Chapter 3

31.5K 1.2K 361
                                    



Instructor




Muntik na ako ma late sa pagpasok kanina dahil sa hindi kaagad ako nakatulog kagabi. Hanggang ngayon nga ay nahikab pa ako dahil hindi ako pinatulog ng mga matang iyon.

Para akong binabangungot at ang professor na iyon ang dahilan dahil hindi mawala sa isip ko yung pagtitig nya sakin at yung pag overtake nya sa kotse ko.

Like, what's her problem, ba? I believe I didn't do anything wrong with her. In fact, I helped her during our bar encounter last time, so I don't get why she's observing me like I'm some kind of criminal.

I jerked in my spot when I heard the sound of doors opening and closing in the locker room.

Dang it! Nakaupo pa pala ako at nakapikit. Nakabihis na ng pang p.e ang mga kaklase ko habang ako ay tatayo palang at bubuksan ang sarili kong locker.

Magkahiwalay ang boys sa girls. Malamang, dahil meron din ditong shower area. Pero hindi ako naliligo dito. As much as possible hindi ako masyadong nagpapapawis dahil ayaw kong maging dugyot at ayaw kong maligo dito.

Hindi ako maarte, pero parang ganun na nga, at saka ayaw kong may makakita ng katawan ko at ayaw ko din makakita ng katawan ng iba.

I may sound vulgar most of the time, but I'm not that liberated. I'm still conservative and I prefer privacy when it comes to dealing with myself.

"10 minutes before our class starts. Diretso na sa gym, guys!"- announce ng class president namin.

"Sabay ka ba?"- tapik sakin ng isa kong kaklase pero umiling lang ako.

I want to be alone. This is why I dislike having insufficient sleep because I can easily get irritated.

Lumabas na silang lahat at ilan nalang kaming naiwan dito sa loob. Kinuha ko na yung p.e uniform ko at pumasok na ako sa isang cubicle para magbihis.

Matapos sa ginagawa ay lumabas na ako at inayos ulit ang loob ng locker ko. Nilock ko iyon at pumunta na ako sa tapat ng sink para magsalamin. Tinali ko din ang buhok ko at tinampal tampal ang pisnge ko para magising naman ako.

Ayaw kong lalanta lanta sa court. Baka masigawan pa ako ng prof. At saka nakakahiya yon lalo pa at nasa dean's list ako.

Kahit minor itong subject ayaw ko pa din ibagsak. Hirap talaga kapag buong pamilya mo achiever. Napasa na sa henerasyon namin yung expectations na hindi kami dapat magkakamali sa mga desisyon at kilos namin.

Ngayon alam ko na yung nararamdaman ni Beatrice. Nakakapagod nga maging Spencer.

Tahimik akong pumasok sa gym. Napailing nalang ako dahil sumipol pa yung mga iba namin kaklase pagkakita sakin.

Ewan ko ba sa kanila at gustong gusto daw nila ang beauty ko, perks of being a half-blooded goddess. Charot! Ang hangin ko na naman.

"GUYS!"

"ANO?!"- they said in unison when our P.R.O came inside the gym panting.

"Sir. Cruz is not around."

"O e bakit nandito pa tayo?"- tanong ni Dan na nakakunot ang noo.

Tahimik lang akong naupo sa front row ng wood gym bleachers habang pinapakinggan sila. Natanaw ko naman si Ace na papalapit sa gawi ko.

"Wala nga si Sir, pero may substitute prof pa din tayo. And guess what? She's from the College of Science!!"

Hindi ko narinig ang iba pang sinabi nito dahil kinalabit ako ni Ace.

"Ayos ka lang?"

"Yeah, inaantok lang."

Love By A Neat Freak Psychopath ✔Where stories live. Discover now