Chapter 23

28.1K 1.3K 425
                                    



Nobody knows



Here I am, standing in front of her grave without any emotion in my face. I examined the whole place; it was a private area, and the tombstone was alone here.

Leaves scattered around because of the wind blowing up the trees to dance with its rhythm. 

"Ang sabi ko di ba hukayin mo?"- malamig ang boses na sabi ko sa lalaking ilang dipa ang layo sa akin.

"Ma'am, iyon na nga po ang balak ko, pero bigla po kasing may dumating e."

Mula sa pagkakayuko ay umayos ako ng tindig at tinignan sya.

"May dumating?"

"Meron po, pero hindi ko po namukhaan kung sino dahil gabi po nuon."

"May narinig ka bang sinabi nya?"

"Nakakatitig lang sya sa puntod. Mga ilang minuto din syang nakatayo pero hindi ko narinig na nagsalita sya. Sandali po, may litrato nga pala akong nakuha."

Nilabas nya yung phone sa bulsa nya at pinakita sa akin ang isang stolen shot ng nasabing tao.

Ni zoom ko ang picture at napakunot noo. Sa posture palang nito ay alam kong matangkad ito pero mahirap i identify kung lalaki ba ito o babae dahil na din sa damit na suot nito.

Sinauli ko yung phone nya at muli akong tumingin sa lapida.

"Kumuha ka ng pala. Ako na maghuhukay."

"M-ma'am?"

I look at him and raise my brow. "Are you deaf?"

He shakes his head and quickly follows my order. I sigh and pull the sleeve of my long sleeve up to my elbows. I even tied up my hair for no disturbance when I start to dig in this spot later.

Matatahimik lang ako kapag nakita ko mismo na may katawan nga sa ilalim ng lupang ito.

"Lulubog na po ang araw at mukhang uulan din."- sabi nya pagkabalik nya habang hawak yung mga pala.

"E ano naman. Mas okay nga maghukay ngayon. Bukod sa lalambot ang lupa, madilim pa mamaya."

Kinuha ko yung isa sa kanya at umambang tutusukin ko na yung lupa pero kasabay ng pagkidlat at dagundong ng kulog ay ang pagkahagip ng mga mata ko sa isang pigura ng tao na nakatayo malapit na gate.

Binaba ko ang pala pero nagsimula ng umalis yung tao.

"Ma'am?"

"Stay here. Somebody's watching us."

Tinakbo ko ang gate at tinignan ang taong nakatingin sa amin kanina. Nag igting ang panga ko ng makita na nakalayo na ito at nakapasok sa kotseng nag iintay dito.

Bumalik ako sa libingan at inutusan si Armand na tuluyan ng hukayin ito. Tumulong na din ako at hindi inalintana ang hirap.

Maraming oras ang lumipas, nilalamig na din ako pero patuloy pa din ako sa pag huhukay.

Napakalalim naman yata nito?!

"Ayaw ko na! Ituloy mo yan."

Sumalampak ako ng upo sa tabi at pinunasan ang mukha ko na basang basa ng tubig ulan.

Dalawang oras na ulit yung lumipas. Saktong alas dose ay may narinig na akong parang may tinamaan si Armand.

Nagkatinginan kami.

"Mukhang ito na po yung kabaong."

Bumilis ang tibok ng puso ko habang tinatanggal pa nya yung ibang lupa na naka tabon duon.

Love By A Neat Freak Psychopath ✔Where stories live. Discover now