobrang pressure ang nararanasan nya, pero hindi naman yung sobrang lalim. Parang hiwa lang na maninipis ganun kaya wala syang peklat kung titignan sa unang tingin.

She may appear classy and almost perfect like our eldest cousin Louise for having a brain and beauty, but she tends to become impulsive when she's just alone and nobody's looking at her.

Minsan ko na syang nahuli at nangako naman na syang hindi nya uulitin iyon. Gusto lang daw talaga nya maramdaman na buhay pa sya. Continues pa din naman yata ang pag bisita nya sa psychologist nya. At ang alam lang ng family namin ay stress sya dahil nangako din naman ako na walang pagsasabihan ng nakita ko.

"Don't worry, I'm clean."- she softly muttered.

Pinakita pa nya sakin ang dalawang wrists nya bago nagpatuloy sa pag papa tuyo ng buhok ko.

"I hate seeing you in pain."- sabi ko pero sobrang hina lang.

Pang asar lang talaga ako pero lumalabas talaga soft side ko sa family ko.

"I'm not in pain, Bella. Ate is happy."- she calmly replied while combing my hair.

I close my eyes again. It's really easy for me to feel sleepy whenever someone is caressing my hair. Our mother loved doing this when we were still kids.

Bigla tuloy parang gusto kong umuwi ng mansion.

"Have you tried confessing to someone, Bella?"- she said, breaking the silence.

"No. But maybe I can try it on your best friend."

Nakatanggap naman ako ng batok. Mahina lang naman pero kahit na!

Love By A Neat Freak Psychopath ✔Where stories live. Discover now